Chapter 11

32 6 17
                                    

" saan si Mama? " tanong ko ng makababa ako ng kwarto.

" wala umalis " sagot ni Vernon ng hindi inaalis ang tingin sa cellphone niya.

" saan daw pupunta? " tanong ko uli.

Ilang segundo na ang nakalipas pero hindi sumagot si Vernon.

Tsk puro laro

" HOY ! ASAN PUMUNTA SI MAMA! " sigaw ko dito dahilan para mabitawan niya sa gulat ang cellphone niya.

" ahhhhh cellphone koo! " sigaw nito sabay na kuha sa cellphone niyang nalaglag sa sahig.

" ano bang problema mo ha?! " sigaw nito habang chinicheck kung may basag ba ang phone niya.

" tinatanong kasi kita ng maayos tapos hindi ka sumasagot " sagot ko sabay inom ng tubig.

" wala nga umalis pumunta kila Tita Georgia , isang linggo daw siya doon kaya wag natin siya hanapin at istorbohin! " naiinis nitong saad.

sabay na dumiretsyo sa kwarto niya at padabog na sinara ang pinto.

" Parang tanga kasi kausap tsk " saad ko sa sarili.

Nang makalabas ako ng kusina ay halos humiwalay ang puso ko sa katawan ko ng makita si Migs na nasa sala.

Anong-

" a-anong ginagawa mo? B-bakit nandito ka? " gulat kong tanong dito dahilan para mapatingin siya sa gawi ko.

" ay good morning Clio " bati naman nito habang nakangiti ng malawak.

" a-anong ginagawa mo dito Migs? " tanong ko uli sabay na naglakad palapit dito.

" at b-bakit ka nakaapron at gloves? " tanong ko habang pinagmamasdan ang suot niyang kulay pink na apron.

Sinong hindi magugulantang na gigising ka tapos may ibang tao sa bahay niyo habang nakasuot ng apron at gloves?

" ahh naglinis lang ako bibisita lang sana ako kaso pag dating ko dito medyo magulo itong bahay niyo. " sagot nito habang nakahawak sa batok niya.

Walanghiya ka talaga bonon!!

" h-hindi ka dapat naglilinis diyan kasi bisita ka , hubarin mo nga yan " sagot ko.

Lalapit sana ako dito para tanggalin itong suot niyang apron  pero lumayo ito dahilan para hindi ko mahawakan ang apron.

" No, its fine nagpaalam naman din ako kay Vernon . " saad nito.

Arrghh siraulo talaga tong si Vernon! Yare ka sakin mamayang kupal ka!

" ay oo nga pala teka " paalam nito sabay na naglakad papunta sa kusina.

Sinundan ko naman ito at nakitang hinuhubad niya na ang gloves at pinatong ito sa lamesa. Akala ko ay huhubarin narin niya ang apron pero nagulat ako ng dumiretso ito sa kalan at naglabas na ng mga kawali at sinalang sa kalan.

" H-Hoy! hoy! Anong ginagawa mo ha? " tanong ko dito.

Nahinto naman ito at napatingin saakin.

" ahmm magluluto? " sagot nito.

What?! Kanina naglinis siya tapos ngayon magluluto naman?! Ano to home service?!

Anong meron?!

" t-teka bakit? Anong meron? " naguguluhan kong tanong.

Napatitig naman ito sakin. Sabay na ngumiti.

𝚄𝚗𝚍𝚎𝚛 𝚝𝚑𝚎 𝚂𝚞𝚗𝚜𝚎𝚝 [ 𝚂𝚎𝚟𝚎𝚗𝚝𝚎𝚎𝚗 𝚂𝚎𝚛𝚒𝚎𝚜 1 ]Where stories live. Discover now