Kabanata 2

8.2K 197 18
                                    

"Don, hindi purong Filipino po 'yung si Gov, 'di ba? Nahahalata sa hitsura, e," tanong muli ni Ate Martha habang nasa hapag sila naghahapunan.

Kanina pa ito walang sawa sa kakatanong ng kung anu-ano patungkol sa gobernador na iyon. Hindi na lamang pinagtuonan ni Lucia ito ng pansin at ibinagay ang buong atensyon sa pagkain.

"Ang ama ni Gov ay isang Italyano, hija, habang ang ina niya na si Senyora Adeline ay anak ng mag-asawang Don Manuel at Donya Victoria Romero, na kilalang angkan dito sa bayan ng Funtago." Tumango-tango si Ate Martha sa sinasabi ng kanyang Lolo.

Paano pa kaya ito makakain ng maayos kung tulala na itong nakikinig? Masyadong nakuha ang atensyon nito ng lalake iyon.

"Kung gayon, napakayaman ng angkan nila dito, Don?" namamangha nitong tugon.

Napatango ang kanyang Lolo. "Oo. Sila ang may pinakamalaking pagmamay-ari ng lupain dito sa Funtago, maging sa mga karatig bayan. May iba't ibang negosyo sila sa lungsod at ka-Maynilaan. 'Yung nadaanan nating mga sikat na fastfood chain kanina sa sentro, sila ang nag-franchise niyon. May mga hotel din sila dito at sa abroad."

"Ay, bigatin si Papa V!" palatak ni Ate Martha na animo'y may mga bituin sa mga mata nito na nagkikislapan dahil sa pagningning niyon buhat sa sinabi ng kanyang Lolo. "E, may kasintahan na po ba siya, Don?"

"Ate Martha, stop. Let grandpa finish eating before you ask him those nonsense questions," saway niya rito dahil nakita niya na hindi na nagalaw ng kanyang Lolo ang pagkain sa kakasagot at kakakuwento patungkol sa mga tanong nito.

Ngumuso ang kaharap at kikibot kibot ang bibig na parang kontra sa kanyang sinabi. Madalas, may pagka-isip bata din talaga ito sa kabila ng edad nito. Sumubo ang kanyang Lolo habang nakangiting napapailing sa kanila dalawa ni Ate Martha.

"Ako na lang ang sasagot sa tanong mong iyon, hija," presinta ng kanyang Lola na ikinabaling niya rito. Tapos na itong kumain at nagpapahid na ng bibig.

"Sige sige, Lola. Gusto ko' yan." Nabuhay uli ang dugo ni Ate Martha.

Ano ba ang nakita nito sa lalakeng iyon at ganito na lamang ito? Kung sa hitsura, oo gwapo nga ito, aminado siya doon. Puwede nga ihelira ito sa mga kasamahan niyang modelong lalake, baka pataubin pa nito. Mukha din namang may nakatagong magandang pangangatawan sa likod ng kasuotan nito.

"May asawa na si Gov..."

Ayun lang. Sorry for, Ate Martha. "Pffffft!" pigil niyang pagtawa dahil sa hitsura ng kaharap pagkarinig sa sinabi ng kanyang Lola. "Masakit ang umasa, teh. Oh, ngayon ano ka?" natatawa, aniya.

"You're so mean, Lucia!" anito, inirapan siya.

"Tsk! Sa hitsura nu'n? Aasa ka pa talaga na walang asawa o kasintahan iyon? Don't make me laugh, Ate Martha," iiling-iling niyang sagot. Tila pinagsakluban ng langit at lupa 'to sa hitsura nito.

Tinapos na ni Lucia ang pagkain. Nauna na siyang magpaalam sa tatlo at umakyat sa kanyang silid.



Hindi mawala-wala sa utak ni Valentin ang mukhang natunghayan ng mga mata kanina. Kay tagal niyang hinintay ang pagkakataong iyon na masilayan ito ng harapan. Isang alaala kaagad ang rumagasa sa kanyang isipan....

"Salamat sa pagpapaunlak ng aming imbitasyon, Gov," ani Don Arturo habang nakipagkamay sa kanya.

Nasa tabi ng Don ang maybahay nito na si Donya Luiza. Isang pagtitipon ang ginanap ng pamilya para sa pagdaraos ng ika-pitumpu't tatlong taong kaarawan ng Donya.

"Maligayang kaarawan, Donya Luiza!" pagbati niya.

"Maraming salamat, Gov." Iginiya siya ng dalawang matanda sa likod ng mansyon kung saan naroon ang mga bisita na imbitado rin.

His Way of Branding [COMPLETED]Where stories live. Discover now