Chapter 7 - Victory Party

Start from the beginning
                                    

He cheer up because of that. Ngumiti na siya at inabutan na 'ko ng pagkain. We were in the middle of eating when my Mom suddenly came home.


"Damian?" gulat na tanong niya. She froze on her spot, her eyes widened in shock.

"Ma!" Tumayo ako at excited na niyakap siya. "Miss me?"

"Anong ginagawa mo dito?"

Natawa ako sa tanong niya. "Parang ayaw mo pong makita ako ah."

She shook her head. "Hindi ko lang talaga ine-expect na uuwi ka. Anong okasyon at biglaan yata ang pagbalik mo?"

"Dashiell wanted me to watch his game today. Kinulit niya ako over the phone and I just couldn't say no to him. I've been saying no for two years now."

Tinitigan niya ako ng maigi. "You're here for your brother?"

"Is that too impossible, Ma?" I chuckled. "He's so good. Mukhang mas magaling pa nga siya sa'kin."

"Ayan ang imposible," My Dad laughed.


Umupo na ulit ako at lumapit naman siya kay Papa. She kissed him lightly.

"Aakyat na muna ako. Medyo masakit ang ulo ko."

My Dad nodded. "Magpabili ka ng gamot kung kailangan."

Mom looked at me for a few seconds before she walked out. Sinundan siya ng mga mata ko hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.



Hindi pa rin siya nagbabago.

Ever since I can remember, malayo na talaga ang loob ng nanay ko sa'kin. I don't know why but she's always guarded with her words and actions whenever I'm around. Madalas hindi nanunuod si Mama sa mga school play, competitions o 'di kaya games na sinasalihan ko pero pagdating kay Dash, hindi pwedeng wala siya doon. I bet she even watched the Summer Olympics game today. Hindi ko lang siya nakita dahil nasa VIP suite siya.

Minsan natatanong ko ang sarili ko kung may nagawa ba kong mali nung bata pa ako kaya siya ganito sa akin pero isa lang talaga ang naiisip kong dahilan. My Mom knows my Dad only favors me. Kaya para maging pantay ay todo suporta naman siya kay Dashiell. Maybe she thinks I already have enough love from Dad that I won't be needing hers anymore.

Pero syempre, bilang isang anak, nalulungkot ako tuwing nakikita kong parang hindi ako ganung kaimportante sa kanya. When I decided to study abroad, she didn't even see me off at the airport. Tapos kapag umuuwi naman ako tuwing pasko o new year ay para bang hindi siya ganung kasaya.

Dash must feel the same way with Dad. Ewan ko ba kasi sa mga magulang namin, may mga favorites.


"Pa, maliligo muna ako. I'll be going to Dashiell's after party. Hindi mo naman po siya tinawagan, right? I'm planning on surprising him."

"I'm too busy to call him," He admitted. "Saglit lang." Bigla siyang tumayo at umalis ng dining room.


I followed him and grew curious when he went to our garage. Naghintay na lang ako sa living room hanggang sa nakabalik na siya. "Here, use my car. Dash used yours."

Natawa ako. "Again?"

"Ewan ko ba diyan sa kapatid mo, palagi na lang ginagamit ang kotse mo e binilhan naman siya ng Mama niya ng kanya."

"Well I'm glad he does. Masisira ang makina ng kotse kapag ilang linggong hindi ginagamit. I've been gone for years, atleast he uses it every now and then."

Umiling na lang siya at iniabot na sa akin ang susi ng kotse niya. "Take care of it."

"Thanks Dad. I'll see you later."


Torn in Two (Elite Girls 2)Where stories live. Discover now