Kabanata 4

7K 178 11
                                    

MAY buong paghanga, pagkamangha, at ningning sa mata ng mga tauhan ng lolo ni Lucia habang kaharap siya ng mga ito. Mapa-babae o lalaki man, matanda't bata ay iyon ang kanyang nakikita. Bumaling siya sa kanyang lolo na nagsasalita sa kanyang tabi. Nais siyang ipakilala nito sa mga tauhan. Ayaw sana niyang pumayag nang sabihan siya kanina dahil para sa kanya'y hindi naman na kailangan dahil hindi rin naman siya magtatagal. Ngunit desidido ang mga ito't kailangan raw iyon dahil parte siya ng pamilya, lalo na't siya raw ang nagpabalik sa mga lupain at nabigyan ng tarabaho ang mga tauhan nila.

"Siguro hindi na lingid sa kaalaman ninyo ang pagdating ng aking apo noong isang araw. Nais ko lang pormal na ipakilala sa inyo si Lucia," paghawak ng kanyang lolo sa kanyang balikat, "siya ang anak ng aking pangalawang anak na si Andres. Hindi man niya nakasanayan ang pamumuhay natin dito, gusto ko sana na tratuhin ninyo siya kagaya ng pagtrato ninyo sa amin. Maaasahan ko ba iyon?" Nakaramdam siya ng hiya dahil sa sinabi ng kanyang lolo. Aminado siya na wala siyang kaalam-alam sa uri ng trabaho at pamumuhay ng mga nandito.

"Huwag po kayong mag-alala, Don Arturo. Makakaasa po kayo sa amin. Ikinagagalak po namin kayong makilala, Senyorita Lucia. Ako po si Julio, ang pinagkakatiwalan ng iyong lolo at nangangasiwa sa mga tauhan dito sa hacienda," saad ng isang hindi katandaan na lalaki.

"Maligayang pagdating po dito sa lugar namin at ng lolo niyo, senyorita!" sunod-sunod na pagbati ng lahat.

"Maraming salamat po," nakangiti niyang pasalamat.

Alas-dyes na ng umaga at masyado ng mainit ang pagdampi ng sikat ng araw sa balat. Kaya hindi na kataka-taka sa kasuotan ng mga kaharap na may mahahabang manggas ang mga damit, nakasuot ng bota, at salakot. Katulad ng mga ito din ang suot nila ng kanyang lolo. The only difference is that there is no mud or dirt on their clothes.

"Kay ganda mong dilag, iha. Namana mo ang taas ng iyong ama, maging kay Don Arturo," saad ng isang ginang. Mababakas sa mukha nito ang katandaan, ngunit nakapaskil ang isang magaang ngiti.

"Salamat po."

"Ikinagagalak namin lahat ang pagbisita mo dito sa lugar na kinalakhan ng iyong ama, iha," sabat naman ng isa pang lalaking tauhan na may edad na rin.

Sa limang beses na nagpunta siya dito sa Pilipinas, hanggang Maynila lang ang naapakan niya. Hindi siya nagkaroon ng pagkakataon noon na makapunta dito sa Quezon Province para mabisita ang lugar ng kanyang ama. Palaging puno ang iskedyul niya at gipit siya sa oras, kaya naman ilang araw lang siya't bumabalik din agad sa New York.

Bago nangyari ang pagpayag sa kanya na magbakasyon ng dalawang buwan dahil na rin sa mahaba-habang holiday season, isang matinding pakiusap at pagmamakaawa pa ang ginawa niya para lang mapayagan siya. May ilang T.V endorsement at campaign ad for holiday season ng clothing line na hindi niya tinanggap para lang magkaroon siya ng bakante  at mangyari ang naka-plano niyang bakasyon.

After Lucia was introduced by her grandfather and welcomed by everyone, they went back to work. Pinuntahan naman ng kanyang lolo ang kamalig kasama si Mang Julio upang suriin ang mga nakaimbak na palay doon at ibang pananim habang siya'y nagpaiwan muna. Nais niyang maglibot-libot at tumingin sa ginagawa ng kanilang mga tauhan. May ilang babaeng tauhan na nakasunod sa kanya dahil ipinasama iyon ng kanyang lolo para kung may mga tanong raw siya habang naglilibot ay may sumagot sa kanya. Hindi niya kasama ang Ate Martha niya dahil nandito lang naman siya sa kanilang lupain at nais din niya na kahit papano'y makapagpahinga ito kakasunod sa kanya.

While walking, Lucia felt the true peace of the place. 'Yung klase ng kapayapaan na manunuot sa kaibunturan ng iyong puso. Mga huni ng ibon, lagaspas ng mga pananim, dampi ng preskong hangin ay kay sarap sa pakiramdam. This is the kind of silence she wants to feel. Malayo sa limelight at magulong industriya na kinabibilangan niya. The kind of life that is not demanding, simple, quiet, but you will feel the true meaning of happiness that cannot be matched by anything in this world.

His Way of Branding [COMPLETED]Where stories live. Discover now