"Sige uhm.. sasabihin ko yan sa kaibigan ko" Pagsisinunggaling ko. Umalis ako sa kinauupuan dala ang pinagkainan ko at dumeretso sa lababo, umiiwas sa tingin niyang nakakatunaw
"Okay? Anyway who's that friend of yours Ri, you sure that I know her? I'm sure it's not Yohan's bae, Emay" Napatigil ako sa paghuhugas ng maramdaman kong lumalapit ang presensya niya, mas lalo ring lumalakas ang boses niya pero hindi ako nagpatinag at mabilis na pinagtuloy ang ginawa
"A-ah kaibigan ko sa CSC" Nakokonsensiya na ako, ito na ang ikalawang beses na nagsinunggaling ako sa kaniya ayaw pa naman niya ng mga sinunggaling
"Ahh. What's her name?" Tanong niya kapagkuwan ng makalapit. Lumayo ako ng konti ng maramdaman ang braso niya na dumikit sa siko ko
"Sorry mahiyain kasi siya" sorry mahiyain ako, wala pa akong lakas loob na sabihin sayo. So tama na please kakatanong sa akin at kakatingin sa akin.
"Ako na nito doon ka muna sa veranda, Okay? Susunod ako" Sabi niya at inagaw ang sponge sa akin, tumango lang ako at agad na umalis iniwan siya roon
Tumungo ako sa ikalawang palapag ng kanilang bahay pagkapasok ko sa veranda ay umupo kaagad ako sa round sofa sabay tingin sa palagid, ito ang ikalawang beses na pumunta ako rito kesyo lang gabi iyong una kaya mas nakamamanghang tignan ang mga indoor plants dahil kitang kita ang mga kulay at tekstura nito dahil sa sikat sa araw
To: Emay
Nagawa ko na Ems, pero kinakabahan pa ako
12:54 pm
Binaba ko ang aking phone at tumingin sa sahig hinihintay ang reply niya. Ilang sandali lang akong naghintay hanggang sa umilaw ang aking cellphone
Emay:
You go girl! Ipagpatuloy mo lang yans, proceed to payo numbah two—road to kasagutan. Hwehwhe
12:57 pm
Napakagat ako sa aking labi dahil sa sinabi niya, kaya mo yan sabi ng isang bahagi ng aking isip pero parang mas nabawasan lang ang lakas loob ko
To: Emay
Kaya ko kaya Ems?
12:57 pm
Tanong ko sa kaniya. Napailing ako ng maisip ang mga pinagsasabi niya sa akin at ang mga susundin ko kunong listahan
Emay:
Naman! ikaw pa ba! Yung matalino ka na't lahat lahat pero ang tanga tanga mo naman sa crush mo haha. Confirmed bobo ka talaga ✊🏻😭
12:58 pm
Napailing ako sa sinabi niya. Hindi na ako nag reply pa at ibinalik ko nalang sa bulsa ng shorts ko ang aking phone, baka kung ano ano na naman ang mga sasabihin ng bruhildang iyon
"Ice cream?"
Napatingin ako sa kaniya pababa sa kamay niyang may hawak na isang baso ng ice cream. Tinignan ko muna iyon bago ngumiti ng matamis sa kaniya at tinanggap iyon ng buong puso. Napatingin ako sa baso niya ng mapansing strawberry ang laman nito at cookies and cream ang akin, favorite ko ang cookies and cream pero hindi ko naman sinabi iyon sa kaniya
"Sabi ni Emay paborito mo raw ang cnc. Do you like it?" Aniya sabay upo sa tabi ko.
Sumubo ako ng ice cream at tinikman ito, lumaki ang mga mata ko ng malasahan kong iba ito sa mga ice cream na kinakain ko, mas masarap ito kumpara sa ibang cookies and cream, lasang mamahalin
BINABASA MO ANG
Casquiera Series #1:Sands Of Time
Teen FictionJo Marien Bartolome a CSU stewardess student met Mr. Captain-so-full-of-himself in a one in a million incident. Unexpectedly making friends with that guy was not that so hard without even trying. No one knows what's gonna happen next, but Rien only...
Chapter 20
Magsimula sa umpisa