"Hay, ang gaganda naman ng mga anak ko, ang se-sexy pa." Sabi ni nanay sa amin kanina, her eyes full of admiration. Naalala ko pa.

"Alam na po namin yan nay, matagal na po." Natatatawang sabi naman ni Marcory sa ina.

"Alis na po kami nay." Sabi namin kay nanay. Habang nagmamano.

"Kaawaan kayo ng diyos at mag-ingat kayo." Sabi naman ni nanay sa amin.

Maraming tao sa plaza ng dumating kami, at kasalukuyang may basketball.

"Ate manood tayo ng basketball, sabi ni Rico may laban daw sila Kuya Lito ngayon. Medyo matagal na rin tayon nakapanood ng laban nila. At alam niyo ba ate? Sabi ng mga classmate ko ang ganda daw ng laro. Saka ang galing din daw ng anak ni Mayor at iyong kaibigan niya. Biruin niyo ate, ang galing daw magdunk ng bola at three pointers din. Iyong mga classmate ko walang ibang bukam bibig kundi si number thirty two. At take note ate, super gwapo din daw." Sabi ni Marcory sa amin habang naglalakad kami papasok sa loob ng gym. Nagkibit balikat lang kami ni Mars.

Sa labas pa lang dinig na dinig na namin ang sigawan at hiyawan ng mga manonood. Punong puno na sa loob nito. Kaya medyo nahirapan pa kaming makapasok sa loob.

"Ate Lyn, Ate Shaina nandito pala kayo. Bakit hindi niyo ako sinabihan na darating kayo." Sabi sa amin ni Erick ng makita kami.

"Biglaan lang kasi, kanina pa ba nagsimula ang laro Erick?" Sabi naman ni Mars sa kapatid.

"Kakasimula pa lang naman, first quarter pa. Halina kayo, sasamahan ko na kayo sa loob, may mauupuan pa rin naman kayo. Laging may naka reserved na upuan para sa inyo si Kuya, baka sakaling maligaw daw kayo. Though alam niyang busy kayo." Sabi uli ni Erick habang tinutulungan kaming makapasok sa loob. Panay naman ang excuse namin.

Bigla naman akong kinabahan ng makapasok na kam. Hindi ko maintindihan. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Parang sasabog na ito sa sobrang lakas. At halos naririnig ko pa ang tibok nito. Hindi ko maintindihan kong bakit. Kaya hindi ko napigilan ang sarili kong mapahawak sa tapat ng dibdib ko at damhin iyon. At tama ako, parang tinutulak ang palad ko sa lakas nito. Bigla naman akong napatigil sa paglalakad.

"Ate Shaina ok lang?" Nagulat pa ako sa tanong ni Marcory na nasa likuran ko lang kanina, ngayon nasa tabi ko na ant nakatingin sa akin. Ganon din sila Mars at Erick, nakatingin na sa akin. Dahil na rin kay Marcory. They look worried.

"Ok lang ako, nabigla lang ako sa lakas ng ingay sa paligid." Sabi ko sa kanila, and I smiled at them too. Para hindi na sila mag-alala pa sa akin. Sinadya ko rin na huwag sabihin ang naramdaman ko.

"Sigurado ka Shai na ok ka lang? Sabihin mo lang kung hindi ka ok at lalabasa na lang tayo."Nag-aalalang sabi pa rin sa akin ng kaibigan ko.

"Ok lang talaga ako Mars, sige na lakad na ng makapasok na tayo." Nakangiting sabi ko pa rin.

"But if you not good sabihin mo lang ha? At babalik na tayo sa bahay." Puno ng pag-aalalang sabi uli ng kaibigan ko.

Tumango lang ako sa kanya, Kaya kumilos naman ito. Pero habang papalapit naman kami ng papalapit sa pwesto ng kupunan nila kuya Lito, papalakas ng papalakas ang kaba ko.

Napahawak naman akong bigla sa braso ni Mars habang naglalakad kami. Napatingin naman si Mars sa akin, may pag-aalala pa rin sa mukha nito. Nginitian ko lang siya. Dahil sa nararamdaman ko hindi ko na napansin pa ang paligid ko.

Pilit ko na lang na nialis sa isip ko ang kabang nararamdaman ko. Kasalukuyang nakaupo si kuya Lito na makaring kami sa pwesto nila. Agad naman itong nilapitan ni Erick at sinabing nandito kami. Kaya naman mabilis itong lumapit sa amin habang nakangiti.

"Mabuti naman at nandito kayo, kamusta na Shaina." Masayang sabi ni kuya Lito sa amin. At nakangiti rin itong tumingin sa akin.

"Ok lang po Kuya Lito, pasenya na ngayon lang uli kami nakapanood ng laro niyo. May inasikaso lang kasi ni Mars." Nakangiting sabi ko rin kay kuya Lito.

"Nabanggit nga sa akin ni Erick." Sabi nito.

"Oo nga kuya, naging busy kasi kami bigla sa bahay. Alam mo na. Pero ngayon makakapanood na kami ng laro niyo." Nakangiting sabi rin ni Mars. Tumalikod na rin si Kuya Lito dahil tinawag na ito ni coach.

"Good luck Kuya Lito, galingan mo." Nakaniting sabi pa namin.

"Pano Ate, lalabas na ako at babalik na sa pwesto ko. Tawagan niyo lang kong may kailangan kayo." Nagpaalam na rin si Erick sa amin.

"Sige Erick salamat." Nakangiting sabi ko.

Nakangiti pa rin ako ng bigla akong hawakan sa braso ni Mars. Kaya napatingin ako sa kanya, pero hindi ito sa akin nakatingin.

"Shai, look whos playing." Mahinang sabi nito, kaya naman tiningnan ko kung sino ang tinutukoy nito.

Ganon nalang ang  gulat ko ng makita ko kung sino iyon, and now I understand kong bakit ganon nalang ang nararamdaman ko.

"Jason." Mahinang sabi ko. Hindi ko na naialis dito ang mga mata ko. Hindi pa rin ako makakilos, Siya ang kasalukuyang may hawak ng bola. Napapalibutan pa ito.

"Beshy ok kal lang?" Mahinang sabi sa akin ni Mars.

"Bakit-bakit siya nandito, anong ginagawa niya rito?" Mahinang sabi ko sa sarili ko. Naguguluhan pa rin ako. Hindi ko talaga lubos akalain na makikita ko ito rito.

"Ate, siya iyong sinasabi kong kaibigan ng anak ni Mayor. Tingan niyo ang galing talaga niyang mag laro." Masayang sabi sa amin ni Marcory.

"Beshy?" Para naman akong nagising ng kalabitin ako ni Mars, kaya napatingin uli ako sa kanya.

"I didn't expect na makikita natin si Jason dito."  Sabi pa rin ni Mars sa akin.

"Neither do I."  Mahinang sabi ko rin. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Kinusot ko pa ang mga mata ko baka namamalikmata lang ako. But I was wrong, siya talaga. "Hmp" napaismid na lang ako.

Mas lalo pang lumakas ang sigawan ng  mga manonood dahil sa bigla nitong pagtalon sa ring at inihambalos doon ang bola.

"Grabe ate kita niyo iyon? Ang galing talaga." Masayang sabi sa amin ni Marcory, bahagya pa itong sumigaw upang marinig namin.

Ang ibang kababaihan naman panay din ang sigaw ng 'I Love You number thirty two' Napaismid naman ako sa mga narinig ko. Bigla na lang akong nakaramdam ng inis. Nkasimangot pa akong napatingin sa paligid, kaya nakikita ko kung paano magisisgaw sa kilig ang mga ito.

"Hmp... Kung kiligin naman kayo grabe." Inis kong sabi. Pero mahina lang.

"Ang gwapo naman kasi niya Ate at ang galing pang maglaro." Sabi naman ni Marcory sa akin. Mas lalo pa akong napaismid sa sinabi nito. Bigla naman itong natahimik.

"Hmp, demonyo naman ang ugali!" Mahina ngunit mariing sabi ko kay Marcory. Nagtataka naman itong napatingin sa akin.

"Kilala niyo po siya Ate Shaina?" Nagtatakang tanong nito sa akin.

"Hindi lang kilala, kilalang kilala ko ang lalaking iyan." Inis ko pa ring sabi. May pagtatanong sa mga mata ni Marcory habang nakatingin sa akin. Napaismid na naman ako.

"Kapatid siya ng brother inlaw ni Shaina, Marco." Sabi ni Mars sa kapatid.

"Ah, ok. You mean siya iyong sinasabi niyo?" Sabi ni Marcory, bigla na lang itong mapangiti.

"Oh, bakit nakangiti ka pa riyan huh?" Sita naman ng kaibigan ko rito. Nakataas pa ang isang kilay nito sa kapatid.

"Wala naman Ate, masama bang ngumiti?" Nakangiting sabi pa rin nito sa kapatid.
"Look Ate, his coming at nakatingin siya dito. No, nakatingin siya sayo." Masayang sabi ni Marcory sa akin. Kaya nasundan ko na lang ng tingin ang sinasabi nito.

Nakakunot noo itong nakatingin sa akin, at kita ko rin sa mga mata nito ang pagtatanong. At pagtataka. Parang wala ito sa sariling kinakausap ng kasama nito. Nakatingin pa rin ako sa kanya hanggang sa makalapit na ito. Nasa pangatlong linya lang kasi kamin ng upuan ang pwesto namin.

"Shaina?" Mahinang sabi nito sa akin  ng makalapit na ito.

Hindi ko maintindihan, para akong ipinako sa kinauupuan ko. Hindi ako makakilos. Ang lakas lalo ng tibok ng puso ko.


My Arrogant Patient ( On Going )Where stories live. Discover now