EPILOGUE

126 17 1
                                    


EPILOGUE

RIZZA'S POV

Makalipas ang ilang taon ay nakatapos na ako ng pag-aaral. Nakahanap na rin ng trabaho at nagkaroon ng pamilya.

Ang mga nangyari noong elementarya ay nananatiling mga magagandang alaala sa akin hanggang ngayon, at talagang masasabi kong hinding-hindi ko ito makakalimutan.

Ngayong matanda na ako, hindi ko pa rin makalimutan si Ian. Kahit ngayong wala siya sa aking tabi ay hindi ko pa rin makalimutan ang mga ngiti niya.

Kahit ang matalik kong kaibigan na si Aileen ay nananatiling masaya sa isip ko at hindi ko makakalimutan. Paniguradong ngayon ay may pamilya na rin siya.

"Ay! Si Rizza nag-eemote na naman oh! Asaan na ba asawa nito?" rinig ko ang malakas na boses ni Aileen.

Paano ko makakalimutan eh hanggang ngayon akala mo ang kausap eh nasa kabilang kanto? "Nasaan ba kausap mo? Wala ka rin naman sa bundok ah! Kung makasigaw—"

Napatigil ako sa pagsasalita nang may maramdaman akong mga braso na pumapalibot sa bewang ko mula sa likod. Lumingon naman ako para makita kung sino 'yun nang marinig ko ang boses niya. "Mommy, hulaan mo po kung sino ako," utos ng anak kong babae.

"Hmm... Si Tita Aileen," loko ko.

Bumitaw naman sa akin ni Yanzie at naglakad papunta sa harap ko at inilagay sa bewang niya ang mga kamay niya. "Mommy, I'm not as loud as Tita Aileen po kaya." My little girl pouted.

Tumingin naman sa akin si Aileen at tinaasan ako ng kilay. Tinawanan ko lang siya. "Joke lang, baby ko. You know Mommy likes jokes." I caressed her soft, small cheeks.

"Ay! Kaya pala clown ang ginawang asawa ng mommy mo," pang-asar ni Aileen. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Ang gwapo ko namang clown kung ganon." Biglang may sumulpot mula sa tabi ko at ipinalupot ang isa niyang braso sa bewang ko.

"Clown nga," komento pa ni Aileen.

Natawa na lang kami sa kanya saka ako humarap sa asawa ko. "How's the traffic? Na-bore ba kayo ni Yanzie?"

"Ayos lang naman, Yanzie was talking about her AP Quiz Bee," sagot niya na nagpangiti sa akin.

"Ay! Manang-mana sa nanay ah!" narinig kong komento na naman ni Aileen.

Natatawa naman akong humarap sa kanya. "Nasaan na ba ang asawa mo nang manahimik ka na."

Ngumuso naman siya. "Paparating na. Sumundo lang din kay Aizel," sagot niya. Tumingin naman siya sa asawa ko. "Akala ko ba sabay lang kayo, Ian?"

Natawa naman ang asawa ko. "Magkaiba naman kami ng sasakyan, Aileen. Baka nahagip ng traffic."

Ngumuso lalo si Aileen, napailing naman ako. Ilang saglit lang ay dumating na ang asawa ni Aileen at ang anak nitong lalake na kaedad lang ni Yanzie.

"Mommy, look oh! Inaaway na naman ako ni Aizel," sumbong ng anak ko.

"Tita Rizza, that's not true! I was only calling her pretty," depensa naman ng anak nila Aileen.

"Mommy, see? Inaasar niya po ako," reklamo na naman ni Yanzie. Natawa na lang ako at ginulo ang buhok ni Yanzie na tuloy pa rin sa pakikipagtalo kay Aizel.

Nang tumingin ako sa katabi ko ay nahuli ko siyang nakatingin sa akin habang nakangiti. Katulad lang noong grade six kami. Kung paano niya ako tignan noon ay ganoon pa rin hanggang ngayon.

"Mahal kita," nakangiti niyang sabi sa akin.

"Mahal din kita," sagot ko.

We were about to kiss nang may marinig akong tumikhim. Nang tingnan ko kung sino ay si Aileen lang pala, kaya napailing na lang ako saka ako tumuloy sa paghalik sa asawa ko.

"Ay! Kagaling! Hanggang ngayon, mukha pa rin akong third wheel—" Bigla namang nanahimik si Aileen kaya napatingin ako at nakitang hinalikan siya ng asawa niya. Asawa niya lang talaga ang may kakayahang magpatahimik sa babaeng 'yun.

Nangingiti ulit akong napatingin kay Ian at saka kami naghawak kamay at niyaya na silang umalis na.

Sa totoo lang ay napaka-unexpected na kami pa rin ni Ian ang nagkatuluyan simula noong grade six. Sa ilang beses ko ba namang magpalit ng crush, 'di ko alam na ang kauna-unahang taong makakatagal ng isang academic quarter ay siya ring makakatuluyan ko hanggang sa dulo.

Akala ko imposible, madami rin kasing pagsubok at mga nangyari bago naging kami. But what can you say? If the person is for you, then he or she is for you. Hanggang sa dulo.

And my forever will be spent with my Ian and Yanzie. Just a happy, complete family.

~•~ The End ~•~

New Quarter, New Crush [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang