CHAPTER 15

108 8 0
                                    

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 15
#ALTR

Nikko Alejo POV:

"Teka Yuno"

Inalis ko ang mga braso ni Yuno na nakapulupot sa aking katawan, parang hindi pa ata ako handang suklian ang pag mamahal na binibigay sakin ni Yuno kaya't medyo nailang ako nung mga oras na yakapin nya ako.

"May problema ba?"

"Uh-Uhmm ano kasi eh-"

"Pasensya na, nailang ka ata"

"Uh- Uhm hindi! Ah- Ano kasi eh"

"Sorry Nikko, alam kong hindi ka pa handa sa pag mamahal na binibigay ko sayo.. pasensya kana ah... Handa naman akong mag hintay"

Hindi nako nakasagot pa sa mga sinasabi ni Yuno dahil sa totoo lang wala talaga akong nararamdaman para sa kanya, hindi ko alam kung bakit hindi ko magustuhan si Yuno.
Mabait at maalagang tao si Yuno pero hindi ko parin sya kayang gustuhin dahil hindi naman talaga kasi sya ang taong nilu-look forward kong maging boyfriend, ang lalaking pinapangarap ko kasi ay ang kakambal nyang si Yuno.

"What? Bigla kang niyakap ni Yuno?"

"Oo Laly, nailang nga ako eh"

"Wait? Nailang ka? Bakit? Bakit ka naman maiilang? Unless kung hindi mo talaga sya type?"

Nanatili akong tahimik at napatingin nalang kay Laly, hindi ko kasi masabi sa kanya na hindi ko talaga gusto si Yuno kasi alam kong madi-disappoint sila dahil alam kong boto sila para kay Yuno.

"Wait? Alam ko yang tingin mong yan eh! Sabihin mo nga sakin Nikko, may pag asa ba sayo si Yuno o wala?"

"Laly, ano kasi..."

"Ano?"

"Laly, kaibigan ko lang talaga si Yuno"

"What? Lahat lahat ng mga pinakita sayong magandang bagay ni Yuno kaibigan parin ang tingin mo sa kanya? Nikko, naririnig mo ba yang sinasabi mo?"

"Uhm... Laly, ayokong saktan si Yuno"

"Well, sinasaktan mo na sya ngayon palang! Grabe, ang bait kaya ni Yuno sayo tapos hindi mo sya type? Bakit, may nagugustuhan kana bang iba?"

"H-Ha? Wala ah!"

"Ang suspicious naman ng galaw mo, halatang halata ka gaga!"

Pag dating talaga sa pag sisinungaling halatadong halatado talaga ako agad, hindi talaga ako magaling sa pag tatago ng kahit anong bagay dahil kitang kita agad sa kinikilos ko kung nag sasabi ba ako ng totoo.

"Alam mo, kahit hindi mo sabihin alam ko na kung sino ang nagugustuhan mo Nikko! Halata naman kasi sayo na type na type mo talaga sya!"

"Huh? Sino naman yang sinasabi mo?"

"Nakoooo! Maang maangan effect? Ano, walang alam ganern? Wag nga ako Nikko, alam na alam ko kung sino ang type mo!"

"Laly, hindi ko maintindihan yang mga sinasabi mo"

"Gusto mo talaga sabihin ko sayo no? Alam ko naman na gusto mo si Yulo eh! Diba? Gusto mo si Yulo kahit sinasaktan kana nya at pinag mumukha ka nyang tanga!"

"Laly, hindi ganyan si Yulo"

"Eh ano lang? Alam mo, wag mo ng ipag tanggol pa si sir Yulo dahil kitang kita naman namin kung anong ugaling meron sya Nikko!"

Hindi ko alam kung paano ko pa sasabihin sa mga kaibigan ko na hindi naman talaga masamang tao si Yulo dahil bawa't paliwanag ko sa kanila hindi naman sila nakikinig, hindi naman kasi nila alam kung anong totoong ugali ni Yulo dahil hindi naman nila nakakasama yung tao ng buong araw palagi ding pinapakita ni Yulo ang bad side nya kaya naiintindihan ko din sila kung bakit ganon nalang ang tingin nila don sa tao.

A Love To Remember [SEASON 1]Where stories live. Discover now