Or so I thought.

Dahil pagkatapos ng practice ngayong araw, nagulat na lamang ako nang magsidatingan sa court namin ang mga players ng basketball team. I just learned that today is the celebration of the basketball team on their victory on STCAA. The celebration was delayed because of the exam week. Hindi ko alam kung matutuwa ako or maiinis. Masakit na kasi ang binti ko at gusto ko ng makauwi.

May dumating na mga pagkain at inihilera iyon sa mga table na nakasalansan. There's a lot of food at halos manuot iyon sa ilong ko. The smell of fried chicken was enough to make my mouth water.

Maiingay ang team nila at nagkukumpulan ang mga manlalaro. Kami lang ni Emily ang halos nakahiwalay dahil nasa kabilang side kami ng court. Nagtatawanan ang mga teammates ko habang kausap ang players ng basketball team.

Dumako ang tingin ko kay Alastair na nasa usually poker face pa din. Nakikipag-usap siya sa ilang babae. Ilang sandali pa ay lumingon siya sa banda ko kaya kaagad din akong umiwas ng tingin. Damn, muntik na akong mahuli!

"So, I just want to celebrate the basketball team's victory. Dito na lang tayo kumain dahil hindi kaya ng budget na sa labas pa tayo kumain." Coach Travis said. "Congrats, boys. And also to the volleyball players. You can make it next year. I'm so proud you, guys!"

Nagkantyawan ang mga lalaki sa sinabi ng kanilang coach and then we started to eat. Emily was excited as she was looking at the barbecue.

"Friend, saktong sakto! Gutom na gutom na ako!" I can see her almost crying. Paano ba naman, puro na kami practice and I think I also got slimmer. Mas malala yata ang pag-eensayo ko kesa kumain.

"Pumila na tayo kung ganoon," I smiled at her. I am a bit hungry but kumuha ako ng pansit at fried chicken. I think that will suffice. Sa bahay na lang ako kakain. Wala akong energy na kumain ng marami ngayon kahit kumakalam na ang sikmura ko.

"Bakit iyan lang kakainin mo, friend?! Ang sasarap ng pagkain, oh!" Pinipilit pa ako ni Emily na kumuha ng iba pang putahe sa mesa. Ang kanyang plato ay tila bundok na sa dami ng pagkain.

"Baka hindi ko maubos kapag sobrang dami." I said. And I felt uncomfortable suddenly.

Inilibot ko ang paningin habang kumakain. Halos lahat ng kalalakihan ay nakikipag-usap sa mga kateammates ko especially Celestine. Well, hindi na ako magtataka doon. She's charming and beautiful.

Hinanap ng mata ko si Dylan pero wala ito doon. Saan na naman kaya nagsuot ang damuhong iyon? Why is he absent today? I was about to text him where he went off when my phone vibrated. Inilapag ko ang plato sa bench at saka binasa ang dumating na mensahe.

I almost choked because of my food when I saw Alastair's message for me. I looked out for him but he's silently eating while looking at his phone.

Siya:

.

Kumunot ang noo ko. Why is he sending me a dot? Baka wrong send lang siya or accidentally napindot lamang niya?

I decided to ignore his message. Inisip ko na walang dahilan iyon o kaya napindot lamang niya iyon ng aksidente.

Muli kong ipinagpatuloy ang pagkain. After a few minutes, my phone vibrated again. I decided to check who it is. It was him again.

Siya:

,

I sighed. Is he freaking kidding me? Bakit siya nagtetext ng dot at comma? Is this some type of code or something? May ibig sabihin ba ang comma at tuldok niya? God, this person....really...

I decided to send a reply para manahimik na ang kaluluwa ni Alastair.

Ako:

What do you want?

Persia's PrayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon