CHAPTER ONE

186 15 3
                                    


CHAPTER ONE

RIZZA'S POV

"Rizz, natapos mo na yung project sa HELE?" bungad sa akin ni Aileen nang makapasok ako sa classroom. Ni hindi ko pa naitatabi sa upuan ko yung trolley bag kong rectangle eh guguluhin niya kaagad ako.

"Alin doon?" tanong ko habang naglalakad papunta sa upuan ko.

Nakasunod naman siya sa akin at nang makaupo ako ay umupo rin siya sa katabi kong upuan. "'Yung tahi-tahi. Pillowcase na lang nga ginawa ko eh," sagot niya.

Kinuha ko naman ang libro sa bag ko at sinimulan na naman ang pagsagot sa isang activity sa AP na nakalimutan kong sagutan kagabi.

"Ahh... Oo." Nanatiling nasa libro ko ang mga mata ko.

"Ansaya mo talagang kausap 'no?" sarkastiko niyang tanong. Tumango naman ako. Akala ko ay maiirita na si Aileen at lalayas na pero nanatili lang siya sa tabi ko at nagdadadaldal na naman. "Ay! Third quarter na nga pala 'no?" parang excited niyang tanong. Tumango naman ako.

Paano ko makakalimutang third quarter na eh magsisimula na ang Quiz Bee sa AP?

"OMG! Ibig sabihin bago na ulit ang seating arrangement!"

Biglang napatingin sa amin ang iba naming mga kaklase dahil sa tili ni Aileen. "Uy si Aileen nagwawala na naman," pang-aasar ng isa sa mga kaklase naming lalake.

"Uy si Rizaldo, 'di pa binabaril sa likod," Aileen shot back which earned laughs from the class.

Napatingin naman ako sa relo kong LED. Malapit nang mag six-fifty AM. More than ten minutes at papasok na si Teacher Luzviminda, ang AP teacher namin at adviser.

"So balik tayo sa magiging bagong seating arrangement. Kumusta pala 'tong nakatabi mo? Crush mo pa ba?" Tinutukoy ni Aileen si Lorenz na katabi ko noong second quarter.

Sakto namang natapos ko na ang pagsagot ko ng activity kaya isinara ko na ang libro ko at ipinatong doon ang dalawa kong siko, saka tumingin kay Aileen at bumuntong hininga. "Hindi na eh. Boring, tapos ayaw mamigay ng intermediate pad." Napanguso ako.

Mahina namang natawa si Aileen. "Bakit naman kasi humihingi ka ng pad? Papel lang kasi hingin mo, kahit ako magdadamot talaga 'no."

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Wala kang sense kausap."

"Marami akong sense kaya! Common sense lang ang wala." Tumawa na naman siya sa sarili niyang kalokohan. "Eh kumusta ang first quarter crush mo?" tanong na naman niya. Tuluyan ko nang ipinatong ang baba ko sa mga kamay ko bago nginuso si Kyle na nakikipagkulitan sa ibang naming mga kaklase. "Ang tanong ko eh kumusta hindi kung nasaan," reklamo niya.

I exhaled. "Okay naman. Tapos na siya, diba? Masyado kaming pareho ng gusto eh. Ang boring tuloy," pagk-kwento ko.

"Wala talagang tumatagal sayo na crush 'no?" tanong niya.

Tumango naman ako. "Simula grade four." I pouted. Naiiling naman na natatawa si Aileen.

Ilang minuto lang ay dumating na si Lorenz kaya no choice si Aileen kung hindi ay bumalik na sa upuan niya. Walang hiya naman akong tumitig kay Lorenz nang makaupo siya sa upuan niya.

Lorenz Macatuno. 4"8' ang height, medyo payatot, itim ang buhok, at brown ang mga mata. Cute naman siya, kaya ko nga siya naging crush eh. Akala ko pa naman matutuwa ako lalo kapag naging katabi ko siya pero makalipas ang ilang araw, tinamad na kaagad ako.

Hindi na nga pala ngiti, madamot pa sa papel. Tumingin naman siya sa akin at hindi pa rin ako nahiya sa pagtitig ko sa kanya.

"Hihingi ka ba ulit ng papel?" tanong niya.

"Ansama mo naman. Ba't ganyan ka? Wala man lang good morning, papel agad? Bakit? Bibigyan mo na ba ako? 'Wag na, 'di na naman kita crush eh," puno ng emosyon kong litanya.

He flatly looked at me before shaking his head. Ako naman ay inayos na lang ang gamit ko at ibinalik ulit sa bag kong pink at violet.

Sakto namang pumasok na si Teacher Luzviminda at pinatayo na kami at pinatayo lahat sa pinakalikod na part ng classroom habang dala-dala ang bag namin.

"Okay, class. Last quarter ay by height, kaya ngayon naman ay by class number," announce ni Teacher.

Pilit ko namang inalala kung sino ang B5 namin, G5 kasi ako. Nagsimula naman nang magtawag at ituro ni Teacher Minda kung saan uupo at kung ano ang pattern.

Agad akong pumwesto sa upuan ko kasi magrereview pa ako ng kaunti para sa AP Quiz Bee ng by class. Pagkaupo ko ay hinintay ko muna saglit kung sino ang uupo sa tabi ko pero walang pumwesto. Supposed to be kilala ko kung sino-sino ang mga kaklase ko pero dahil tamad ako, hindi ko 'yun inintindi. Kaya ngayon, wala akong ideya kung sino ang makakatabi ko.

Nasa kabilang side ko naman ay ang B6 at katabi nito sa kanan si Aileen. Nagkawayan lang kami bago bumalik kay teacher Minda ang atensyon namin.

Nasa kalagitnaan na siya ng pagdi-discuss ng mangyayari sa Quiz Bee nang may kumatok sa pinto ng classroom na nasa pinakalikod. Lahat kami ay napaharap doon at nang bumukas ang pinto ay nakangiting aso na Ian ang pumasok ng classroom.

"Teacher, may late slip po ako," sabi niya habang iwinawagayway ang maliit na puting papel na hawak niya.

Ang ilan naming kaklaseng lalake ay narinig kong humagikgik habang nakatingin kay Ian. "Mr. Casas, ang alam ko ay teacher din dito ang mommy mo, kaya paano kang nale-late sa klase?" tanong ni Teacher Minda habang masamang nakatingin kay Ian.

"Ahh... magkaiba po kami ng oras ng pasok, Teacher." May bahid ng pang-aasar sa tono ng pagsasalita niya.

Tiningnan ko ulit si Teacher at sinenyasan niya si Ian na pumasok na. Inabot naman ni Casas ang late slip niya kay Miss bago tumingin sa paligid, malamang para hanapin kung saan ang upuan niya. "Ano ang class number mo?" tanong ni Teacher Minda kay Ian.

"B5 po," simpleng sagot niya.

Itinuro naman ni Teacher ang katabi kong upuan. OMG! Siya ang magiging seatmate ko‽ But why‽

New Quarter, New Crush [COMPLETED]Where stories live. Discover now