Spoken Poetry 1

1.7K 7 0
                                    

I was your sun,

And you were my moon.

But, turning like 

Shooting Stars

That destined to other hands.



------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Story

Girl:

Anong nangyari mahal?

Kay tagal nating nagmamahalan,

Pero, bakit nawala lang ako ng isang linggo

May nagpapainit na sa malamig mong mundo.

     Lumuluha kung tanong sa josawa ko na nasa kama. Kakauwi ko lang galing sa bahay ng magulang ko at ito 'yung nadatnan ko.

'Yung kaibigan at kasintahan ko.Nasa kama, hubo't-hubad at pawisan.

     Nanginginig akong napa kapit sa may pintuan. Gusto kung malaman ngayon na, 'yung dahilan ng kanilang pagtataksilan kaya, kahit dinudurog nito ng sobra ang puso ko, kakayanin ko.Kakayanin ko!

Boy:

Kay tagal ko ring nagpaalam sa iyo,

Na gusto ko ng ganito

Pero hindi mo magawa

Dahil sa sarili mong gusto.

    Napahagulgol nalang ako pagkatapos kung marinig 'yung dahilan niya.Gusto ko siyang sampalin.Gusto kung sabunutan 'yung kaibigan ko, pero hinang-hina na 'yung puso ko. Nangingin na ang buo kung katawan, kaya kahit masakit tinapunan ko nalang sila ng tingin at basta-basta nalang umalis.


------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Limang taon,
Limang taon kaming naging mag kasintahan

Limang taon kaming nagsama habang nagmamahalan

Pero dahil sa pansariling kailangan

Kinalimutan niya ang sariling nararamdaman.


Bakit may mga taong mas pinipili ang tukso?

Kesa sa totoong nararamdaman ng puso.

'Yan ang tanong na hanggang ngayon 

hindi ko malaman-laman ang kasagutan.

Tanong na laging gumugulo sa aking isipan.


Magpahanggang ngayon.

Oo! Magpahanggang ngayon,

Dahil, isang taon na ang nakalipas

Simula ng makita ko silang nagtataksilan

Pero hanggang ngayon

Dinudurog parin ng ala-alang iyon ang aking katinuan.


Ala-alang namamalagi na sa aking puso't-isipan

Dahilan upang hindi na naman ako makawala sa kadiliman.

Dahil 'yung tinuturong kung buwan

Nasa iba ng kalampungan

Na aking pinakamatalik na kaibigan.


Nagkamali ako!

Nagkamali akong gawing liwanag ang tao lamang.

Nagkamali ako!

Nagkamali akong hinayaan ko ang sariling puso

Na mahalin ang taong mas sinusunod ang tukso.


Ngayon naiintindihan ko na,

Naiintindihan ko na ang sinasabi ng iba.

Na wag gawing mundo 

Ang dapat na tao lang.

Huwag gawing buwan

Ang dapat na jowa mo lang.

Dahil kapag ikaw iniwan

O di kaya'y pinagtaksilan.

Mahihirapan ka ng bumangon

Bumangon muli sa katotohanan,

At sa kadiliman na minsan mo ng pinanggalingan.





A/N

"It's okay to love someone, but don't make that someone to be your moon or even world."









Spoken PoetryWhere stories live. Discover now