Chapter 12

30 6 12
                                    



" Grabe ano naman kayang gagawin ko ngayong araw? "


Paano ba naman hindi kami natuloy ni Xia kasi may Urgent meeting daw sa kumpanya nila hays. Tumagilid ako sa pagkakahiga at pinagmasdan ang mga libro ko.


Aha! Alam ko na!!

@ Cafe y leer libros

Nang makita ko ang mga libro ko kanina ay naisip ko itong shop kaya dito nalang ako pumunta. Matapos kong umorder ay umupo ako uli kung saan kami umupo ni Migs noong una kaming pumunta dito.

Habang hinihintay ang order ko ay naglibot muna ako para tumingin ng librong pwede kong basahin.

" hays grabe ang daming libro ang hirap pumili " saad ko sa sarili.

Habang naghahanap ako ng libro ay bigla nalang akong nakarinig ng tunog ng camera at Nang lingonin ko ito ay nakita ko si Migs habang nakangiti at nakatingin sa polaroid.

"A-anong ginagawa mo dito? " gulat kong tanong dito.

Nung pumasok naman ako dito hindi ko siya nakita pero nanndito siya?

" Kanina pako dito , may meeting kami dito " nakangiti nitong sagot.

" oh " saad nito sabay abot ng picture galing sa polaroid nito.

Wao ang galing niya kumuha...

" ang ganda, pwede ka na magphotographer " biro ko habang nakatingin parin sa picture.

" hindi naman, maganda lang talaga iyong subject " sagot nito.

Nang tingnan ko ito ay diretsyo itong nakatingin saakin habang hindi parin nawawala ang ngiti sa labi.

Aish. Bakit ka ganyan?!

" hindi ka ba nauumay sa mukha ko ha? Kanina ka pa picture ng picture diyan e " natatawa kong saad dito.

Simula pa kasi talaga kanina puro pagkuha lang ng pictures ko ang ginagawa niya. Hanggang ngayong kumakain ako ay panay parin ang pagkuha nito ng pictures.

" nope, I love the view so much " sagot nito ng nakangiti.

Kahit ngiti nito hindi nakakaumay
hays...

Ilang buwan narin simula ng magkasama kami ni Migs and everyday is so special.

" ay wait , may gagawin ka ba after mo dito? " tanong nito.

Natawa naman ako kasi para siyang bata magtanong.

" Wala , kaya nga ako pumunta dito e , kasi wala akong gagawin ngayong araw " sagot ko.

" yun oh sige may pupuntahan tayo " masaya nitong sagot sabay na pinagpatuloy ang pagkain ng cupcake niya.



MATAPOS naming kainin ang inorder naming kape at cupcake ay niyaya niya agad akong lumabas na at pumunta sa isang lugar.


" Andito na tayo " saad nito sabay na bumaba at pinagbuksan ako ng pinto.

" Tara doon tayo " turo nito sabay hila saakin.

beach...

" Tadaa! Sakto dating natin , Sunset na " masaya nitong saad.

" ang ganda naman dito..." sagot ko habang hindi parin inaalis ang tingin sa dagat.

𝚄𝚗𝚍𝚎𝚛 𝚝𝚑𝚎 𝚂𝚞𝚗𝚜𝚎𝚝 [ 𝚂𝚎𝚟𝚎𝚗𝚝𝚎𝚎𝚗 𝚂𝚎𝚛𝚒𝚎𝚜 1 ]Where stories live. Discover now