CHAPTER TWO

120 16 1
                                    


CHAPTER TWO

RIZZA'S POV

Kung ako eh nanghihingi ng papel, si Ian naman eh nanghihingi ng sagot.

Oh, diba? Mas malala pa sa akin.

"Kumusta, seatmate kong ipinagpala ng sagot?" pang-aasar agad ni Ian pagkaupong-pagkaupo sa tabi ko.

Hindi ko naman siya pinansin at nagpatuloy na lang sa pakikinig kay Teacher at pagkopya ng mga sinusulat sa blackboard.

"Grabe naman, umagang-umaga, nagsusungit na naman siya," rinig ko pang sabi niya.

I tsked before focusing on the lesson. Akala ko ay mananahimik na siya, pero hindi pa rin pala.

"Balita ko kay Lorenz, pala hingi ka raw ng papel." Natigilan naman ako at pikon na tumingin sa kanya. Tinawanan niya lang ako saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Ako na magbibigay ng papel sayo, kahit ilan pa, basta bibigyan mo rin ako ng sagot sa quizzes." Nakangisi pa siya sa akin.

I rolled my eyes and lowered the volume of my voice. "I'll only say this once. Hiningan ko si Lorenz noon ng dahil gusto ko, hindi dahil kailangan ko. May sarili akong papel kaya hindi ko kailangan ng sayo." I went back to writing down the notes.

Hindi ako ang pinakamatalino sa room pero hindi naman ako nawawala sa achievers, at ayokong mawala roon. I don't tolerate cheating, kaya pasalamat pa 'tong katabi ko at hindi ko siya isusumbong sa mga teacher.

Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Ian. Pilit ko siyang 'di pinapansin pero nakakairita yung tawa niya. Kung hindi lang 'to cute, baka naitulak ko na sa upuan niya.

Buti na lang at naka-survive ako sa first subject nang hindi sinasapak si Ian. Mukhang kakailanganin ko ng limang galon ng patience para sa taong 'to. Wala pa ang susunod naming teacher kaya naman nakita kong nakipagpalit si Aileen ng upuan sa katabi niya at pumayag naman ito.

"Kumusta ang first day ng new seating arrangement?" pang-aasar ni Aileen saka pinahaba ang nguso. "Bakit ba laging napupunta sa tabi mo 'yung mga cute sa classroom?" pahabol niya pang pang-aasar.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Kung iyan lang ang sasabihin mo, bumalik ka na ulit sa upuan mo, please," iritado kong suggestion.

"Ay galit. Hindi mo gusto 'yang katabi mo?" tanong niya.

Umiling ako. "I'll need patience and prayers."

Mahinang natawa naman si Aileen bago tumingin sa may likuran ko. "Hi, Ian," bati niya habang kumakaway.

"Hi! Ganto ba talaga si Rizza? Masungit?" natatawang tanong ni Ian kaya nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.

"Nakadepende sa taong kaharap ko ang mood ko." I rolled my eyes and looked back at Aileen.

"Ayy! Ang sungit nga!" comment ni Aileen.

Tumawa naman si Ian na nasa likuran ko pa rin. "'Diba? Sabi ko sayo eh," dagdag pa ni Ian.

Iritado naman akong nag-exhale. Ilang saglit lang ay dumating na si Teacher Theta, at bumalik na si Aileen sa dati niyang upuan.

"Good morning, St. Elizabeth," greet ni Teacher.

Sabay-sabay kaming tumayo, yumuko at nagsalita. "Good morning, Teacher Theta."

"You may now take your seats," utos ni Teacher kaya umupo na kami. "For our Science lesson today, we'll have an activity by pair." Napangiti naman ako at nagkatinginan kami ni Aileen, alam na kung ano ang magiging strategy namin.

New Quarter, New Crush [COMPLETED]Where stories live. Discover now