CHAPTER SEVEN

2.7K 28 0
                                    

CHAPTER SEVEN


COFFEE AFTER MORNING EXERCISE is my thing. Besides, caffeine can decrease muscle pain after work out, so yeah. Since it's Saturday morning and weekends are my only free time, I got to pamper myself. Ayoko namang tumambay lang sa apartment ng buong dalawang araw at saka maaga rin akong nagigising kahit na weekends, so I decided to do my morning exercises every Saturday and Sunday. Isa pa, wala akong kasama sa apartment dahil busy sa buhay si Monnet. She's with my cousin, I guess.

"Americano for Miss Veronica." Anas ng crew nang ibigay ang coffee ko. Matamis siyang ngumiti sa 'kin kaya nginitian ko rin.

"Thank you."

"Ngayon na lang kayo ulit pumunta rito, m'am. Busy?" Simple akong tumango. Hindi ko alam na makikilala ako ng crew, madalas naman akong pumunta sa coffee shop na 'to pero hindi ko akalaing matatandaan ako. Ang madalas ko lang makita at siguradong tandang tanda ko ang itsura ay ang manager ng coffee shop dahil halos lahat ng pumapasok sa shop ay sinasalubong niya ng malawak na pagkakangiti.

"Oo," kiming sagot ko. Ayaw ko namang siyang hindi pansinin dahil baka mahiya siya sa 'kin. Nang maramdaman niyang hindi na ulit ako magsasalita ay nahihiya siyang umalis.

Akmang hahawakan ko ang baso ng kape nang may lumapit sa 'kin. She's the manager of the coffee shop! She's so beautiful!!

"Sorry. You must be mistaken. Wala po akong order na ganiyan." Nahihiyang anas ko nang agad niyang inilapag sa mesa ko ang isang slice ng chocolate cake. Pagkatapos kong mag-exercise ay mukhang mapapakain ako ng chocolate cake.

"This is for you. Regular customers receive some treats. It's our way to say thank you." Kiming aniya na sinuklian ko ng malawak na pagkakangiti.

"Thank you." Wala pa naman akong balak kumain ng sweets ngayong buong araw. Oh, well.

Nakangiti lang yung manager sa 'kin. Medyo nakakailang dahil parang may hinihintay siya. "You are beautiful." Aniya na ikinagulat ko. Agad ding namula ang mukha ko dahil sa papuri niya.

"Thank you po." I don't know how to address her. Mukhang mas bata lang siya ng konti kay mama.

Naiilang man, sumimsim ako ng kape, bumaling pa ang atensyon ko sa glass wall ng shop, saglit na napapangiti sa tuwing nakikita ang mga taong dumadaan sa labas. Iyong iba ay may kasama, iba ay solo, pero karamihan ay magkakasamang isang buong pamilya.

Nakakainggit. Kaylan ko kaya mararanasan ang gano'n? Ni wala akong maalalang lumabas kami ng pamilya ko nang sama-sama. Sa lagay ngayon ay napaka imposible pang mangyari ng ganong bagay dahil lahat ata nang nangyayari sa buhay nila ay sa akin isinisisi. Kulang na lang, pati pagdating ng bagyo ay sa akin isisi.

"Shit!" Wala sa sariling anas ko nang makita ko si Leandro. Nawala agad ang pagda-drama ko sa buhay nang masigurado kong siya nga iyon. Halos katapat ko lang siya, iyon nga lang, nasa kabilang establishment siya. Tapat na tapat mismo ng coffee shop! He's wearing plain white Ts and a pair of gray sweatpants pero sobrang gwapo pa rin niya. Shit! And his tattoos!!! He's so hot! Mas mainit pa siya sa kape na iniinom ko ngayon! Ngayon ko lang nakita ang braso niya dahil ngayon ko lang siya nakitang naka-T-shirt.

"Gosh." Wala sa sariling bulalas ko. Pakiramdam ko ay namumula ang mukha ko. Those tattoos. Tama nga ako, buong braso niya ay may tattoos.

"He's handsome, yeah?" Ilang beses akong napakurap nang magsalita ang manager. Ni hindi ko namalayang hindi pa pala siya nakakaalis.

Muli akong bumaling sa labas, sa sobrang daming dumadaang sasakyan ay hindi makatawid si Leandro. "Super handsome." Pag-amin ko.

"Do you like him?" Nangungunot ang noo kong bumaling sa manager, ganon na lang ang lawak ng pagkakangiti niya kaya naiilang akong ngumiti.

Master of my InfernoDove le storie prendono vita. Scoprilo ora