Prologue

130 1 5
                                    

Prologue...
"Tall, dark and handsome"
"brain and beauty"
"matangkad at sexy"
"yung macho at maputi"
"Maganda, mabait at magaling magluto"
"Maalaga, honest and faithful"
"Mayaman o negosyante"
"Basta mayaman"
Yan ang mga kadalasang hinahanap ng tao sa isang kapwa tao at marami pa yan kaya siguro karamihan sa iba single... Dahil hindi pa nila nakikita ang isa sa mga nasabi sa taas o kaya naman nahanap nga nila pero hindi sila nag-click ng personality.

Finding and meeting THE ONE is not as easy as it may seem, hindi ito tulad ng isang bagay na pag nakita natin sa mall at nagandahan tayo e bibilhin agad at magsisisi sa huli dahil may mas maganda at mas mura pa pala sa kabilang tindahan.
Maraming kailangang pag-daanan. Yung iba umakyat na ng bundok, tumawid na sa lubid, kumain na ng apoy, nilangoy ang pacific ocean o di kaya sinubukang marating ang kabilang buhay para mahanap lang ang "THE ONE".
O.a ba? In-exaggerate ko lang pero hindi ba ganon naman pagdating sa love handa tayong gawin at ibigay lahat. Pero paano nga ba natin malalaman kung siya na ang THE ONE?
Wala naman talagang makakapagsabi kundi ang tadhana lang. Marahil masyado tayong nabulag, nabingi o napipi dahil sa pag-ibig kaya inakala nating sila na ang THE ONE.
Ilang beses kailangan masaktan o madurog ang puso? Hanggang kailan natin kayang bumangon at matuto magmahal muli?
Dahil sa huli, pag alam niyang handa ka na, handa na yung taong tinakda niya para sayo, tama ang timing at panahon ibibigay niya sayo ang pinaka THE BEST.

My Funny Sexy AgentWhere stories live. Discover now