CHAPTER FOUR

98 15 0
                                    


CHAPTER FOUR

RIZZA'S POV

Malapit na ulit matapos ang second quarter at magkakaroon na kami ng sembreak. Pero bago mangyari ang fun stuff, pahihirapan muna kami sa exams, and of course, AP Quiz Bee.

"Kaya mo yan," sabi ni Ian sa akin habang papunta kami sa Hall kung saan kami magq-quiz.

"Thank you." Ngumiti ako sa kanya.

"Ay! Ba't may paganon na, ha? Nagkaaminan na ba?" bigla namang tanong ni Aileen na nakalapit na pala sa amin at sumasabay sa paglalakad. Agad naman akong umiwas ng tingin kasi feeling ko nagb-blush ako. "Ay! Kinikilig ang dalawa oh!" pang-aasar pa ni Aileen.

"Ang lakas-lakas ng boses mo," mahina kong saway sa kanya.

"Eh ano naman? Kinikilig nga kayo eh," sabi ni Aileen habang nakangisi at itinuturo kaming dalawa ni Ian.

Sinilip ko naman si Ian at nakitang kung saan-saan din tumitingin para lang hindi makaharap kay Aileen. Napangiti naman ako sa nakita ko.

"Magandang hapon sa lahat! Naririto tayo para sa patimpalak patungkol sa Araling Panlipunan. Katatapos lamang ng ikalimang baitang na mga mag-aaral kung kaya't dumayo na tayo sa mga ika-anim na mag-aaral." Narinig ko naman ang pagc-clap ng mga tao sa loob ng hall.

I took a deep breath and exhaled. Kaya ko 'to. Pagpapalakas ko ng loob sa sarili ko.

Naramdaman ko namang may yumakap sa akin. Paglingon ko ay si Aileen pala. "Kaya mo 'yan! Ikaw pa! Antali-talino mo kaya," sabi pa niya habang nakayakap pa rin.

I tapped her arm. "Thank you, Aileen. Sana nga kayanin ko." I let out a nervous chuckle.

Napatingin naman ako kay Ian at ngumiti naman siya. "Good luck," he mouthed.

'Di ko naman maiwasang kiligin at mapangiti. Nako, Ian, ituloy mo pa 'yan at tatagal ka ng isang quarter. Natawa naman ako sa naisip ko.

Tinawag na kami ng teacher na nasa stage at pinaupo na sa mga pwesto na nakaassign sa amin. Tatlong representatives kada section. Ako, ang top two at top one namin ang panlaban ng section namin.

Huminga ako nang malalim at napatingin sa paligid. Nasa isang banda sina Ian at Aileen, habang sina Mommy at Daddy naman sa kabilang side at mukhang kararating lang. Kumaway silang dalawa sa akin at napangiti naman ako. Feeling ko mas nabawasan ang kaba ko.

Ilang saglit lang ay nagsimula na ang Quiz Bee. Twenty questions sa Easy, fifteen sa Moderate, at sampu sa Difficult round.

Pakaba ako nang pakaba pero pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Isa rin ako sa mga pinakamalibis na magtaas ng kamay, meaning matapos.

Bawat round din ay binabawasan ang participants. Hanggang sa natira na lang ay kaming tatlo sa section, dalawang pambato ng kabilang section, at tig-isa mula sa dalawa pang sections.

Tina-tally ng isang high school student ang points namin sa blackboard sa harap pero nakatalikod iyon sa amin. Ramdam ko namang pinagpapawisan na ang mga kamay ko. Hanggang sa matapos na ang contest.

Pinaalis na kami pagkatapos i-congrats. Mamayang tapos ng klase ng lahat ay malalaman na kung sino-sino ang panalo per grade level. Kinakabahan naman akong ngumiti habang papalapit kela Mommy. They both gave me a hug and congratulated me.

Lumapit naman sa amin si Aileen. Agad hinanap ng mga mata ko si Ian at nakita ko siya mula sa malayo na nakatingin sa amin at nakangiti. Kumaway pa siya at kumaway rin ako pabalik.

"Who's the boy?" I heard mom ask.

I smiled at her. "A classmate po."

"At crush niya rin po, Tita," biglang sabi ni Aileen habang nakangiti.

Bigla naman akong nagpanic at kinabahan dahil narinig din ni Daddy. "H-Hindi po 'yun totoo—"

"Ay! Tatanggi pa, Tita oh!" pag-iingay ni Aileen. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

Narinig ko namang natawa si Mommy at nakangiti naman si Daddy nang tingnan ko siya. "Why don't you get him and let's buy ice cream bago kayo ulit bumalik sa school," Mom suggested.

Ngumisi naman si Aileen sa akin bago humarap kay Mommy. "Sige po, Tita. Yayayain na po namin," sabi niya pa bago ako hatakin papunta kay Ian.

Hindi pa man kami nakakalapit ay ramdam ko nang nagb-blush na ako. Nang makarating kami sa harap ni Ian ay nang-asar na naman si Aileen. "Halika na, Ian. Meet-and-greet na with the family," loko niya.

"B-Baliw ka," saway ko.

"Joke lang." Tumawa naman si Aileen bago ako siniko. "Ikaw ang magyaya," bulong pa niya.

Mas lalo yata akong nag-blush at pilit na tumigin kay Ian na mukhang hindi rin makatingin sa akin. "Ahm... k-kain daw tayo ng ice cream, sabi nila Mommy," medyo mahina kong sabi.

Siniko tuloy ulit ako ni Aileen. "Hinaan mo pa ng konti baka sakaling marinig ka niya," pang-aasar niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

Inayos ko ang tayo ko at boses ko bago tumingin kay Ian. "K-Kain daw tayo ng i-ice cream, sabi ni Mommy. T-Tara na."

"A-Ah... s-sige." Napakamot ng batok si Ian na para bang nahihiya.

Lahat naman kami ay hindi gumalaw sa pagkakatayo namin kaya nagsalita ulit si Aileen.

"A-Ah e-eh i-ih o-oh u-uh. Ano ba? Hindi ba kayo makapagsalita nang maayos?" pang-aasar niya pa.

Mas lalo tuloy kaming nag-blush ni Ian. Nauna naman na akong maglakad pabalik kela Mommy at naramdaman ko namang sumunod 'yung dalawa sa akin. Nang makarating kami kela Mommy ay ngumiti sila kay Ian.

Kinumusta lang naman nila si Ian bago kami pumunta sa mamang sorbetero at nilibre kami ni Mommy. Kaya naman sabay-sabay rin kaming tatlo na bumalik sa school kasi malapit nang matapos ang break time namin. Mabilisan pa nga naming inubos yung ice cream para paunahan kami makapunta sa room eh.

Pagkatapos naman ng klase ay in-announce na ang winners. Ako naman ang naging first place sa Quiz Bee sa level namin at masayang-masaya kaming lahat.

New Quarter, New Crush [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora