" oo na as if naman na may choice ako kung nandito kana " reply ko bago binulsa ang phone ko saka naglakad papunta sa kitchen



" magandang umaga po ma'am/ goodmorning po ma'am " bati nila sa akin ngumiti lang ako



" ma'am may kailangan po kayo? " tanong ni Marck na cook namin umiling lang ako


" Wala naman, pero hihingi sana ako ng favor. " sagot ko kumunot naman ang noo nya



" Ano ho yun ma'am? " mabilis na tanong nya


" darating kasi ang bestfriend ko kaya iluto nyo yung mga best seller natin " sagot ko tumango naman sya


" okay po ma'am antayin nyo nalang po sa table na gusto " sagot nya tumango ako at naglakad malapit sa garden dito ang paborito kong puntahan dito sa resto




" beshyyyy! " sigaw ng bruha at agad akong niyakap pinagtitinginan tuloy kami nagpeace sign lang sya


" grabe naman yan bes miss na miss ang peg? " pang-aasar ko



" paano after ng kasal nyo hindi kana dumalaw sa office ni Boss D. " nakangusong sagot nya




" busy lang kami pareho bes, saka diba nagpa-plano na kaming magkaanak " sagot ko naman tumango lang sya



" excuse me po ma'am handa na po ang food nyo " singit ni Roma tumango lang kami




" wow! bes iba ka talaga grabe na libre to ah hehe pero salamuch " masayang sagot ni Ced at may pahampas-hampas pa sya sa akin inirapan ko lang sya




" sige na kumain kana nakakahiya naman kung masayang effort mong dumalaw dito " sagot ko natawa naman sya




" kahit hindi mo sasabihin kakain talaga ako " sagot nya at sumubo




" kumusta naman kayo ni Caloy? " tanong ko umangat naman sya ng tingin




" well okay naman kami nameet na sya nina Dad at Mom " sagot nya





" good to hear that, anong nangyari? approved ba? " curious na tanong ko





" yeah I think pero hindi pa nga namin nasasabi na kami na " sagot nya nalungkot naman ako





" grabe naman bes I mean ang tagal na kaya, sa family ni Caloy open naman kayo diba? " tanong ko tumango naman sya





" oo bes okay na okay kami, kinakantyawan nga nila si Tots na bakit hindi pa daw magpropose sa akin kaso bigla syang nalulungkot since hindi pa alam ng mga magulang ko ang totoo " malungkot na sagot nya





" Mahal na mahal ka ni tita at tito I'm sure naiintindihan ka nila, isa pa nag-iisa kang anak nila bes. Wala naman silang masasabi kay Tots ang bait-bait kaya nun " sagot ko napabuntong hininga lang sya





" sa akin siguro ang problema bes, ewan ko ba natatakot ako. I am too afraid they may not understand " she sadly replied I caressed her hand





" Kaya mo bang mawala si Tots sayo? " tanong ko mabilis syang umiling





" kung hindi mo kaya, piliin mong maging matapang para sa kanya. Kung ayaw mong mapunta sya sa iba kailangan mo ring ipakita na kaya mong maging matapang. Bes pamilya mo sila kung hindi man sila okay sa ngayon sooner or later magiging okay din ang lahat yan ang sabi mo noon sa sakin noong natatakot akong mgsabi kina tatay " nakangiting sagot ko ngumiti din naman sya







" kainis bes dati ako ang nagpapayo sayo tapos diko din maapply sa sarili ko haha " natatawang sagot nya




" ganun talaga bes magaling tayong magpayo pero kapag tayo na ang nasa sitwasyon hindi din natin magawa para sa sarili natin " sagot ko tumango-tango naman sya





" basta bes tutulungan mo ako kina mommy at daddy ha, kung gusto kong magsettle down kasama ang mahal ko dapat masabi ko na sa mga magulang ko " sagot nya tumango ako





" nandito lang ako bes tutulungan ko kayo, huwag ka ng masyadong mag-alala " sagot ko ngumiti naman sya bigla namang tumunog ang phone nya na nasa table



" ops halla si Boss D " aligagang sabi nya natawa nalang ako



" sagutin mo na bes i-loudspeaker mo " utos ko agad naman nyang sinagot



" hello Boss " bungad ni Ced




" hi bakit wala kapa sa office? " tanong ng asawa ko




" ah sa labas po ako naglunch boss, may kailangan ka po? " tanong ni Ced



" yung letter ni Ms. De Leon nasaan? " tanong nya



" ah nasa table ko lang po nakalagay sa folder po " sagot ni Ced




" ah okay, sige I'll check. " sagot ni Deanna



" sige po boss " paalam ni Ced



" Naku ang kalat talaga ng asawa ko " sagot ko natawa naman si Ced




" Ganun din ba sya noong ikaw ang secretary nya? " tanong nya mabilis akong tumango




" mas grabe pa noon pinaghahanap nya ako ng ballpen na paborito nya " sagot ko at nagtawanan kami




" ay grabe pala si boss D sayo, pero ngayon hindi na nya magawa yun haha " sagot nya natawa lang ako


" subukan nya lang malilintikan sya sa akin hehe " sagot ko naman



" wow tapang mo naman masyado mareng Jema, baka nagsisisi na asawa mo haha " pang-aasar nya inirapan ko lang sya



" che! mahal ako ng asawa ko kahit gaano ako kasungit sa kanya " sagot ko natawa lang sya




" oo nalang syempre love ka nun kasal na kayo eh wala na syang choice " sagot nya binato ko lang sya ng tissue



" kanina ang senti mo ngayon ang lakas mo na naman mang-asar lumayas kana nga " pagtataray ko



" haha kahit hindi mo sasabihin aalis na ako bessy male-late na ako baka umusok na ilong ni Boss D " sagot nya at kinuha ang mga gamit nyang nasa table


" okay salamat ha sa pang-aasar " sagot ko natawa lang sya



" your welcome bes, bye love you " sagot nya at nagbeso sa akin nailing nalang ako sa bestfriend ko




Pag-alis nya dumiretyo narin ako sa office ko.



I'm the Boss but she's my Big BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon