Epilogue

4.1K 185 64
                                    

Phone rings...

Mabigat ang ulo at bahagyang umikot pa ang aking paningin sa pagbangon. Nagising ako sa maingay na tunog ng aking cellphone.

Hell calling...

Sinagot ko ito.

Hell: Be ready. It's Valentine's Day. Don't forget the dinner. I know you're looking forward at it.

Dinner?

T-tapos na ang dinner 'di ba? Tapos na ang lahat. At ka-date ko si—

Teka... did I just dream of those?

B-but— it felt so real. S-si Heaven— siya si KO! Ibig sabihin... hindi totoo? Panaginip, imagination, walang pawang katotohanan?  P-paano?

Hell: Hey, Demi! Are you still there?

Me: H-huh?

Hell: Don't tell me, aamin ka na na wala ka talagang boyfriend? Save it for tonight.

Sabi nito saka naunang nagbaba ng linya.

Sasabihin ko na ba?

Aba, malamang, Demi! Napaka-ilusyonada kasi. Panaginip lang naman pala.

Pag-tungtong ng alas-siyete ay madali akong nag-ayos papunta sa Restaurante, No date, no nothing. Just myself. Get ready to embarass yourself to Hell.

Hindi ako makapaniwala. Ang huli kong natatandaan ay ang insidente kasama ang manyak na huli kong naka-date at— at nakasama ko si Heaven a.k.a. KO sa Dinner. Pero ano ito? Ngayon pa lang ang dinner? Ang gulo!

Nalungkot ako na hindi totoo si Heaven. Si Heaven  na sa 'di malamang dahilan ay masyadong palagay ang loob ko.

Pagdating ko sa Restaurante ay nakailang buntung-hininga ako bago pumasok. Nag-ayos pa rin naman ako sa gabing ito kahit na alam kong ipapamukha lang sa akin ni Hell na talo ako. Pero may isang bagay na ipinanalo ako— at 'yun ay naka-move on na ako sa kanya. Naisip ko na hindi  naman kailangang maging obsessed sa isang tao o bagay para mapansin ka niya e.

Jeje man pero totoo nga— ikaw lang, sapat na. Just be happy with "yourself".

Agad kong naaninag ang dalawa habang nakaakbay si Hell kay Santina. Ang sweet.

Masama man ang naging ugali nila at trato sa akin— maybe it's time to reconcile at ipagtapat na nagsinungaling ako. Walang boyfriend, walang kahit ano.

One more thing I've realized— 'di ko naman kailangang mag-higanti kasi ako naman 'tong nauna sa gulo namin ni Hell. At nagsisisi na ako. I failed.

Nang makita nila ako ay naghiwalay sila. They even smirked. Still evil, I know.

"Hey, Demi! Where is he?" Si Santina ang unang bumati habang nakangiting-aso ulit so Hell.

Parang nagbabago ata ang isip ko at 'wag na lang makipag-ayos sa dalawang 'to.Biro lang. Keri ko 'to.

Ngiting tipid lang ang sagot ko sabay upo sa harap nila. May bakanteng upuan sa tabi ko pero hindi ko naman kakailanganin 'yan. I don't have a date. I only have an imaginary boyfriend.

"Hell, Santina—" pagsisimula ko pero may biglang pumutol sa usapan.

143 calling...

Ang Hotline 143— teka, ano ang meron? Tapos na ang kontrata namin bagamat may isa pa akong natitirang date. Ayoko na. Tama na 'to.

Tumayo ako at nagpaalam saglit. 'Di na ako gaanong lumayo sa lamesa namin. Para saan pa? Mabubunyag din naman ang lahat ngayong gabi.

Operator: Mind to redeem your last date, ma'am?

I-It's KO. Mariin akong napapikit.I silently wished he's really Heaven...

Me: Ahmm, naku, hindi na—

"Well, I insist."

Naguluhan ako kasi parang nadoble ang tinig. Isa sa cellphone at isa sa—

Paglingon ko ay para akong nabato sa gulat. Gulat at saya? Hindi ko ma-explain. Para akong nananaginip. Na naman. It's him.

Operator: Hello?

Kasabay ng pagtawag sa kabilang linya ay ang pagsasalita ng nasa harap ko. Siya nga...

"So—are you going to sue me? Ma'am?"

Hindi ako makasagot. Para akong napako, nasemento, nagyelo.

"Demi! Matagal ka pa ba—" napatigil si Santina at Hell na papalapit sa akin at kay... err.

"Bro! Kayo ba ang mga kaibigan ni Demi?" Nagising ako sa pagkausap niya kila Hell at Santina.

"D-demi," maarte sa pandinig kong untag ni Santina.

"Ven, bro..." pagpapakilala ni err. 'Di ko alam talaga kung paano ko siya tatawagin. Siguro ay may nakasulat na na malaking "FOR REAL?" sa noo ko. I. Can't. Believe. This.

Teka, Ven ang pangalan niya... so hindi Heaven?

"...Short for Heaven— Demi's boyfriend."

THE END?

Dialing 143Where stories live. Discover now