CHAPTER THREE

93 15 0
                                    


CHAPTER THREE

RIZZA'S POV

"Class dismissed. See you again tomorrow, St. Elizabeth," our teacher said as we all stood up and bowed.

"Goodbye and thank you, Teacher Malou. See you again tomorrow, and have a nice day."

Nang makaalis na ang last naming teacher ay umupo na ulit ako ang fixed my things. Lahat ng inilabas kong colored papers at short bond paper ay inilagay ko sa pinakalikod na pocket ng trolley bag ko. Doon ilalagay lahat ng kalat tapos kinuha ko na rin ang glue at scissors ko para ilagay sa pencil case kong Hello Kitty.

Last subject namin ang MAPEH, kaya naman makalat ang desk ko. Puro gupit-gupit at dikit-dikit sa paper. Buti na lang nadala ko lahat ng kailangan kong materials for today.

Tapos na akong maglinis ng place ko at lalapit na sana kay Aileen nang biglang magsalita si Ian na nasa likod ko. "So, 'yung sa Science na activity, kelan natin gagawin?" tanong niya sa akin.

Humarap naman ako sa kanya at seryoso siyang kinausap. "Bukas na lang natin gawin, hihiwalay-hiwalayin ko 'yung mga task tapos ibibigay ko sayo 'yung part mo. Gawin mo na lang mag-isa," sabi ko.

Tatalikod na ulit sana nang magtanong siya ulit. "A-Ayaw mo bang sabay nating gawin mamaya?" suggest niya.

Tiningnan ko naman ang watch ko bago tumingin sa kanya. "Pwede naman siguro pero magpapaalam muna ako sa service ko."

Ngumiti naman siya at hindi ko ma-ignore na makitang cute siya lalo dahil doon. Nagmukha rin siyang mabait kanina habang nagtatanong.

Tinanong ko pa siya kung may kailangan pa siya sa akin at nang umiling siya ay lumapit na ako kay Aileen.

"Ay! Bakit ka sa second batch sasabay ha?" agad niyang tanong sa akin nang ipinasuyo ko sa kanya na sabihin kay Mommy na medyo male-late ako ng uwi.

Hindi ko lang kasi best friend si Aileen, ka-service ko rin siya at neighbor. "Ngayon na lang namin tatapusin ni Ian 'yung project sa Science," sagot ko naman.

"Ay! Feeling ko siya na magiging new crush mo after Lorenz the madamot," pang-aasar pa niya.

Sinamaan ko naman siya ng tingin saka tuluyan nang nagpaalam. Bumalik naman ako sa pwesto ko at kinuha na ang bag ko. Nang makarating ako sa may door ay nandoon pa sa corridor si Ian at parang may hinihintay.

Lalampasan ko na sana siya kaya lang biglang siyang napatingin sa akin at ngumiti at kumaway. Nagpalingon-lingon naman ako sa paligid para ma-make sure na ako ang kinakawayan niya nang lumapit siya sa akin at hinawakan ang handle ng trolley bag ko. "Tara, sa may study area tayo gumawa," pagyayaya niya.

Kukuhanin niya sana yung bag ko pero hinatak ko ulit pabalik. "Eh bakit mo kinukuha bag ko? Gusto mo rin ba 'yung bag ko?" tanong ko sa kanya. Napansin ko namang backpack yung kanya. "Magpabili ka na lang din ng trolley bag kung nabibigatan ka sa backpack mo," suggest ko naman.

Mahina siyang natawa saka hinawakan ulit yung handle ko. "Okay na ako sa bag ko, baka kasi mabigatan ka rito." Tinuro niya 'yung bag ko.

Umiling naman ako. "Kaya ko naman eh, tapos hindi naman stairs 'yung dadaanan. Ramp naman," sagot ko.

Ngumiti lang siya tapos kinuha niya pa rin ang bag ko at nauna nang umalis sa akin. Naiinggit ba siya sa design sa bag ko? Kuha nang kuha eh.

Tumakbo naman ako papalapit sa kanya at sumabay ng lakad. Baka mamaya bigla na lang mawala 'yung bag ko eh tapos kuhanin niya. Lagot ako kay mommy.

"Alam mo na ba kung anong gagawin natin?" tanong niya sa akin habang pababa pa rin kami mula sa third floor ng building.

Tumango naman ako. "Scrapbook na about sa landforms para mas pretty tingnan."

Ngumiti naman siya at nanahimik na ulit. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko sa kanya kaya nag-quiet na lang din ako hanggang sa makarating kami sa study area ng school at naghanap kami ng pwesto para masimulan kaagad namin ang activity.

Habang gumagawa ay napapansin kong nakatingin sa akin si Ian. 'Di ko naman 'yun pinapansin kasi mas gusto kong matapos kaagad yung work namin. Kaya lang may times naman na bigla siyang magjo-joke tapos matatawa ako kasi mukha siyang ewan, tapos tatawa rin siya. Lumiliit tuloy yung eyes niya. Ang cute-cute niya tuloy tingnan.

Habang patagal tuloy nang patagal nagiging crush ko na siya. Ang hilig niya kasing mag-joke tapos ang cute niya kapag nagi-smile. Hanggang sa one day, siya na talaga ang crush ko ngayong second quarter.

New Quarter, New Crush [COMPLETED]Where stories live. Discover now