Chapter 9

43 9 12
                                    

" siguro kailangan ko ng magpacheck-up lumalala na kasi pagsakit ng ulo ko e " saad ko habang nakatingin sa labas ng bintana.

" hmm saan mo naman balak magpacheck-up? " tanong nito habang nasa daan parin ang tingin.

" sa hospital kung saan ako naconfine " sagot ko sabay na tiningnan ito.

" saang hospital naman? " tanong nito.

" sa San Alfonso Hospital " sagot ko.

Mas gusto ko kasi sa hospital kung saan ako naconfine kasi for sure sila lang din ang may alam kung anong nangyayare sakin.

" you know what may kilala akong doctor doon , gusto mo sakanya ka nalang magpacheck-up? " sagot nito.

" really? " napakunot-noo kong tanong.

" yeah best friend ko siya actually " nakangiti nitong sagot.



Kinabukasan, napagkasunduan namin na sasamahan niya ako na magpacheck-up sa kaibigan niya na nasa same hospital kung saan ako naconfine.

Nang marating ko ang labas ng subdivision namin ay nakita ko na itong nakasandal sa kotse niya.

I can't stop from smiling ng makita ko siya.

He's wearing plain white tshirt and a cargo pants. Ang simple lang pero iba ang dating hays

" Nice Sunglasses huh " saad ko ng makalapit ako sakanya.

" thanks tinry ko lang naman " natatawa niyang sagot sabay na hinubad ang glasses niya.

" Tara na " yaya ko.

Mahigit isang oras din bago kami nakarating sa Hospital.

Dirediretsyo lang kaming naglakad habang nakakasalubong namin ang mga doctor, nurse at mga pasyente ay hindi ko maiwasang tingnan ang mga ito.

I hope na gumaling nadin sila...

" This way Clio " rinig kong tawag ni Migs kaya naman ay sinundan ko na ito.

" wait here I'll talk to him first " saad nito.

Tumango lang ako at umupo naman sa waiting area dito at pinanooran ang pagdaan ng mga nurse, doctor at pasyente.

Hays parang kelan lang dito ako galing ahh...

" Hi Clio " rinig kong tawag sakin.

Nagulat naman ako ng lingonin ko ito. Isang Babae, teka siya iyong nakita ko dati na pinagkakaguluhan ng mga Nurse noon sa isang kwarto ah iyong dalaga...

Pero paano siya nakaupo sa tabi ko ng hindi ko napapansin?

" ahh Hello "

Ngumiti lang ito, kaya nginitian ko nalang din.

" ang ganda mo talaga Ate " saad nito.

" hindi naman " naiilang kong sagot.

" naconfine din naman ako actually halos dito na nga ako tumira e pero hindi ako gumanda tulad mo para kang si sleeping beauty noong natutulog kapa " tuloytuloy nitong saad.

Teka paano niya nalamang naconfine ako?

" anong ginagawa mo dito? " tanong nito.

" ahh magpapacheck up lang " sagot ko.

" magpapacheck up ka kay Dr. Warren?? Doctor ba siya sa utak? " natatawa nitong tanong.

Napakunot-noo naman ako dahil sa mga sinasabi nito. Hindi ko siya maintindihan nasa tamang pag-iisip ba itong babaeng to?

𝚄𝚗𝚍𝚎𝚛 𝚝𝚑𝚎 𝚂𝚞𝚗𝚜𝚎𝚝 [ 𝚂𝚎𝚟𝚎𝚗𝚝𝚎𝚎𝚗 𝚂𝚎𝚛𝚒𝚎𝚜 1 ]Where stories live. Discover now