Under The Sunset

28 2 0
                                    

NGAYONG araw ay ang araw na magkikita kami ni Xia after days na hindi kami nagkita. Napilit ko din ito sa wakas na makipagkita saakin after ng mga nangyare.


Feeling ko nga iniiwasan niya ako sinabi na siguro nila Migs na alam ko na ang lahat.


Habang naghihintay ay nakita ko na itong naglalakad mula sa malayo.


She's wearing black loose shirt na nakatack-in sa black din niyang pleated skirt at black na boots.


Kita mo tong babaeng to kung pumorma kala mo hindi siya Teacher.



" Xiaaaa " tawag ko sabay na sinalubong ito ng yakap.


" aray ha ilang araw lang tayo di nagkita miss mo na ko agad? " natatawa nitong sagot.


" Oo pinagalala mo kaya ako noong binasag mo yung salamin sa Males Room " sagot ko sabay kinuha ang bucket hat niya at sinuot iyon.


" sorry " tipid nitong sagot.


I look at her pati sa kamay niya na may benda parin.


" Xia , I'm sorry dapat sinabi mo nalang saakin tsaka para kang tanga " sagot ko habang hawak ang kamay nitong may benda.


" a-ako? Parang tanga? Eh kung sampalin kaya kita ngayon " sarkastiko nitong saad.


Ang sadista talaga oh paano kaya naging teacher to HAHAHHAHA.


" Ang tanga mo kasi nakipagbreak ka kay Aziel dahil lang saakin? " tanong ko.


Nakita ko naman na bahagya itong nagulat sa sinabi ko.


" tsk sinabi niya ba sayo yon? Ang kapal ng face niya ! Wag mo ng kakausapin yon uli ha! " inis nitong saad sabay na naunang maglakad.


" hoy wait lang " sagot ko sabay habol dito.



" Clio, wag mo isipin na kasalanan mo yon Ok? Desisyon ko yon so labas ka don. Labas ka saamin " saad nito ng maabutan ko siya.



" bakit ka ba kasi nakipagbreak ha? Ok andon na tayo sa naaksidente ako pero di naman enough yon para- " natigil ako sa pagsasalita ng huminto ito sa paglalakad at hawakan nito ang balikat ko.


" Clio, wala na kami its about a year na din kaya wag na natin pag-usapan pa." sagot nito.


Tsk parehas sila ng sagot...


" its my issue Clio, so wag mo ng problemahin pa ako ng bahala doon Ok? " nakangiti nitong sagot.


" pero kasi Xi- " natigil ako ng bigla ako nitong akbayan.


" tama na te, halika na may pupuntahan pa tayo " saad nito sabay na hinila ako.



" pero wait lang sino nga uli iyong babaeng nakasabunutan mo noon sa Blue Magic? " tanong ko.


Nakita ko namang umikot nanaman ang mga mata nito dahil sa tanong ko.


" that bitch? That's Yeji , my ultimate basher. Hindi lang naman niya matanggap na ako ang hinahabol ng hinahabol niyang lalaki " umiiling nitong saad.


𝚄𝚗𝚍𝚎𝚛 𝚝𝚑𝚎 𝚂𝚞𝚗𝚜𝚎𝚝 [ 𝚂𝚎𝚟𝚎𝚗𝚝𝚎𝚎𝚗 𝚂𝚎𝚛𝚒𝚎𝚜 1 ]Where stories live. Discover now