thank you hehe

kakain na po ako
ng maayos

AURIE
buti namaaaan

mahirap magkasakit

sanay ka magluto?

TROY
kaya kong magprito

'yon lang

HAHAHAHAHA

AURIE
aw

hindi rin healthy kapag
laging fried, e.

uhm

gusto mo padalhan
kita ng pagkain kay
aurie?

nagbabaon din naman
siya tuwing lunch.

TROY
hindi na

maaabala pa kita

dagdag pa sa
gawain mo.

okay lang

papaturo na lang
ako kay matthew

AURIE
hahahaha

sigeee

pero kung gusto mo,
sabi ka lang hahaha

TROY
oki

you?

how's your day?

AURIE
nakakapagod pero
enjoy naman haha

TROY
ikaw din pala isa sa
nagtuturo ng sayaw
sa grade 11?

AURIE
oo

paano mo nalaman?

TROY
kay ate

pinagalitan ko nga.

masyado kang
in-overwork.

AURIE
HALA

okay lang naman ako

baka tanggalin ako
sa trabaho n'yan ah

hahahaha

TROY
tatanggalin ko
rin siya

AURIE
ay hahahaha

ikaw nga pala ang
magmamana ng
school

TROY
pressure.

AURIE
sorry

TROY
huh?

AURIE
sabi mo na-pressure kita?

TROY
did i?

hindi ah

masyado kang
seryoso, ate.

AURIE
ate hahahaha

AirdropTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon