CHAPTER 1

1K 31 2
                                    

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 1
#ALTREmbarrassed

• Nikko Alejo POV:

"Waah! Mali-late nako!"

Pag tingin ko sa orasan ay 7:30 na ng umaga, halos hindi ako magkanda ugaga para lang makapag ayos ng sarili ng mabilis.
Ito kasi ang araw ng job interview ko at dapat hindi ako ma late, nakakainis lang kasi dahil napuyat ako kagabi dahil sa pinapanuod kong Drama.
Hindi ako pwedeng ma late dahil napaka importanteng araw to para sakin, kaya nag madali agad ako para maka ligo at makapag bihis ng maayos.

"Nako naman! Bakit ka pa kasi nag puyat Nikko!! Ayan tuloy nag hahabol ka ng oras!"

Bulong ko sa sarili ko habang naliligo ng mabilisan, kailangan kong mag madali dahil 9am ang oras ng interview ko ngayon.

"Bilisan mo Nikko!! Hays pasaway ka talaga!!"

Halos mabaliw ako sa pag mamadali at nakakausap ko na ang sarili ko, nag mamadali akong isuot ang sapatos at medyas ko nang mga oras na to.

"Hays sa wakas natapos din!"

Bulong ko sa sarili ko habang inaayos nalang ang mga gamit sa loob ng bag ko, nang mapatingin ako sa orasan nabigla ako nang makita ko na 8:30 na ng umaga kaya't nag madali akong isuot ang bag ko at tumakbo palabas ng kwarto.

"Maaaa! Aalis nako!!"

"Oh sige nak, mag iingat ka!"

Nag madali akong makalabas ng bahay para makasakay agad ng sasakyan, 3min nakong nag aabang pero wala paring bus or taxi na nadaan.

"Aish! Mali-late ako nito eh!"

Maya maya lang at sa wakas ay may dumaan na ding bus, medyo madaming tao din ang nag hihintay ng sasakyan kaya't nag madali akong makapasok sa loob ng bus.

"Excuse me! Excuse me, makikidaan po!"

Nang makapasok ako sa loob ng bus nag hanap agad ako ng bakanting upuan, pero wala akong nakita kahit isang upuan kaya no choice ako kundi tumayo nalang.

"Wala ng upuan... Sasakit nanaman tong tuhod ko hays!"

Biglang nagulat ang lahat ng biglang mag preno ng malakas ang driver, hindi ko naman naiwasang madala sa lakas ng preno nung driver kaya bigla akong bumulagta sa lalaking nasa harapan ko.

"Hala ano ba yan!"

Napasigaw ako nung matumba kaming dalawa nung lalaki, napaibabaw ako sa lalaking nabagsakan ko nung mga oras na to.

"Aish! Ano ba, hindi ka ba nag iingat ha?!"

"S-Sorry kuya hindi ko sinasadya!"

"Sa susunod kumapit ka ng magipit para hindi ka natutumba dito sa loob ng bus!"

"Sorry, bigla kasing huminto yunh driver eh"

Ilang minuto ko ding linunok ang kahihiyan ko nung mga oras na yon dahil sa nangyari, halos hindi rin ako makatingin sa lalaking yon hanggang sa pag baba.

"Hays anong oras na ba? Mali-late nako neto!"

Sa wakas at nakarating na din ako sa venue ng job interview ko, nag madali akong pumila sa mga applicant at ilang mga oras lang at natawag na din ang pangalan ko para interview-hin.

HR: Mr Alejo, you're next!

"Ito na po!"

Agad naman akong dinala nung HR sa interview room, pag punta ko don wala pa yung mag i-interview sakin kaya naisipan kong mag ayos muna ng mukha.

A Love To Remember [SEASON 1]Where stories live. Discover now