1

2 0 0
                                    

Pagkarating ko sa Aristotle College, the place where I study Political Science, inaabangan na ako ni Bullet doon. Best friend ko siya but no one really knows why. Kami lang ang nakakaalam ng totoong reason kung bakit.

Sa labas ng classroom na kami nagkita. Late na akong dumating dito at late na rin si Bullet for class kasi nga hinintay niya ako. Nakasuot siya ng oversized grey shirt tapos nakatali sa hips niya ang jacket niya. She rides a motorcycle kaya lagi siyang may jacket. But right now it's just a normal jacket, not leather or denim.

Nakasuot naman ako ng loose na sando tapos high waist na denim pants. Nagtali ako ng buhok bago kami pumasok sa classroom.

"For the love of God!" I exclaimed, hindi ko napigilan. Sa mga araw na pwede akong makakita ng nakakainis na tao, bakit ngayon pa?

"Good morning, Ms. Salvacion and to you too, Ms. Añonuevo. Please take a seat," He said to us with a smile. I feel my blood boiling!
"No, the morning is not good." Sabi ko at binalibag ko ang pinto ng classroom. Naglakad ako nang mabilis papunta sa CR, sinamahan naman ako ni Bullet.

"Everybody out." Sabi ni Bullet habang kinakatok ang mga cubicle. Nung makalabas na lahat ng babae sa CR, ni-lock niya ang pinto ng women's bathroom. Tumili ako dito and Bullet kept a safe distance while guarding the door from the inside. Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ko ang number sa office ni kuya Bill dahil nandoon siya ngayon. Sinagot yun ng secretary ni kuya.

"Tell my cousin to take this call because I, Jo, am very mad at him right now." Inis na sabi ko sa secretary ng pinsan ko. She told me to wait for a while and I just made a continuous eerie noise at the phone.

"Josephine, anong problema? Nasa meeting ako ngayon." Sabi sa'kin ni kuya.
"Anong ginagawa ni Andres Lagman sa Aristotle College?!" I yelled at him. Alam kong nilalayo niya na ang phone sa tenga niya.

"Andrew works there now?" I grit my teeth because of what he just said.
"Don't you dare lie to me. The deal is one person watches me, not two and certainly not my mother's bitch boy!" Inis na sabi ko pa. Nasa sulok lang ng CR si Bullet at nakasuot ng headphones habang nakatingin sa cellphone niya.

"Kasalanan ko ba? Ako ba ang na-high at na-overdose? Ako ba ang na-comatose for three weeks? I did not make your mom mad," sabi pa ni kuya Bill so hinulog ko sa toilet bowl ang cellphone ko and I tried to flush it but it won't.

Nilapitan ako ni Bullet. Nakababa na ang head phones niya.
"Bibili tayo ng bago mong phone?" Tanong sa'kin ni Bullet habang nakatingin sa phone kong nalulunod sa loob ng toilet bowl. Tumango naman ako. Tinakasan namin ang guard ng campus.

Pumunta kami sa mall at bumili ako ng phone using my credit card. Bumili rin ako ng bagong sim card and I called the only number I know besides Bullet's, si Daryl. Pinapunta ko siya dito at sinabi kong isama niya si Migo.

Si Daryl ang guy best friend ko. We have been together since nung high school ako, since I started using. Sa lahat ng kakilala ko, siya lang ang nabisita sa'kin everytime na marerehab ako. But most of the time, magkasama kaming pinapasok sa rehab.

Una ko siyang nakita, hindi pa kami close. Nakilala ko lang siya because he was the only one selling drugs in our school. Unang usap namin sa isang party tapos bext na kita ko sa kanya is sa NA meetings, everyone needing his signature to prove na nagpunta nga sila sa NA.

Then si Migo, siya ang childhood friend ni Daryl na half-Filipino and half-American. He always says that he likes me but I never believed him. Ayoko lang maniwala. He's a good guy, I'll just ruin someone like him.

Umupo kami ni Bullet sa Jollibee while eating fudge sundaes.
"Anything wrong sa bago nating prof sa Philosophy?" Tanong sa'kin ni Bullet.
"Everything. He's Ingrid's bitch boy." Sagot ko naman.

Malaki ang utang na loob ni Andres Lagman sa nanay ko. For that reason, he does everything she wants. Ang isang bagay lang na hindi na-control ng nanay ko sa buhay niya is anything regards his education and career–before.

Ayoko sa mga ganung tao. A person is entitled to do anything he or she wants to do with his life. I am an addict kasi gusto ko. Nandito si Bullet because she desires the outcomes of being here. So why can't Andres, a grown 29 years old guy, do that? Plus, he always teased me when I was young. I already had a tough childhood at wala siyang naitulong.

Also, with his face and body now, all the girls in campus would never stop talking about him. So I'll be hearing his name everywhere. Di pa ba sapat na nasa bahay namin siya every Christmas at New Year?

Nung dumating na sina Daryl at Migo, ang higpit ng yakap ni Migo sa'kin. He even kissed my forehead then my lips. Normal na yun, nasanay na ako na bigla niyang ginagawa yun. But he never does it pag intoxicated ako. He's nice like that.

"I am so glad you're alive," sabi sa'kin ni Migo then nilingkis na niya ang braso niya sa braso ko tapos pinaalis si Bullet sa tabi ko. Kaya naiisip ng marami na boyfriend ko ang isang 'to e. You know soft bois? Ganun si Migo. And I am a wreck who is angry at everyone.

EcstasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon