Check-In 13: Wuthering Heights

Start from the beginning
                                    

"Juno, hayaan mo na sila. Huwag tayong gumawa ng eksena rito. Alalahanin mo ang sinabi ni Madame Gabbana, masususpend na tayo kapag gumawa pa tayo ng gulo..." paalala ko sa kanya.

"Seb, please..." pagmamakaawa ko na sa kanya.

Huminga siya nang malalim saka niya binitawan si Gowe. Takot at mabilis namang umalis ang magpinsan. Hinawakan ko sa kamay si Juno at dinala siya sa may pinakamalapit na bench para pakalmahin pa siya. Nagpahatak naman siya. May ilang minuto pa naman bago magsimula iyong subject ko. Pag-upo namin ay binaba ko ang mga dala ko saka kinuha ang mga kamay niya para tanggalin ang mga gloves niya. Kaka-parke niya pa lang siguro ng motorbike niya nang makita niya 'yon kaya kaagad siyang sumugod. Juno's always like this. Ayaw niyang nakikitang may nang-aapi sa akin. He can be so impulsive at times so I tried to calm him down.

Nang matanggal ko na ang gloves niya ay nagulat naman ako nang kinuha niya ang kamay ko saka pinagpagan ang mga lupang nasa palad ko dahil iyon ang ginamit kong para tumuko kanina nang sa ganoon ay hindi ako tuluyang bumagsak.

"Masakit ba?" he asked and took the handkerchief he was keeping in his green cargo jacket.

Hindi kaagad ako nakasagot. Nakatitig lang ako sa kanya habang patuloy niyang pinupunasan ang mga palad ko. Ladies and gents, this is Juno being an ideal man for straight five minutes. He's always this caring.

"Ayos lang ako, seb," I assured him.

"Magsumbong ka sa akin kapag inulit nila 'yon," pangaral niya sa akin.

"Kaya ko naman, seb. Nagulat lang talaga ako kanina kaya hindi ako nakapaghanda."

"Oh, tapos anong gagawin mo kung nakapaghanda ka?" he challenged me. Juno's one of those who taught me to be brave on my own.

"Ipagdadasal ko sila."

Napabuntong-hininga siya at sumandal sa bench. He then stretched his arms there and at my back saka niya ako binalingan.

"Hindi ka lalaban?"

"Siyempre, lalaban. But you also have to remember that not all fights have to be fought through swords nor by force. May mga laban na mas maiging idaan natin sa panalangin at pananalig," I answered and he smirked.

"But you have a point," he agreed and clasped his hands for what I think is  a prayer. "Lord, sana Po kunin Niyo na sila-"

Sinapak ko nga sa balikat ang mokong na tumatawang ibinalik naman ang mga braso niya sa likod ko at ibabaw ng bench.

"Hoy, ano ka ba, bad 'yon! When you pray for others, you have to make it wholesome. Pray for goodness and not for something wicked," I scolded him.

"Oo na! Oo na!" natatawang pigil niya. "Teka, bakit parang may kamukha ka ngayon," he pointed out.

Umayos naman ako nang upo at nginitian siya. "Sige nga, hulaan mo kung sino kamukha ko ngayon."

"May libre ba akong kiss kapag nahulaan ko?" pang-aasar niya pa.

"Alam mo kapag hindi ka nanlalandi ng iba, sa akin mo binabato 'yang mga lintek mong pick-up lines. Magtigil ka, Juno, ha. Naku, ako talaga, ginigigil mo."

Natawa lang siya at nakangiting pinilig ang ulo para tingnan ako at hulaan kung kanino inspired ang look ko sa araw na 'yon.

"Alam ko na. Kamukha mo si..."

"Si..." pag-uulit ko pa, excited.

"Light fury. Tama, 'yon talaga, light fury," sagot niyang ikinasimangot ko.

"Mukha ba akong white dragon sa suot ko?! Susko, kaloka, seb. Si Tinkerbell ginagaya ko today."

"Talaga? E, bakit mas maganda ka pa kay Tinkerbell?" sabi niyang ikinangiti ko naman.

Hotel Grimm: The Brave and The PowerfulWhere stories live. Discover now