Good morning sir agent samantha report of duty sir.. sabay saludo ko sa harap ni inspector larry.
Salot, maupo ka agent samantha!
Salamat sir,
Kumosta ang misyon mo? Alam mo na ba Kong sinong pumatay sa kasamahan mo?
Wala pa sir, pero wag kayong mag aalala sir simula ngayon ay gagawin ko na ang trabaho ko hindi na ako makakapayag malayang namumuhay ang pumatay Kay agent Melody.
Mabuti naman agent samantha, anong plano?
Basta ako na po ang bahala sir babalik lang ako dito kapag na solve ko na at nahuli ko na ang may sala.
Hindi ka parin nag babago samantha! Kumosta nga pala si lucas?
Ayon nag aalala sa pagkawala ni daddy roman!
Si roman nawawala? Bakit ngayon mo lang sinabi? Bakit daw? Anong nangyari?
Hindi ko po masagot ang tanong mo sir! Kahit kami din ay nabigla sa pagkawala niya.
Wag kang mag aalala gagawin natin lahat Makita lang si sir roman.
Salamat sir, muli naman akong nag salot hudyat na aalis na ako.
Scarleth pov..
Humanda ka sa akin, bilang na ang araw mo sa mundo, kong sino kaman! Bago ako tumuloy sa misyon ko tumawag mo na ako sa mga pamilya ko lalo na Kay lucas.. ligtas naman daw silang nakarating sa hongkong umpisa na silang nag hahanap Kay daddy. Ang dalawang anak ko naman at si santa ligtas naman sila at wala masyadong Tao sa lugar na pinuntahan nila. Ngayong ligtas na ang Mahal ko sa buhay!! Misyon ko naman ang aatupagin ko. Hintayin mo lang ang pag balik ni agent 44 Maria Claire samantha grace scarleth Zamora tolentino ll.
Napatigil ako sa pag iisip dahil biglang tumonog ng cellphone ko dahil sa text message. Diko Kilala ang numero pero alam Kong malaking tulong sa misyon ko Ang laman ng text niya.
BUMALIK KA KONG SAAN NANGYARI ANG PAGKAMATAY NI AGENT MELODY, DON MO MALALAMAN KONG SINO ANG MAY GAWA.
Sino naman kaya to? Bakit alam niya ang misyon ko?
Tatawagan ko pa sana siya para kausapin tungkol sa text niya. Pero diko nagawa dahil naka off na ang cellphone niya. Madali akong pumonta sa bahay ni agent melody, umpisa na akong nag hanap kinalkal ko lahat Ang laman ng bahay niya. Baka may makita akong makakatulong sa problema ko. Isang oras nalang Ang nakalipas wala parin akong nakitang ibedensya. Paano ko mapadali Ang Kaso nato? Sermon ko sa sarili ko! Di ako makapag isip ng mabilis dahil Kay daddy roman. Muli namang nabaling ang presensiya ko sa aking cellphone, dahil tumonog naman ito ulit. At siya parin Ang nag text sa akin. Akala ko! Ganon parin Ang laman ng text niya ng buksan ko ang text niya.
KUNIN MO ANG LAMAN SA LIKOD NG PICTURE FRAME.
Alam Kong kalukohan na ito, pero ginawa ko nalang ang nasa text message niya. Hindi nga niya ako niluluko dahil may isang larawan ang likod nito. Larawan ng isang lalaki sa tingin ko ay iginuhit lang dahil kakaiba ito sa normal na larawan. Umalis ako at dala-dala ang larawan na yon hinahanap ko ang nasa larawan. Hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa subdivision maliit at masikip ito diko alam Kong bakit dito ako napunta. Mas lalo akong naintriga dahil sa kakaibang nakita ko isang maliit na bahay pero maraming kalalakihan. At may mga babae ring labas masok sa silid na yon. Nong una ang tahimik parang walang nakatira Kong dika talaga papasok sa subdivision na to. Dimo makikita may mga Tao pala. Hindi mo na ako lumapit baka kasi mag taka sila, dahil sa suot ko kompara sa mga babaeng labas masok sa bahay na yon.
Hi pogi!! Sabi ng isang babaeng puno ng kuliriti sa katawan kulang nalang mag mukha na siyang bangkay sa ayos niya.
Kapkapan niyo muna yan, utos ng lalaking nasa upuan diko Makita Ang mukha niya dahil may nakaharang at tumama pa sa mukha niya.
Wala boss, sagot naman ng lalaking inutosan niyang kapkapan yong babae.
Ano kaya ang meron dito? Anong kuneksyon ng larawan nato? Dito sa maliit na subdivision? Yon ang aalamin ko! Nag pasya akong umalis mo na para bumalik nalang sa susunod na araw. Kailangan ko pa kasing pag aralan ang subdivision na to lalo na yong mga Tao. Diko kasi maipaliwanag! Kong bakit maraming babaeng labas pasok dito At bakit kailangan pang kapkapan? Sa palagay koy don ko mahanap ang sagot sa problema ko. Sa di kalayuan ng subdivision may iilang bahay pa ang madaanan Bago makalabas.
Psst, psst pa lingon-lingon ako upang hanapin kong sino yong tumawag sa akin! Alam Kong ako yon dahil ako lang ang tao dito.
Halika, tawag sa akin ng isang babae medyo may katandaan na.
Bakit po?
Pumasok ka, may Sasabihin ako sayo'.
Agad naman akong pumasok sa bahay niya at dinala niya ako agad sa kusena. nag tataka ako? kong bakit parang nag tatago siya sa mismong bahay niya.
Anong ginagawa mo dito? Una niyang tanong sa akin. May hinahanap lang po ako. Agad Kong sagot sa kanya.
Delikado dito! Kailangan mo ng umalis dito, kapag nakita ka nila dito papatayin ka nila! Bigla akong naintriga sa sinasabi niya. Bakit naman po?
Ganon dito sa lugar namin, kapag may makita silang Bago pinapatay nila dahil ang akala na nila ay mga pulis oh mga kalaban na nila ang nakapasok.
Kalaban? Bakit mga sendikato ba sila?
Shhhh wag kang maingay! pinatahimik niya ako dahil may dumaan sa tabi ng bahay nila. Dahan-dahan naman siyang pumonta sa maliit na butas ng kusena nila upang silipin Kong sinong dumaan.
Halika, kailangan mong makita ito, habang nakasilip ako sa maliit na butas pinaliwanag niya sa akin kong bakit may mga taong sendikato sa lugar nila. At Kong bakit? May mga babae! Mga bayaran pala ito nag tatrabaho sa di kalayuang club. Don daw sila parati pumopunta at bumibili ng babae. Upang gawing aliwan ng mga sendikato tinanong ko din siya Kong bakit don siya nakatira sa lugar na yon? Hindi naman daw siya doon nakatira kundi sinusundan niya lang ang asawa niya kapag umaalis ito noon. Nong isang besis nahuli niya daw ang asawa niyang pumonta dito at may kasamang babae, gusto na daw talaga niyang lapitan para kausapin oh awayin dahil nag taksil ito sa kanya. Pero di niya natuloy dahil siya mismo nakita niya na pinipilit lang ang asawa niya. May isang lalaki kasing may hawak na baril papatayin daw siya kapag hindi niya susundin ang utos ng lalaki, at nong tinanong niya daw ang asawa niya dahil sa ganong trabaho? Sinabi daw lahat ng asawa niya ang tungkol sa sendikato. Hindi na daw ito makakaalis sa sendikato dahil may parusang kamatayan kapag umalis ka sa grupo nila.
Thank you for reading 🧡💙❤️
YOU ARE READING
WRONG MOVE part2 ( on-going)
General FictionP.S basahin mo na ang series#1 WAG MO AKONG MAHALIN para mas maintindihan ang series#2.. Maling galaw mo lang, habang buhay mo nang pag sisihan. Wag kang mag kamaling kalabanin ako, kong ayaw mong sa hukay ang bagsak mo..
chapter 4
Start from the beginning
