"Hindi na ako magtatanong sa'yo!" Inirapan ko siya pinag-krus ang dalawang kamay sa ibabaw ng dibdib.

"Halatang wala ka pang alam sa kamunduhan ng pag-ibig." Tumawa siya ng malakas pero maya-maya ay sumeryoso na ulit. "Hindi in love 'yong lalaking 'yon, okay? Don't get your hopes up. 18 ka na kaya dapat alam mo na 'yan 'yong mga tipo ng lalaki na guguluhin 'yong isip mo para ikaw na ang mismong lalapit sa kanila."

Napaisip ako sa sinabi niya. Nilagay ko ang hintuturo ko sa baba ko. "Pero nginitian niya ako. Parang bihira lang siyang ngumiti tapos-"

Narinig ko ang malalim niyang paghinga. "Tignan mo 'ko." SInunod ko ang sinabi niya at natawa nang makita siyang nakangiti.

"Ang creepy mo tignan!"

Lalo pang lumaki ang ngiti. "Nginingitian na kita. In love na ba ako sa'yo?"

"H-Hindi."

His smile fell off and nodded. "That's what I'm trying to tell you."

Umayos siya ng upo dahil dumating na ang teacher namin. Samantalang ako ay napanguso na lang dahil na-gets ko na rin ang pinaparating niya. Mabuti na nga lang talaga at sa kanya ako nagtanong. Pero on the second thought, kung siya ang kusang lalapit, okay lang kaya? Hindi kaya magagalit si Hans?

Napahagikgik ako pero nang sulyapan ako ni Hans ay nagkunwari akong humihikab. "Hay, ka-antok."

Natapos ang klase namin sa tatlo pang teachers at lunch time na. Natutulog si Hans nang iwan ko siya dahil pupunta akong canteen para bumili ng pagkain. Nakapila na ako at naghahanap ng coins sa coin purse ko nang may marinig na tawanan.

Nilingon ko kung saan ko narinig ang tawanan at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang taong naupuan ko. Kasama niya ang mga kaibigan niya at nagtatawanan sila maliban sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako nagpanic kaya ang nangyari ay nagsilaglagan ang mga coins ko sa sahig at muntik pang mahulog ang pagkain na babayaran ko.

Napapikit ako at umalis sa mahabang pila. "Sorry po. Sige ate, ma-swerte ka ngayon dahil mapapabilis ang pagbayad mo sa pagkain mo." Sabi ko sa babaeng nasa likod.

Lumapit ako sa isang vacant table at nilapag doon ang pagkain. Tumingin ako sa nagtitinda at sumenyas ng 'sandali lang' . Kilala naman nila ako kaya alam nilang hindi ko itatakbo ang pagkain na dala ko.

HIndi niyo sure.

Isa-isa kong pinulot ang baryang nagkalat sa sahig at napanguso nang hindi na makita ang iba. Alam kong marami ang nalaglag pero bakit apat na piso lang 'yong nakuha ko. Bumuntong-hininga ako at malungkot na nilagay ang mga coins sa bulsa ko. Bakit nila kailangan kunin 'yong mga barya, eh barya 'yan ng mga magulang ko.

Napatanga ako nang may maglapag ng coins sa table kung saan nakalapag ang pagkain ko. Marami-rami 'yon kaya napangiti ako dahil may tumulong pala sa akin para pulutin ang mga barya. Nakangiti akong lumingon sa naglapag ng barya pero muntik pang lumaki lalo ang ngiti ko nang makita ang taong naupuan ko sa jeep ang tumulong sa akin.

Satingin ko para akong natatae ngayon dahil sa itsura ko.

I composed myself and hid my smile as I remembered Hans' words a while ago. I kept a poker face until I'm done re-arranging my coins. Lumingon ako sa kanya at binigyan ng isang maliit na ngiti.

"Salamat. kapwa-estudyante." Pipili na dapat ako pero biglang hinawakan niya ang braso ko. Nabitawan ko ang coin purse ko dahil para akong na-kuryente. Napaatras pa ako sa gulat at nang tignan ko siya ay nakakunot ang noo niya. "A-Ano ba? Akala ko ba bayad na ako?"

"Bayad na."

"Alam ko. Kasasabi ko lang, diba? Papilahin mo na po ako kasi gutom na ako-"

"I mean, bayad na 'yang pagkain mo."

"Ay weh?" Tumango siya kaya napatingin ako sa pagkain na nasa table. Kinuha ko 'yon at binigay sa kanya. "Oh, sa'yo na. Binayaran mo na pala, eh. Afritada 'yan tapos one and a half rice. May libreng iced tea 'yan kaso iced coffee gusto ko, eh."

Pumalatak siya. "That's your food."

"Pipila na lang ulit ako para mabayaran ko." Lumapit ako sa kanya. "Ayoko nang magka-utang sa'yo. Iba ka maningil, eh." Bulong ko at tinignan siya sabay kindat.

Bumalik ako sa pwesto ko at nginitian siya. "Masarap naman 'yang Afritada. Buto-buto nga lang 'yong binigay sa akin ni ate, pero bawing-bawi naman sa sauce."

"Ang kulit mo, 'no?" I gave him a cheeky smile and quickly patted his shoulder. Lumingon ako sa mga kasama niya na patawa-tawa sa gilid at kinawayan sila. Mukha silang nagulat pero kumayaw din naman.

Pumila muli ako at nag-antay. Pinilit kong huwag na silang tignan dahil nailang ako bigla. Ngayon ko lang napansin na naka-civilian silang apat. Long-sleeves kasi ang uniform sa Senior High pero pagdating ng college ay pwede na kahit na anong i-suot.

Sana all.

Pagkatapos kong magbayad ay tinignan ko ang oras at napasimangot nang makitang magta-time na. Mabuti na lamang at pina-take-out ko na lang ang pagkain ko at kakain na lang ako habang nagkaklase ang sunod naming teacher.

Nakalabas na ako ng canteen pero hindi ko naman inaasahan na may nag-aantay pala sa akin.

"B-Bakit?" Tanong ko nang makalapit ang taong naupuan ko kanina sa jeep.

He cleared his throat and handed me a drink.

"Huh? A-Ano 'to?"

Umiwas siya ng tingin. "Iced coffee."

Kinuha ko agad 'yon na may kakapalan ng mukha. "Para saan 'to?"

"Baka mabulunan ka. Drink well."

Tinignan ko ang iced coffee na bigay niya at napakunot ang noo nang may nakadikit na sticky note ro'n.

Isagani Dela Cruz. 20. 2nd year. Civil Engineering student.

P.S. Kinuha ko 'yong dalawang piso mo para may rason pa ako na makalapit sa'yo.

Luh. Okay. Hintayin kita. Hihi.

**

mynameisroce











CLOSURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon