《08》RHINE VILLA

601 27 1
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Pinapakita ng tracker na patungo sila sa Rhine Villa. Iyon lang ang lugar na makikita sa daang tinatahak ng tracker na nasa hikaw ni Taehyung" sabi ni Namjoon habang tinuturo ang pulang dot na patuloy sa paggalaw. Iyon ang magsisilbing guide nila sa kung nasaan man si Taehyung.

Tahimik na nakikinig si Jungkook habang nakatingin sa napakagulong laboratory. Halos lahat ng scientists ay tulog, kundi man ay may dumudugong parte sa katawan karaniwan ang ulo. Maski sya na Head ng Iron Wolves ay di makapaniwala sa naabutan nya kanina.

Naalala nya pa kung paanong nagkagulo sa HQ nila kanina. "Taehyung need back-up!!" Narinig nyang announcement ni Hoseok na umalingawngaw sa lahat ng speakers sa HQ. Alam nyang sinira ni Taehyung ang plano dahil bakit ito hihingi ng back-up kung kasama nito si Magnus?

Napahilot sya sa sintido nya dala ng stress. Nawalan sila ng alas dahil sa pagkakaroon ng puso ni Taehyung. "Jeon. Kailangan ng--"

"I heard it. Basta pumunta kayo dun at iuwi nyo dito ang hudas na yun--"

"But according to our men, Taehyung was not there. Ang naabutan lang nila ay magulong lab, tulog na mga scientist, at ang mga hostage na wala sa sarili" sabi ni Yoongi kaya napatayo si Jungkook mula sa upuan nya.

"How about Magnus?" Tanong nya.

"Also not there" malalaki ang mga hakbang na umalis sya sa headquarters nila at sumama kina Namjoon. Nung marating nga nila ang lugar ay halos matulala pa sila sa sobrang gulo nito.

"Taehyung did this?" Di makapaniwalang tanong ni Jimin na nauna ng pumasok sa laboratory. Sinipa-sipa pa nito ang isang scientist sa tabi nya.

"CCTV footage" utos ni Jungkook habang naka-cross arms. Binigay ng isang tauhan nya sa kanya ang tablet kung saan nagpe-play ang mga nangyari sa loob ng laboratory kanina.

Ni-fastforward ni Jungkook iyon at narating ang parte na dumukot si Taehyung ng tatlong syringe na wala man lang nakakapansin. "Wow, lupit ng move na yun" komento ni Jimin samantalang patuloy lang sa panonood ang iba.

"Wow" komento naman ngayon ni Hoseok nung magsimula si Taehyung sa pakikipaglaban sa maraming scientist. Sa bilis ng kilos nito ay parang di na ito halos makita sa video. Lumipas ang ilang minuto na nanonood lang sila hanggang sa pasukin ni Taehyung ang tatlong pinto.

"Shit" reaksyon ni Namjoon nung kunin ni Taehyung ang isang basag na test tube at sinugatan ang braso at hita nito. Kitang-kita nila kung gaano ka-ekspertong nagpanggap si Taehyung na parang di sya ang nagsimula ng malaking gulo sa lugar.

Dun ay nagising si Magnus at binuhat si Taehyung paalis ng lugar. "Nice plan" sabi ni Yoongi saka nila tiningnan si Jungkook na binaba ang tablet sa magulong mesa.

"Comments?" Tanong ni Yoongi sa kanya kaya nagkibit-balikat lang sya. "That's his mission so he should know how to handle it. Nasa plano man yun o wala" sabi pa ni Jungkook bago talikuran ang mga kasamahan nya.

"Di pa kasi umamin na na-amaze din sya--aray. Para san yun?" Reklamo ni Jimin nung batukan sya ni Hoseok

"Para yan sa pagiging makatao mo kanina. Tangina, muntik ka ng gilitan ni Jeon sa pagpapaka-superhero mo" sabi ni Hoseok kaya napanguso si Jimin. "Kung nakialam ka deh sira sana ang dalawang plano. Padalus-dalos ka ring hudas ka eh" sabi naman ni Yoongi na mas nagpabusangot kay Jimin.

"Oo na. Di na po mauulit." Sabi nito at ngayon nga ay heto silang lahat at pinag-paplanuhan ang pagsunod kay Magnus na kasama si Taehyung. Abala rin ang ibang tauhan nila sa pag-aayos at paglilinis ng mga kalat sa buong laboratory gayundin ang police officers na kakampi nila sa ganitong mga kaso.

Masked Bullet (TaeKook FF) [COMPLETED]On viuen les histories. Descobreix ara