Chapter 9 - Changing Paths

Start from the beginning
                                    

Susunod na sana ako sa kanila nang mapansin kong nakaupo pa rin si Dash.



"Aren't you going home?" I asked him.

"Maaga pa. Maybe later." Ganun? Bitin pa siya? Baka mamaya maglasing siya, bahala siya diyan. Walang maguuwi sa kanya. Oh well, it's his decision. Malaki na siya at mukhang hindi naman ito ang unang beses na gagawin niya ito.

I grabbed my purse and looked at him again. "Okay. Ingat pauwi."

He waved goodbye to me. "See you around, Iris."


Tumango ako at humabol na kila Rios. Isa-isa na kaming nagsisakayan sa mga kotse. Doon ako sa car ni Evan sumakay dahil hinila ako doon ni Ava. Tiffany and Naomi went to Zin's car.

Asher's not drunk pero sila Rios at Kiel, halatang bagsak na. Theo's going to drive both of them home. Papakuha na lang yata nung dalawang mokong ang mga kotse nila sa drivers nila.


Before leaving the parking lot, Evan rolled the car window down.

"Oh mag-chat kayo sa gc pag nakauwi na kayo ah!" He shouted.



"Gege!"

"Ingat sa pagda-drive!"

"Bye guys!"


I smiled while watching everyone bid goodbye. Nakakatuwa na napasama ako sa grupo na ito. They're caring and they're the best.


*****


Kiel has been the talk of the town since his first gig. In-upload kasi ni Ava ang video nito online kaya naman pinagusapan talaga siya ng mga tao. Nag-trend ito at nagkaroon pa siya ng sangkatutak na fanclubs. I heard he even got some serious record deals but from what I know, Kiel declined all offers.


"Sayang 'yon pre," Rios said.

"Hindi ako kumanta para sumikat. I had other reasons," he shared.

"Tss. Kung ako nasa sitwasyon mo, mag-take advantage ako. I'd have a lot of girls by now."

"Noon pa, madami na humahabol sa'tin. What's the difference?"


I rolled my eyes at them. Wala nang ibang pinagusapan kundi kalokohan.

"Hey guys, mauna na kayo sa The Grove. Iiwan ko lang muna 'tong mga books ko sa locker." The Grove is what we call on the private lounge our parents gave us. Pinatayo iyon dito sa school para sa aming magkakaibigan. Isang maliit na tambayan lang, may living room, mini kitchen, pool area at dining room.


"Samahan ka na namin," Kiel suggested. Papayag sana ako pero may kung ano sa mga mata niya ang pumigil sa akin. Lately napapansin ko masyadong malungkot ang mga tingin niya. He laughs but there's a hint of sadness in his voice. I'm not sure if ako lang ang nakakakita no'n.

Napapaisip tuloy ako, ganoon rin kaya ako? Do I also sound heartbroken despite all the smiles?

Ayoko tuloy dumikit dikit kay Kiel. We'd be two sad people beside each other.


"Hindi, okay lang. Kanina pa kayo hinahanap ni Asher. He even called me."

"O sige sige!" Umalis na 'yung dalawa kaya tumalikod na rin ako.


As I'm putting my books inside my locker, I heard a group of girls gossiping at the side. Hindi ko maiwasang makinig sa kanila dahil ang lalakas ng mga boses nila.


Torn in Two (Elite Girls 2)Where stories live. Discover now