CHAPTER 26

79 4 4
                                    

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 26
#ALTRWhosThatGuy

Yulo Luciano POV:

Hanggang ngayon hindi parin ako mapatawad ni Yuno ni makita ako ay ayaw nya, nandito ako ngayon nakahiga sa kama ko at nag papahinga dahil napagod at na stress ako dahil sa mga nangyari.
Napapaisio tuloy ako sa taong sumagasa kay Yuno, gusto kong managot sya sa nagawa nyang krimen.

"Kailangan hanapin ko ang taong sumagasa kay Yuno!"

Sabi ko habang nakatingin ako sa kisame, kailangan kong malaman ang CCTV ng lugar kung saan nasagasaan si Yuno kaya't agad akong napunta doon upang humanap ng CCTV na na-record ang sandaling nasagasaan si Yuno.

"Saan naman kaya ako mag hahanap dito"

Bulong ko sa sarili ko habang tumitingin ako sa paligid upang mag hanap ng CCTV, ilang saglit lang at may nakita akong CCTV na malapit sa pinang yarihan ng aksidente.

"Good morning po"

Bungad sakin ng isang staff ng pumasok ako sa loob ng convenient store, sa tingin ko ay nasagap ng CCTV nila ang sasakyang sumagasa kay Yuno.

"Uhm excuse me miss, sino yung manager nyo dito?"

"Bakit po sir?"

"Gusto ko lang sana syang makausap, pwede ba miss?"

"Sige po sir, sundan nyo nalang po ako"

"Okay thanks you!"

Agad naman akong sumunod sa kanya at mabilis naman nyang naiharap sakin ang kanilang manager na si Mr Asher Vasquez.

"Yes, how can I help you?"

"Uhm may itatanong lang sana ako boss, gumagana ba yung CCTV nyo sa labas?"

"Ah yun ba sir, oho gumagana ho yun... May maitutulong po ba kami sa inyo?"

"Actually meron eh, pwede ko bang makita yung record nyo nung time na may na accident dito malapit sa store nyo?"

"Ah sige ho sir, follow me nalang po"

Pinakita nya sakin ang record ng CCTV nila at hindi nga ako nag kamali dahil hagip na hagip nga ng camera nila ang sasakyan humaharurot na sumagasa kay Yuno, napag alaman ko na ang plate number ng sasakyan at mabilis ko itong nai-report sa pulisya.

"Mr Vasquez, thank you for letting me to see the record of the CCTV... Malaking tulong to para mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kapatid ko"

"Ah kapatid nyo ho pala yung nasagasaan? Akala ko ho kayo, magkamukhang mag kamukha kasi kayo eh"

"We're twins actually hehe thank you pala ah?"

"Sige ho sir, you're welcome po!"

Pinaalam ko na kay Nikko at Zian ang ginawa ko upang matulungan din nila ako sa pag hahanap sa taong sumagasa kay Yuno.

"Mabuti at pinaalam mo na sa mga pulis ang nalaman mo, ano may update na ba sila?"

Tanong ni Zian, habang nag aayos kami ng mga paper works ay biglang tumunog ang aking cellphone, agad ko naman itong kinuha at sinagot ang taong tumatawag sakin.

"Teka Zi, may tumatawag sakin"

(PHONE CALL CONVERSATION)

"Hello, sino to?"

"Kamusta ang kapatid mo? Balita ko naka recover na daw sya ah?"

"Sino ka? Bakit mo alam yung nangyari sa kapatid ko?"

A Love To Remember [SEASON 1]Where stories live. Discover now