8

0 0 0
                                    

Bantay sarado ako ni Bullet

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Bantay sarado ako ni Bullet. Hindi niya hinahayaang makalapit sa'kin si Andres. He would steal glances sometimes. Pero kapag nakikita niyang pinagmamasdan siya ni Bullet, tumutungo siya.

I don't want anything to do with Andres kung hindi naman utos ng nanay ko. Gusto ko ang pakiramdam of being high pero hindi ko gusto yung pakiramdam na kapag tinitingnan ko siya o tinitingnan niya ako, gusto kong mawala na lang sa mundo.

It's my birthday today. Pagkagising ko, naligo ako. Nung nag-breakfast ako, there was a cake. Pinag-wish ako nila kuya Bill and I just wished for more drugs or freedom. Pagkatapos kong kumain, hinatid ako ni kuya Bill sa campus. Sinalubong ako nina Migo, Bullet at Daryl. Nakakapagbiruan na ulit sina Bullet at Daryl after nung incident sa Maria Cantunan two weeks ago.

May dalang isang pirasong cupcake na may icing si Migo only for the purpose to put the icing on my nose. He did that to be silly and I think it's cute. Before going to class, I went to the bathroom to wash my face. Narinig ko sa isa sa mga stall ang mga babae na nag-uusap. I think they're two friends talking to each other from different stalls.

"Sir Lagman stopped calling me," sabi nung isa habang naghihilamos ako ng mukha. After kong maghilamos, lumapit ako sa tissue dispenser at kumuha ako ng tissue from there. Pinunasan ko ang kamay pati mukha ko. Buti pala hindi ako nag-make up bago pumasok.

"I heard may something yata kay Sir Lagman tas kay Ms. Seira," rinig ko pang sabi nung isang babae bago ako lumabas. Si Ms. Seira ang pinakamagandang prof sa department namin. Most of my guy classmates and batchmates like her. Pero masungit siya sa mga students na may gusto sa kanya and there was never a time that they were entertained by her. Mukhang pati si Andres hindi na rin nag-eentertain ng students. Well, good for them. At least hindi na lang sa'kin mapupunta ang atensyon ni Andres at hindi ko na masyadong maririnig ang pangalan niya from students with the words "bed", "bar", at "sex."

Pagkalabas ko ng CR, at nung papunta pa lang ako sa bandang dulo ng hallway kung saan ako hinihintay nila Bullet, my phone rang. It's my father and he's calling me. Sinagot ko ang tawag.

"Happy birthday, bunbun." Sabi sa'kin ni Dad at napangiti na lang ako. Simula pagkabata ko, bunbun na ang tawag niya sa'kin. Hindi ko masyadong nakakausap ang tatay ko mainly because his new wife does not like me. But my other siblings do.

"Thanks dad," sabi ko naman. Tapos sinabi niyang may pinadala raw siyang gift sa'kin at baka next week pa dumating. My father paints so baka isa na namang painting dedicated para sa'kin ang regalo niya. It's like that every year. He gave the phone to my siblings Dori and Tori. Kambal sila and younger than me, anak ni dad sa bago niyang asawa.

"Happy birthday, ate Jojo." Sabi naman nila Tori. Nasa six years old pa lang silang dalawa but I was told that they're both very bright children. Sabi nila pinadalhan raw nila ako ng maraming chocolates kaya napangiti na lang ako. I told them to stay in school tapos binalik na nila ang phone kay dad. Kinumusta ako ni dad but to dodge that question, sinabi ko sa kanyang mag-uumpisa na ang classes ko for today.

"Bye and thanks again dad," sabi ko tapos binaba ko na ang call. Minsan lang tumawag ang tatay ko sa'kin. Mostly when I'm dying in the hospital o tuwing birthday ko lang at kapag holidays dito sa Pilipinas. Hindi rin ako nag-oopen up sa kanya masyado kasi ayoko nang pag-alalahanin pa siya. May buhay na siya don but he never forgot me. Kaya lang talaga niya kami iniwan dahil napagod na siya sa nanay ko.

Speaking of my mother, hindi ko alam kung may balak ba siyang batiin ako o abutan na naman ako ng regalong "most liked" by people my age at yun ang ibigay sa'kin, expecting I would like it. Ang huling birthday ko na nagpakita siya para batiin ako is when I was eleven years old. The years after that, lagi na lang siyang nagpapadala ng kung sino-sino para mag-abot ng regalo niya mula sa'kin. For the past three years, si Bullet ang gumagawa noon. Pero seeing that Bullet does not carry a paperbag today, where my gift usually would be, I wonder who she sent. Iniisip ko rin na baka walang regalo.

It's my 21st birthday. Balak kong magpakalasing sa bar mamayang gabi. I am entitled to go home at 11PM tonight dahil birthday ko naman. I can't do drugs but I can drink, as per kuya Bill's rules. But that's not something addicts should do too, so whatever happens, happens. Ito na ang huling taon ng buhay ko na pinakasusulitin ko. Dahil kapag nag-22 na ako, paniguardong ipipilit na naman sa'kin ng nanay ko ang buhay na gusto niya para sa'kin dahil kailangan raw nakatapos na ako ng pag-aaral at tatakbo na as mayor of San Juan City.

This is my least favorite birthday so far kasi ramdam kong umiikli yung oras ng kalayaan ko and I'll be chained in some life I don't want to ever live.

Nasa pangatlong klase ko ngayon araw ang subject ni Andres. Nung nag-ring ang bell which indicated that his class has ended at nung kami na lang ni Bullet ang students dito sa room, pinag-stay ako ni Andres. Bullet kept her distance. Nasa labas siya ng room but not far enough, nakikita niya pa rin kami parehas ni Andres but she has her headphones on.

May nilabas na box na nakabalot sa wrapping paper si Andres from under his table.
"Hindi ko kailangan ng regalo, lalo na kung galing sa'yo." Sabi ko sa kanya.
"Galing sa mom mo yan," sabi niya tapos kinuha ko na ang regalo mula sa kanya. Lumabas na rin ako ng classroom. Nagpustahan pa sina Daryl, Migo at Bullet kung anong regalo sa'kin ng nanay ko.

Umupo kami sa cafeteria habang dala ko yung regalo.
"Small box lang yan, so I think set ng jewelry," paghula ni Migo.
"Hmm tingin ko, bagong set ng Kylie cosmetics," sabi naman ni Daryl at napakunot ako ng noo. Obsessed kasi siyang manood ng Keeping Up With The Kardashians kaya na-influence na noon ang paghula niya. Pag bored siya laging yun pinapanood niya e. Also, he's kind of in love with Kendall Jenner. He says that "Kendall is the most authentic among the Kardashian-Jenners."

Tiningnan ko naman si Bullet, asking if she would take a guess.
"Luxury brand ng perfume," sabi naman ni Bullet then saka ko pinunit ang wrapper at tumambad samin ang box ng iPhone. Ito yata yung latest. Although hindi ko talaga alam kung ano 'to dahil hindi naman ako updated sa changes ng Apple.
"iPhone 13 Pro? 14? Or 15 pro max?" Tanong ni Migo sa'kin and I shrugged my shoulders. My phone right now is an iPhone 13. I just bought this two months ago.

Tumayo naman ako sa upuan ko dito sa cafeteria. Pinakuha ko kay Daryl ang dalawang tray at pinukpok niya yun sa isa't-isa na parang cymbals.

"Anyone want an iPhone 13? Bidding starts with 27,000 pesos." Sabi ko at ngumiti ako sa mga taong nandito sa cafeteria.
"Kung interesado kayo, I'll make a GC where bidders can join and by the end of the day, this phone goes to the highest bidder. If any of you are wondering, I am damn serious," sabi ko pa at natuwa naman sila. Bumaba ako mula sa upuan tapos pinatay ko ang phone ko at tinanggal ko ang sim card ko doon. Inasikaso ko ang paglagay ng photos ko sa cloud tas after that, I rebooted it.

"Happy birthday na, magkakapera pa." Sabi sa'kin ni Bullet at natawa na lang ako.

EcstasyWhere stories live. Discover now