《28》KIDNAPPING

620 26 3
                                    

THIRD PERSON'S POV

"WOW! AAWAYIN MO TAPOS HAHANAPIN MO? GAGUHAN LANG, JEON?" asar na sigaw ni Jimin samantalang tahimik lang na nakaupo si Jungkook. Pati ang mga hyungs ay parang wala ng tulog at kain kakahanap sa taong pinapahanap ni Jungkook.

"Just find him. I need to talk to him. He's been lost for two days now." Stress na sabi ni Jungkook kaya napailing si Jimin. "Kundi mo sya inaway, deh sana nandito pa yun. Maski sina Señor Arthur ay di alam kung nasaan sya" malamig na sabi ni Jimin.

Nakatatak na kasi sa isip nya kung paano sinisi at sinigawan ni Jungkook si Taehyung. Nakita at narinig nya ang lahat, wala sya sa lugar para magalit lalo na't mataas si Jungkook pero di nya mapigilan.

Dalawang araw ng nawawala si Taehyung. Hindi ito mahanap nina Yoongi at Namjoon sa pamamagitan ng pag-hack sa phone nito o pag-track sa huling lugar na nasagap ang signal ng phone nito. Lahat sila ay walang pahinga. Bukod sa nawawala si Taehyung ay dumagdag din ang bilang ng mga batang naibenta ng Faulkner.

"Baka gusto nya lang mapag-isa o kaya mag-isip-isip. Base sa napanood namin sa CCTV footage ng rooftop ay halatang pinapagaan ni Yugyeom ang loob nya. Ayaw ring umamin ni Yugyeom sa napag-usapan nila at mas naasar pa sya nung malamang umalis si Taehyung dahil sa pang-aaway ni Jeon" paliwanag ni Hoseok kaya napasapo si Jungkook sa ulo nya.

Di nya inakalang mamomroblema sya ng ganito kay Taehyung. Nadala sya ng emosyon nya nung araw na yun at kung anu-ano na lang ang nasabi nya. Nagkapatong-patong lahat ng problema nya at kay Taehyung nya nabuhos ang lahat ng yun.

"Let's just wait for him. Paniguradong darating sya" sabi ni Seokjin. Sa kanilang anim, sya ang pinakasiguradong babalik ito, dahil sa misyon nitong naiwan. Imposibleng talikuran ni Taehyung ang isang misyon lalo na't nasa 3rd rank ito sa agency nila.

"Sa ngayon, mag-focus muna tayo sa nagaganap na bentahan. Dumarami na ng dumarami ang mga batang nawawala at nabebenta. Hindi natin ito pwedeng ipagpaliban" Namjoon said as he stared at Jungkook's tired and stressed eyes.

"Mission first diba? Ngayon mo ipakita yun, Jeon" hindi maikakaila ng lahat kung gaano kalaki ang galit ni Jimin kay Jungkook. Kulang na lang ay humugot ito ng baril saka paputukan ang head ng mga wolves.

"B-But.." Jungkook

"No buts, Jeon. Sa misyon muna tayo, hayaan mo munang lumamig ang ulo ni Taehyung. Babalik sya" sabi ni Yoongi kaya napadukmo si Jungkook sa mesa nya.

"I-I want to prioritize him now. I'll just move if he'll be here" sabi nya na kinailing ng lima. Tumayo si Jimin at tumungo sa elevator. "Hindi titino yang Jeon na yan kahit anong sabihin natin. Mas mabuti pang tayo-tayo na lang muna ang magplano" sabi ni Jimin. Nagkanya-kanya ng tayo ang lahat bago mahinang tapikin ang balikat ni Jungkook tanda na aalis sila.

"Kook" inangat ni Jungkook ang mukha nya at tiningnan si Seokjin na tanging nagpaiwan sa lugar. "H-Hyung..di ko sinasadya. Masyado lang talaga kong problemado nung araw na yun kaya sa kanya ko nabuhos lahat" halata sa mga mata ni Jungkook ang pagsisisi.

Hinimas ni Seokjin ang pisngi nito. "Kook, alam mo naman ang pinag-awayan nyo diba? Dahil yun sa pagiging head mo. Uulitin mo na naman ba ang nangyari? Meron ka na namang ipa-prioritize bago ang misyon?  Paniguradong aawayin ka nun pagbalik nya" sabi nito na mas nagpalungkot kay Jungkook.

"Mas gusto ko yun, at least nandito sya" sabi ni Jungkook habang nakatingin sa kawalan. "You're falling, don't you?" Tanong ni Jin kaya napayuko si Jungkook.

"I already fell but I'm too afraid to have him. I don't know but I have this feeling that he'll break me soon" napangiti ng mapait si Seokjin.

Masked Bullet (TaeKook FF) [COMPLETED]Where stories live. Discover now