Kabanata 3

7.3K 168 12
                                    

SA harapan nina Valentin ay ang dalawang matanda na sina Don Arturo at Donya Luiza na mariing nakikinig sa pagkukuwento ng pinsan niyang si Fiore. Hindi niya lubos maisip kung bakit hinayaan niya ang pinsan na kaladkarin siya papunta sa bahay ng mga Rodriguez.

Basi sa nalaman niyang pagkuwento ni Fiore sa dalawang matanda kung paano nagsimula ang paghanga nito sa apo ng mga 'to ay doon niya napagtanto ang pagiging obsess ng pinsan sa modelong dalaga. Lahat ng mga magazine na ang cover ay si Lucia, meron raw ito. Lahat ng iniindorsong brand ng dalaga mula sa mga damit, bags, sapatos, at cosmetics ay kompleto din ito. Kung hindi pinaparegalo ay pinapasadyang bilhin nito kapag may business abroad ito o kahit ang ibang meyembro ng kanilang pamilya. At lahat ng 'yun ay lingid sa kanyang kaalaman dahil na rin may kanya-kaya silang pinagkakaabalahan sa buhay. Magkalapit man ang mga bahay nilang magkakamag-anak ay hindi sapat iyon para malaman nila ang nangyayari sa mga pribidaong buhay nila. Sa dami ng kailangan nilang aasikasuhin at pamahalaan, minsan na lang sila nagtatagpo sa iisang lugar magpamilya, sa tuwing may mahahalagang okasyon lang. 

"I'm so excited to see here, Kuya Val!" kinikilig nitong sabi. Sinamaan niya ito ng tingin habang natutuwa at natatawa naman ang dalawang matandang kaharap nila rito.

"I'm sure my granddaughter will be happy when she sees you, hija," malumanay at matamis na saad ng Donya.

"Really, Donya Luiza?"

"Lola na lang kasi, hija," pamimilit ng Donya sa ganoong tawagan.

"Okay, Lola. Ehh! I can't believe this." Napapailing si Valentin sa kabaliwan ng pinsan niya. Tuloy, pakiramdam niya'y nahahawa na siya sa pananabik rito. Kanina pa niya gustong masilayan ang mukha ng dalaga na pilit niya lang binalewala para hindi mapaghahalataan ng katabi maging ng kaharap.

Napatingin si Valentin sa malaking portrait ng dalaga na nakasabit. Sa nakalipas na dalawang taon buhat ng huli niyang makita ang larawan na iyon, ganoon pa rin ang hitsura niyon, tila mukhang bago. Lihim siyang nasiyahan dahil iningatan at inilagaan iyon, kahit pa sabihing isa lamang 'yung larawan.

"Mukhang isang pamilya ang bisita niyo, Lucia," ani Ate Martha nang makita nila ang isang batang babae na sinisamyo ang halamang rosas na alaga ng kanyang lola.

Awe! It seems the kid loves the roses based on what she does. Kay tamis na ibinibigay nitong ngiti sa mga rosas habang sinasamyo nito iyon ng paisa-isa. Sa likuran ng batang babae ay ang yaya nito na nakabantay at napapangiti rin sa ginagawa ng alaga.

"Pareho kayo kulot!" natatawang dugtong ni Ate Martha.

Tinaasan niya ng kilay si Ate Martha saka ibinalik ang paningin sa nasabing bata. Kulot nga ang buhok nito na hanggang balikat at nakalugay iyon. The kid wore a cute floral dress paired with a doll shoes.

"Ehem!" pagtikhim ni Ate Martha upang kuhanin ang atensyon ng mga 'to. Nagsilingunan naman agad ang mga 'to, maging ang tatlong bodyguard na nagpalakad-lakad malapit sa dalawa.

"Zoe, halika baka mapagalitan tayo," saway ng yaya nito at hinawakan ang kamay ng alaga.

Lumapit pa sila Lucia sa puwesto ng bata at ng yaya nito. "Hi!" Siya ang unang bumati habang nakatingin sa munting bata.

Wala siyang nakuhang sagot, bagkus nakatitig ito sa kanya wari pinag-aaralan siya. Oh! The girl seems to know how to observe a person based on how she looks at her. Hindi niya inalis ang nakapaskil niyang ngiti at mas pinalawak niya pa lalo iyon. Unti-unti, sumilay ang ngiti ng batang babae na siyang nagpalantad sa bungal nitong ngipin sa harapan. Awe! The girl is really adorable when she's smiling. Bumitaw sa pagkakawak ng yaya ang bata at lumapit sa kanya.

Yumuko si Lucia at tinukod ang dalawang kamay sa tuhod upang magpantay sila ng bata kahit papano. "Hi, pretty little one! What's your name?" Pinisil niya ang maumbok nitong pisngi. Nakakagigil.

His Way of Branding [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon