CHAPTER 32

65 3 0
                                    

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 32
#ALTRConfused

Yuno Luciano POV:

"Please tigilan nyo na nga yan Yuno at Frank!"

Muli nanaman kaming nagkabanggaan ng mga salita ni Frank na naging dahilan para hindi kami mag maintindihan, pumapagitna naman samin si Nikko upang awatin kaming dalawa.
Sa mga oras na to'y nag titimpi akong sapakin si Frank dahil sa tumatanaw parin ako ng boss sa trabaho, pero hindi nangangahulugan yun na pwede nya na akong makuha si Nikko.

"Please, hindi ba kayo nahihiya? Ang dami ng taong nakatingin sa inyong dalawa oh! Tumigil na kayo Frank!... Yuno, please tama na!"

Pasalamat na lamang ang lalaking to dahil nandyan si Nikko upang awatin kami dahil kung hindi matagal ng tumama ang kamao ko sa mukha nya.

"Kung ako sayo Yuno, uuwi nako... Dahil talunan ka diba? Isa kang malaking talunan! Umuwi kana at umiyak sa bahay nyo!"

"Hindi ako ganon kadaling sumuko Frank, pasalamat ka at tumatanaw pako ng pag galang sayo dahil kung hindi kanina pa kita nasapak!"

"Tinatakot mo ba ako?"

"Natatakot ka ba?!"

Halos sa simula palang pinag laban ko na si Nikko kaya't hindi ako susuko sa kung ano man ang nasimulan ko.

"Tama na yan, halika na nga Yuno!"

Hinila ni Nikko ang kamay ko at hinatak ako paalis, hindi naman naalis ang tingin ko ng masama kay Frank hanggang sa makalayo kaming dalawa ni Nikko.

"Yuno, ano nanaman ba yang sinisimulan mo? Yuno, ayoko na ng ganto, please... Ayoko ng nag aaway away kayo ng dahil sakin!"

"Sorry, hindi ko lang talaga mapigilan yung sarili ko Nikko... Pag nakikita ko kasi yang Frankwin na yan ay naiinis ako!"

"Palagi mo kasi pinapairal yang init ng ulo mo Yuno, pwede ba kahit minsan huminahon ka naman... Sana naman matutunan mo minsan itago yang galit mo kapag kaharap mo si Frankwin... Isa pa, nagi guilty ako sa mga nangyayari dahil alam kong ako ang dahilan ng pag aaway nyo"

"Pasensya kana talaga Nikko, nadala lang talaga ako ng galit ko kanina"

"Sana naman last na yun Yuno, ayoko na ng mga ganong senaryo sa buhay ko... Gusto kong mabuhay ng tahimik kaya sana wag kanang makipag away ng dahil sakin"

"Parang sinabi mo na din sakin na wag na kitang ipag laban dahil wala naman akong chance para sayo"

"Yuno, hindi naman sa ganon"

"Eh ano pala? Nikko, umaasa ako sayo kahit na wala akong nakikitang kahit anong pag asa... Umaasa ako na balang araw ako ang pipiliin mo, palagi kong iniisip yun Nikko!"

Alam kong mahirap na ipag laban ang pag mamahal na nararamdaman ko para kay Nikko pero kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang pigilan ang sarili ko na ipag laban ang pag ibig ko para kay Nikko, masakit para sakin na makita sa kanya na kahit isa ay wala akong chance pero mas masakit yung huminto nalang ako ng hindi manlang sya pinag lalaban.

"Sorry Yuno, sorry talaga..."

"Nikko, kahit ilang beses mo akong tanggihan, itapon at baliwalain hindi ako mag sasawang magalin ka!"

"Napakswerte ko, dahil dalawa kayong nag mamahal sakin ng kapatid mo... Pero Yuno, isa lang naman ang puso ko, sana maintindihan mo ko"

"Naiintindihan kita kaya nga binibigyan kita ng oras para kung sakaling mag bago pa yang nararamdaman mo para sa kapatid ko nandito lang ako! Oo alam kong si Yulo ang mahal mo Nikko pero hindi ako nag sasawang mahalin ka parin!"

A Love To Remember [SEASON 1]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt