《22》WHEN IT HURTS

644 28 1
                                    

Dedicated to:Anikajoymesina331

THIRD PERSON'S POV

"Okay lang talaga ko, Bogumie. Salamat" sabi ni Taehyung nung tumapat sila sa palapag na bababaan ni Bogum. "Sige, mag-ingat ka Tae. Salamat din" sabi nito bago bumaba ng elevator. Imbis na bumaba sa floor nya ay tumuloy sya sa opisina ni Jungkook.

Mag-aalas-otso na at kahit alam nyang nagpapahinga na ito ay wala syang balak tumigil. Kailangan nya itong makita, makausap o kung ano pa man. Basta gusto nyang maramdaman ang presensya ni Jungkook.

Hinang-hina syang lumabas sa elevator at nilibot ang paningin sa madilim na paligid. Diretso nyang tinungo ang kwarto nito at pinihit ang doorknob. Napaupo na lang sya sa sahig nung malamang naka-lock yun.

Hinaplos nya ang baba nya bago napailing ng ilang ulit. Pilit syang ginagamot ng hyungs pero inilingan nya lang ito at sinabing kaya na nya. Walang nagawa ang mga ito kundi pahatid sya kay Bogum dahil kailangan na ring magpahinga ng mga ito. May klase pa sila bukas ng umaga. Hinilot ni Taehyung balikat nya pababa sa braso nung manakit iyon. Para syang maiiyak pero di nya alam kung bakit.

Dahil ba sa di pagpansin sa kanya ni Jungkook kahit na sobra na syang nahihirapan kanina? O dahil sa mukhang wala naman talaga itong pakialam sa kanya? Alin man sa dalawang  yun ay parang di nya magugustuhan.

"Taehyung?! Anong ginagawa mo dyan?" Inangat nya ang paningin nya at agad na tumayo. Mabilis nyang niyakap si Jungkook at pakiramdam nya ay kumalma ang sistema nya. Pinikit nya pa ang mga mata nya habang pinapakiramdaman ang init ng katawan nito.

"Taehyung, bumalik ka na sa kwarto mo--"

"I-I'm sorry, Kook" bulong nito kaya napahilot si Jungkook sa sintido nya. "Fine. Now go back to your room. We're having classes tomorrow. I also need rest" sabi nito pero di kumalas si Taehyung. Napabuntonghininga na lang si Jungkook bago ihiwalay ng yakap si Taehyung.

"What the-- why the hell are you crying?!" Tanong ni Jungkook habang nakatitig sa lumuluhang si Taehyung. Napansin nya pang di pa nagagamot ang sugat nito sa baba.

He looks wasted.

Napailing na lang si Jungkook bago muling yakapin si Taehyung. Pinalibot nya ang kamay nya sa bewang nito samantalang ang isa ay pinanghaplos nya sa buhok nito. Siniksik ni Taehyung ang mukha nya sa leeg ni Jungkook.

"Hush, it's okay. It's going to be fine.." bulong ni Jungkook sa tenga nito. Di naman nagsalita pa si Taehyung. Nung lumipas ang ilan pang segundo ay hinila ito ni Jungkook papasok ng kwarto nya. Pinaupo nya ito sa kama at umupo sa harap nito. Inangat nya ang mukha nya at nakita ang sobrang lungkot na ekspresyon nito.

"Taehyung, what's bothering you? And why the hell did you chose me to comfort you? I don't know anything about comforting someone. You should go to Jimin, Seokjin hyung or Hoseok-hyung. They can stop you from crying--"

"P-Pero ikaw ang kailangan ko.." bulong nito bago punasan ang mukha nito. Sandaling napalunok si Jungkook dahil sa narinig.

"Kung dahil ito sa parusa mo kanina, dapat pinapahinga mo na yang sarili mo. Taehyung, tatawagan ko si Jimin at ipapahatid na kita sa kwarto mo" sabi ni Jungkook bago tumayo. Mabilis syang niyakap ni Taehyung sa bewang kaya para syang nawalan ng lakas.

Ano bang nangyayari sa lalaking to?

"Kook. Let me sleep here. I want to stay here" bulong nito kaya napahinga ng malalim si Jungkook. Hinaplos nya ang buhok nito bago iangat ang mukha nito paharap sa kanya.

"Okay. I'll let you. I'll just sleep at the sofa--"

"Pero, bakit?" Tanong ni Taehyung kaya umiling lang si Jungkook. "Bitiwan mo'ko. Kukuha ko ng gamot dyan sa sugat mo" sabi ni Jungkook kaya walang nagawa si Taehyung kundi pakawalan ito.

Masked Bullet (TaeKook FF) [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat