CHAPTER FOUR

3.6K 33 0
                                    

CHAPTER FOUR


NAKATULALA lang ako sa kisame habang inisip ang nangyari kanina. Hanggang ngayon ay sobrang lakas pa rin ng tibok ng puso ko. Pilit kong tinatago ang ngiti na kanina ko pang pinipigilan.

We will talk in detail over dinner.

Ilang beses na iyong nape-play sa isip ko pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. I can't fucking believe this. Leandro Mancini asked me out tonight!

"Ano, ilang oras ka bang tutulala riyan?" Nagising ako sa pagkatulala ko nang ihagis ni Monnet ang manipis na tela sa mukha ko.

Sinikmatan ko siya kasabay nang pag-upo ko sa kama. "Wag ka ngang masungit diyan." Asik ko, "Hindi ko lang alam kung anong isusuot ko. Baka maturn-off sa 'kin ang boss ko."

"Diyos ko, Veronica. Sa ganda mong iyan ay kahit ata basahan ang isuot mo ay magugustuhan ka pa rin ng boss mo."

Inismiran ko lang siya. Lumapit ako sa vanity mirror at saka ko sinimulang i-blow dry ang buhok ko. Pagka-uwi ko galing opisina ay nagpahinga lang ako ng ilang minuto at saka ako naligo. Since this is my first date with my boss, I want to look good and smell good.

"Kinakabahan ako." Seryoso anas ko nang matuyo ang buhok ko. Lumapit si Monnet sa akin at saka tinapik ang balikat ko.

"Fighting, Veronica!" Masayang aniya. "Pero bruha ka pa rin dahil kanina lang noong pinag-uusapan natin ang tungkol sa simpleng 'crush' na 'yan, tapos ngayong makauwi ka ay nagmamadali kang ibalita na magde-date na kayo." Natatawang dagdag niya.

"Sorry, mabilis ang pangyayari." Pagdadahilan ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin kay Monnet ang tungkol sa offer ng boss ko. Baka hindi niya ako maintindihan. She always says that I am an innocent girl. Na iniisip niyang wala akong alam sa mga kamunduhang bagay. Noong una ay nakapa-ignorante ko, pinilit ko lang alamin ang mga bagay na dapat ay alam na ng kagaya kong twenty-three years old. Iyon nga lang, hindi ko yon nasabi kay Monnet dahil nahihiya ako.

Ang alam niya ay simpleng date lang ito, na pag-uusapan namin ang ilang bagay tungkol sa sarili namin. Walang idea si Monnet na tungkol ito sa 'sexual fantasies' ko. Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ang totoo? Her best friend's explicit fantasy is over the top.

"Baka mamaya pag balik mo rito sa apartment, ikakasal na kayo." Biro niya na tinawanan ko lang. Loka-loka talaga ang best friend ko. "Saglit nga, ako ang maghahanap ng isusuot mo." Dagdag niya na sinundan ko lang ng tingin.

Napangiwi pa ako nang makita ang mga dress na hinahalungkat niya. Pinamumulhan ako ng mukha sa tuwing ipinapakita niya sa akin isa-isa.

"Ang ikli niyan." Hindi ko mapigilang sabihin nang ipakita niya ang isang puting dress. Kung tatantyahin ko ay halos kalahati lang ng hita ko ang masasakop non. What can I say? It came from Monnet's closet. Lahat naman ay ganon, at lahat yon ay bagay sa kaniya dahil maganda siyang magdala ng damit. At maganda rin siya.

"Hindi naman masyadong maikli, 'no." Kontra niya. "Oh, ito na lang. Huwag ka nang umangal at anong oras na, baka dumating na ang boss mong Italyano."

Muli akong napangiwi. Hindi ko alam kung dahil ba sa dress na hawak niya o dahil sa huli niyang sinabi. We are soul sisters indeed. Halos pareho lagi kami ng komento pagdating sa boss ko.

"Naisuot mo na ba 'to?" Tanong ko nang itapat sa sarili ko ang dress. Nakaharap pa ako sa salamin.

Sunod-sunod siyang umiling, "Hindi pa. Wala kasing perfect occasion para isuot 'yan. Ngayon lang, sa date mo."

"Eh? Nakakahiya, hala." Akmang ibabalik ko sa closet ang dress nang siringan ako ni Monnet. Ayaw ko namang makipagtalo dahil hindi naman ako mananalo.

"We are living in the same apartment for five years, nahihiya ka pa rin? Kahit nga ata brassieres ang ipaghiraman natin ay okay lang sa 'kin. Iyon nga lang, mas malaki ang boobs mo kaya 'di ko pala mahihiram."

Master of my InfernoWhere stories live. Discover now