Chapter 5: Consequences

Start from the beginning
                                    

“You’re not leaving? Do I have to drag you out my house?”

“Alam ko na walang problema sa paghahandle ko sa’yo, Mika. Alam mo kung sino ang may problema dito? Ikaw. Kung may problema kayo ni Marc, sana hindi mo na ako dinamay pati ang trabaho mo. I’m sorry if you feel like sinasakal kita. I am only doing that dahil naging pasaway ka. You should also reflect sa ginawa mo and you realize I’m right. I’m going to ask Marc to do what you wanted me to do. Ipapasa ko na sa kanya ang dapat na trabaho niya. Good bye, Mika.”

Hindi na siya sumagot pa at hinintay na lang ito na umalis. Matapos no’n ay nilock niya ng muli ang kwarto at muling humiga. Alam niya naman sa sarili niya na may point din ito. Totoo nga naman na naging pasaway siya. Gusto niya kasi na bumalik na si Marc sa paghahandle sa kanya. Sinasadya niya na tumanggap ng trabaho at tatawagan ang mga ito para sabihin na nagbago ang schedule niya kaya hindi na siya makakapunta o kaya naman may sakit siya at kung ano ano pa na alibis. Pinipili niya lang ang pinapasukan na trabaho. Talagang may pinagdadaanan lang siya kaya siya nagkakaganon.

Hindi nagtagal at nakatanggap siya ng text mula kay KL na hindi niya inaasahan. Ngayon lang siya nito kinontact kahit na matagal na silang may number ng isa’t isa.

Mika, can we meet? Gusto lang sana kitang maka-usap tungkol kay Marc ASAP. Just give me the place and time na available ka.

Agad siyang nagreply sa text nito and she agreed to meet her that day din dahil wala naman siyang gagawin. Una, wala siya sa mood para magtrabaho. Pangalawa, hindi siya magtatrabaho na wala sa tabi niya si Marc lalo na’t wala na siyang manager sa ngayon. Hindi na rin naman siya umaasa pa na babalik ito kaagad matapos ng nangyari sa kanila.

Ang usapan nila ni KL ay magkikita sa isang coffee shop sa isang mall na hindi kalayuan sa tinitirhan niya. She’s losing patience now that she’s been waiting there for over thirty minutes. Ayaw niya pa naman na naghihintay lalo na at ito naman ang may kailangan sa kanya.

Just then, natanaw niya ito sa labas ng coffee shop kasama si Spencer at parang nagpapaalam ito. Nakita niya pa ito na humalik sa pisngi ng boyfriend bago tuluyang pumasok sa coffee shop at umupo sa tabi ni Mika.

“Sorry, I’m late,” sabi nito pagkaupo.

“Don’t state the obvious. Mukha namang late ka dahil nakipagdate ka pa sa boyfriend mo, eh. Seems like you’re still going strong,”

“Actually, super traffic lang talaga. I said sorry na, ‘di ba?”

“Yeah, right. So how are you? Long time, no see,”

“Oo nga, ‘no? Ang tagal na since last na nakita kita. When is that? Nung ipinakilala ka sa’kin ni Marc as her girlfriend? I think that was six months ago? And now, nakita kita ulit dahil break na kayo. I’m actually meeting with you because of him, Mika.”

Hindi niya alam kung maiinis ba siya o hindi dahil sa sinabi ni KL sa kanya. Para kasing nang-aasar ito in an indirect way pero doon din naman ang lusot noon.

“I know. Obviously, alam mo na break na kami. So what is this all about? Papagalitan mo ba ako ngayon?”

“Wait! Since may iniinom ka, I’ll just buy my drink. Stay put ka lang dyan. Hindi ka naman busy, ‘di ba? Ang alam ko wala kang lakad ngayon so dyan ka muna.”

Napanganga siya sa sinabi nito. Hindi niya tuloy maiwasan na mainis dito but still, she is keeping herself calm. Ayaw niya na makipagtalo pa kay KL lalo na at sinaktan niya na ang kapatid nito. Alam niya naman na concerned lang ito sa kapaid kaya nakipagkita sa kanya. Malamang tungkol sa breakup pero hindi niya maintindihan kung ano pa ang kailangan nilang pag-usapan tungkol sa pagbbreak nila.

Played by Fate (Game of Love side story)Where stories live. Discover now