"Yes?" Tanong niya kapagkuwan nang mahuli niyang nakatingin ako sa kaniya. Binaba ko ang aking kutsara sabay taas ng dalawang kilay

"Ha?" Kunot noo akong napatanong sa kaniya

"Nakatingin ka sakin, so I assumed that you wanna say something" Kibit balikat niyang sabi, mas lalong nagsalubong ang aking kilay sa pagtataka. Natulala na

"Tss anong iniisip mo? Hmm?" Malambing niyang tanong at ibinaba ang kutsara't tinidor, interesadong makinig sa isasagot ko

"Ha? Wala wala!" Pagtatanggi ko. Napayuko ako ng konti nang maalala ang mga iniisip ko kanina. Kung pwede lang sasagutin ko talaga siya na dahil sa kaniya palagi akong natutula at napapaisip sa nararamdaman ko at sa mga pinapakita niyang motibo

"Come on, do you have a problem? You can share it to me, I'm all ears"..

"Girl hindi ko masasagot yan siya lang talaga, try mo siyang tanongin pero kunwari may kaibigan kang nahihirapang mag confess ganun! tapos tanongin mo siya kung ano ang magiging reaksiyon niya kung kunwari sa kaniya magco-confess yung 'friend' mo. Epektib sis di ka pa mabubulilyaso" 

Biglang pumasok sa isip ko ang payo ni Emay noong isang araw. Gulong-gulo na ako 'non kaya hindi ko naiwasang ilabas sa kaniya ang lahat ng mga nangyari at ang nararamdaman ko, mabuti at nasa mood siyang mag seryoso 'non kaya naging maayos naman ang mga payo niya sa akin at ang mga susundin ko raw kuno, para hindi na raw ako maguguluhan sa mga nararamdaman ko. Oo, gusto ko siya alam ko iyon, pero paano kung hinahangaan ko lang pala siya? Paano kung gusto ko lang pala siya kasi malapit siya sa ideal man ko?

"Yung kaibigan ko kasi—"

"At sino na naman yan?" Agaran niyang sabi. Napakagat ako sa aking labi, nagdadalawang isip kung sasabihin ko pa ba

"B-basta kilala mo siya" sagot ko

"And? okay this sounds interesting, what's the tea sis" Aniya at tumawa ng mahina

"Uhm.. uh.. ano" anong mararamdaman mo kung sasabihin kong gusto kita! Gusto kong sabihin pero alam kong hindi muna pwede. I-interview-hin muna kita, para mahanda ko naman ang sarili ko

"Uh.. yung kaibigan ko kasi, uh.. matagal na siyang may gusto sa crush niya feeling niya kasi nagpapakita ng motibo sa kaniya kaya gusto niya sanang magconfess pero natatakot siya sa magiging reaksiyon nito. Bilang uh.. lalaki, anong mararamdaman mo kapag may nag c-confess sa'yo?" Pa-interview kong tanong. Napainom kaagad ako sa aking tubig dahil sa kaba na nararamdaman. Pwede pa bang bawiin yung mga sinabi ko? Ano ba yan! Parang gusto ko nalang na kunin ako ng aliens dito o di kaya lamunin nalang ng lupa. Nakakahiya! Para naman akong desperada sa tanong ko, baka mamaya mahalata pa niya ako

"Oh, I'll be suprised of course. I'll accept her confession at gagalangin ko pa rin siya bilang babae at bilang kaibigan, Ri" Simple niyang sagot. Maingat siya sa bawat salitang binitawan niya

"Paano kung.. paano kung gusto mo r-rin siya?" Nauutal kong tanong. Agad namang kumunot ang kaniyang noo, bahagya siyang napainom sa tubig niya at napatingin sa ibang dereksiyon

"Hmm,what if I like her too? I'll be more than happy when I'll found out that she likes me too" Nakangisi niyang sabi habang nakatingin ng deretso sa akin ang mga mapupungay niyang mga mata, hindi niya inalis ang kaniyang paningin pati sa pagsubo niya. Umiwas ako ng tingin at tumango bago binilisan ang pag kain, nararamdaman kong nakatingin na siya ng matiim sa akin nagtataka siguro kung bakit ang bilis kong kumain pero hindi ko nalang iyon pinansin at nagpatuloy sa pag kain. Hindi ko na kaya ang mga titig niya, konti nalang at matutunaw na ako rito kailangan kong suminghap ng sariwang hangin

Casquiera Series #1:Sands Of Time Where stories live. Discover now