Chapter 23

16 4 4
                                    

NANG pumasok kami sa loob ay wala parin si Xia pati ang katabi nitong si Joshua wala nadin sa upuan.

Nilibot ko ang paligid pero wala sila dito.

Saan naman kaya sila nagpunta?

" asaan sila Xia tsaka Joshua? " tanong ni Migs sa mga kaibigan nito.

" hinanap ni Shua si Xia , antagal kasing bumalik nagpaalam lang magcr hanggang ngayon di pa bumabalik. " sagot ni Gideon na naniningkit ang mga mata.

Nako baka kung saan saan na naman naggala yon...

" Migs, hahanapin ko na rin si Xia " paalam ko sabay na tumayo.

" ha? Sasamahan na kita " sagot nito.

Tumango lang ako sabay na naglakad kami palabas ng Events Place. Sa paglalakad namin sa hallway ay nakita namin si shua na may kausap na guard sa harap ng Males Comfort Room.

" shua, anong meron dito? " tanong ni Migs ng makalapit kami.

Joshua just brushed his hair up then pointed his finger inside the Comfort Room.

What the?!

" anong nangyare? Bakit basag yan? " tanong ni Migs.

Halos magsitaasan ang balahibo ko ng makitang basag ang salamin sa loob ng Cr at may kaunting dugo sa sahig at sa sink. Kapansin-pansin naman ang pagkaaligaga ni Joshua habang kinakausap ni Migs.

" tiningnan na namin sa CCTV kung sino ang gumawa nito then it really gives me goosebumps " sagot ni shua habang nakatingin sa loob ng Cr.

" sino? Grabe nanira pa talaga ng salamin ha " umiiling na sagot ni Migs.

" i don't know if it's Aziel or- " sagot naman ni Shua na kinagulat namin.

" x-xia ? No hindi kaya gawin ni Xia yan!" hindi makapaniwalang sigaw ko habang nakatitig parin sa basagbasag na salamin.

" look its her tiara di makita sa CCTV pero it looks like na iyon ang ginamit para basagin iyong salamin. " sagot nito habang nakaturo sa tiara na nasa sahig.

Omy xia what happened?!

" Nasaan na siya? " nangingiyak kong tanong dito.

I can't help but to cry halos kapatid ko na si Xia at hindi ko alam kung anong gagawin kapag may nangyareng masama sakanya.

" nakita sa CCTV na buhat ni Aziel si Xia nang lumabas sila dito, hays don't worry she's with Aziel I know hindi niya papabayaan si Xia" sagot nito.

" pero ang gago niya sa part na hindi niya tayo kinontact para alam natin ang nangyare kay Xia " umiiling na sagot ni Joshua.

" Bakit si Aziel nag-uwi sakanya? Bakit hindi ikaw? Tsaka saan niya dinala si Xia?" sunodsunod kong tanong.

Hindi sa judgemental ako but I dont know him that much.

" Clio, calm down kilala namin si Aziel hindi niya papabayaan si Xia siguro inuwi niya nalang si Xia para magamot ang sugat nito. " saad ni gyu habang nakahawak sa balikat ko.

" but-"

" don't worry , Tara na " saad ni Migs sabay na nagpaalam kay shua na mauuna na kami.

𝚄𝚗𝚍𝚎𝚛 𝚝𝚑𝚎 𝚂𝚞𝚗𝚜𝚎𝚝 [ 𝚂𝚎𝚟𝚎𝚗𝚝𝚎𝚎𝚗 𝚂𝚎𝚛𝚒𝚎𝚜 1 ]Where stories live. Discover now