February 13

3.5K 126 9
                                    

Magaling na ako at kakabihis ko lang para sa date ko mamaya. Ang bilis ng araw. Parang kailan lang nung nagpatulong ako sa Hotline 143. Ngayon, February 13 na.

Nang tumawag ako kanina ay hindi si KO ang sumagot sa akin kundi 'yong isang sumagot nung isang araw. Sinabi niya na tatlo raw ang makaka-date ko ngayong gabi. Oh 'di ba? Three fafas in one night!

Sana naman ay may mapili na ako.

'yong pang-lima kong ka-date ay ewan ko ba. Valentine's Day na bukas at kailangang may mapili na ako. Siguro ang pang-lima kong makaka-date dapat ay ang reserba. Lakas maka-spare tire ah.

Nagulat ako sa pag-ilaw ng cellphone ko.

Hell calling...

Me: H-hell...

Pagkatapos na pagkatapos nito, wala na talaga akong ititirang connection kay Hell. Tama na ang lahat. I've had enough and I'm tired.

Hell: What's up?

Me: O-okay lang.

Hell: Why are you stuttering?

Me: I-I'm not. I mean—nothing.

Hindi ko siya madiretso. Alam ko naman kasing ako 'tong na-obsess sa kanya kaya 'eto at kailangan kong mapatunayan sa kanya ang wala.

Hell: Fine. So how are you two?

T-two? Ahh, tinutukoy niya ba ang "boyfriend" kuno ko?

Me: We're good.

Hell: Are you sure you're okay?

Me: Oo.

Hell: You aren't. You should be shouting at me right now.

E-eh?

Me: At bakit ko naman gagawin 'yon?

Hell: Kasi ikaw 'yan.

Me: Ano?

Hell: Wala... wala. Ang weird mo.

Saka niya pinatay ang linya. Aba! Teka? Sino'ng weird? Ako?! Parang siya nga e.

Hinayaan ko na lang ang panggugulo ni Hell at sumulyap sa huling pagkakataon sa salamin.

This is it, Demi! Catch a big fish tonight!

Pagdating ko sa Restaurante ay same routine. Umakyat kami papunta sa reserved spot taken care of 143.

Nakita ko na ang likod ng una kong ka-date ngayong gabi.

"Hi?" I greeted first.

"Are you Demi?" tanong nito kaya tumango ako at umupo sa katapat nitong bangko.

In fairness, ang pogi. At mukha ring high class.

Nagsimula kaming mag-kwentuhan at halos 'di kami kumain.

Masaya siyang ka-kwentuhan. Sa sobrang saya ay malapit na akong masuka. Ang baho ng hiniga! Umaabot hanggang dito sa kinauuupuan ko!

High class? Mali, kailangan pala ng toothbrush!

Sana pala ay kumain na lang kami.

Hindi ko alam kung paano siya itu-turn down kaya malapit na akong mag-panic hanggang...

143 calling...

SAVED BY 143 AGAIN! HALLELUJAH!

Nagpaalam ako saglit at sa rest room dumiretso para sana sagutin pero bigla itong naputol. Pagbalik ko sa table namin ay wala na ang ka-date ko. Hala?

Maya-maya ay may kumalabit sa akin.

"Y-yes?"

Pogi rin ito. Yummy pa! Siya na kaya ang next?

"Miss Demi?"

"Oh, yes," sagot ko at niyaya niya akong maupo.

This time ay nag-dinner na kami. Nagutom ako sa usapan namin kanina nung nauna. Buti na lang at lumayas ako kundi ay baka himatayin ako sa mala-imburnal niyang bibig.

Ilang sandali pa ay may napapansin akong kakaiba sa usapan namin nitong bago kong kasama at pumipilantik pa ang daliri hanggang...

"Ahh, ayoko na!"

He screamed. Screamed like a girl. What the—

"A-ateyy ka?" tanong ko.

"Oo sister! Hindi ko na keri! Napilitan lang ako ditey! Go-gorabels na aketch. 'Di ko na keri. Sorrybels pero 'di tayo talo. Mas bagay tayong sisterettes!" sabi pa nito.

Kaya pala naliligaw ang usapan namin sa nail polish, hairstyles and dresses— ka-federacion pala.

Atsaka siya umalis nang pakendeng-kendeng at naiwan akong nakatulala.

What did just happen?

"Demi?"

Napalingon ako sa nagsalita. Siya na ata ang next date ko at hopefully ang last. Sa lahat ng naka-date ko ay ito na ata ang pinaka fafable! I hope hindi siya bakla.

"Don't tell me bakla ka rin?" diretsahan kong tanong. Tumawa naman siya.

"Huh? Hahaha. No, missy. I'm not," cool nitong sabi. Doon pa lang ay napaupo na akong muli sa upuan ko at nagsimula na ang usapan namin.

Una hanggang hanggan ay masarap siyang kausap. Mabango ang hiniga at 'di pumipilantik ang daliri at kilay.

Lumalalim na rin ang gabi sa tingin ko at may nararamdaman akong 'di maganda.

Parang... lumalapit siya sa pwesto ko? Opposite sides kami kanina e. Ngayon ay gumagapang na siya sa tabi ko.

Ilang sandali pa ay may nararamdaman na ako sa hita ko. Naka-dress ako at ramdam na ramdam ko ang mabagal na paghimas dito.

Pagtingin ko ay nakangisi siya at kamay niya ang nakalapat sa hita ko.

Sisigaw pa lang sana ako nang matumba na siya sa kinauupuan namin at—

"Lumayas ka na dito kung ayaw mong mabangasan," matigas na sabi ng isang lalaki.

Sa depression, pagod at anxiety ay biglang nagdilim ang panigin ko at hindi ko na nalaman ang mga sumunod na pangyayari. Ang huli ko lang nakita ay imahe ng isang lalaki.

Dialing 143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon