Thirty-nine: Make him jealous

274 14 1
                                    

Para sa akin, tama na ang mga panahon ng paghihirap namin ni Kuya Jac at Cormac.

Sa mga nangyari, isang bagay lang ang na-realize ko. Kahit gaano man namin gawin ang lahat, tapos na ang para sa amin ni Cormac. Naputol na ang kung pa mang mayroon kaming dalawa.

At kung sakali mang pagdudugtungin namin iyong muli, mas lumalaki lang ang posibilidad na masira iyon–mas maging mahina ang pagkakapit sa isa’t isa.

Nananakit na ang ulo ko noong ibinukas ko ang pinto ng opisina. Bumungad sa akin si Ma’am Cassandra na mabilis na itinuro ang lalaking prenteng nakaupo sa sofa na naroon. “Naisip kong maganda ring i-feature ang Cassano Pharmaceutical. . .”

Napailing-iling na lang ako sa rason na iyon ng Editor-in-Chief. Hindi ba nito alam na napakarami pang nakatambak na gagawin.

“Levi!” masigla kong pagbati rito. Nagbago lang ang ekspresyon ko sa mukha noong maalala ang sinabi nito kanina.

“Pwede ba kitang makausap, Av?”

Dahil sa alam ko na marahil ang pag-uusapan minabuti ko na munang yayain ang lalaki sa rooftop ng kompanya. Ilang palapag pa mula sa mismong opisina.

Nang makarating doon, ako na ang bumasag ng nakaliliyong katahimikan. Wala namang sense kung maiilang pa ako sa lalaki. Hindi naman nito dapat pang ika-sorry ang nararamdaman.

“Lev, I’m sorry. You know I can’t—”

“It’s fine,” nakangisi lang na sabi nito.

Napatanga naman ako roon. What’s with the smile? Peke ba ang ngising ‘yan? Tinatakpan lang ba nito ang kalungkutang nararamdaman–fuck you, Avery!

Inalog-alog ko pa ang ulo para mabalik sa katinuan ang mga naiisip. “What?”

“I mean, what? How’s that okay with you?” tanong ko pa sa katabi.

Kalmado lang nitong inililibot ang tingin sa iba pang mga building, nangingiti.

“Hey! Levi, pinagtitripan mo ba ako?” Hindi ko na mapigilan ang mainis. Patagal nang patagal, mas lalo ko lang naiisip na talagang ginagago lang ako ng lalaki.

“You bitch–”

“Wait!” Nabitin ang hampas ko sa ere. Minabuti kong tingnan ang lalaki gamit ang nangkukwestiyong mga mata.

What is the guy up to?

“I need your help, Av.” Napansin nito ang mabilis na pagkunot ng noo ko. “This is really serious.”

Kinailangan ko pang huminga nang malalim bago tuluyang mapakalma ang sarili at piniling makinig sa lalaki.

“I need your help to make someone lose his shit at gumawa na ng effort.”

Panandalian akong nawala sa pokus dahil sa sinabi nito. “You jerk! Ayusin mo ‘yang pagsasalita mo.”

“I need you to make someone jealous–”

“WHAT?” Awtomatikong kumurba ang kamao ko patungo kay Levi. Thankfully, nasalo niya iyon kaya hindi ko ito nasaktan dahil sa pambibigla. “Are you out of your mind?”

“You see,” pagpapatuloy nito sa pagpapaliwanag. “I like someone–”

“Ikaw talaga, Levi!” Nasalag muli nito ang dapat sanang paghampas ko sakanya.

“Av, listen, please. . .”

Tuluyan mo nang itinikom ang bibig. Talagang hindi kami matatapos kung patuloy kong kokontrahin ang bawat sinasabi nito.

“I’m sorry. Nataranta lang ako kanina kaya kung ano-ano na ang nasabi ko. I really planned to talk to you pagkatapos kasi baka kung ano ang maisip mo about it.” Madrama itong bumuntong-hininga. “I didn’t mean it, Av.”

“You see, may gusto akong babae. Nagawa ko na lahat to make her fall in love with me pero hindi talaga tumatalab, eh. Naisip ko, baka hindi kasi siya interesado so I want to test her. I want to make her jealous kasi baka may chance pang magbago ‘yung isip niya if she sees me with someone else–”

Hindi ko na siya pinatapos dahil sa madali kong nakuha ang gusto nitong ipalabas. “So, you need my help para makumpirma mo kung gusto ka niya talaga.”

Bahagyang tumango ang lalaki, nahihiya. “So, what’s the deal?”

“Deal?”

“You are a business man. Alam kong alam mo kung anong tinutukoy ko,” mariin kong sabi bago humalakhak.

Ninenerbyos ang lalaking bumaling sa akin. “A-Ano ang gusto mong kapalit?”

Ako naman ang may pagkakataong ngumisi sa lalaki, “You see, my acting skills are exceptional. They are not for free.”

Levi Cassano looked at me flatly kaya naman pinili ko nang ituloy ang pagsasalita, “Send a private doctor for my mom and dad.”

Hindi ako mahilig mansamantala sa kapwa. Ang totoo, plano ko lang sanang biruin ang lalaki kaya ganoon na lang ang gulat ko nang pumayag ang lalaki.

“For five years,” dagdag ko pa. Plano ko sana inisin lang ito pero hindi iyon naging epektibo.

“Make it ten.”

Nanlalaki ang mga matang bumalik ako sa lalaki. Hindi rin biro ang sampung taon saluhin ang serbisyo medikal sa mga magulang ko.

Natatawang ipinakita nito ang isang maliit na recorder sa akin. “This will serve as our contract. Kapag umatras ka, you need to write a report and post it to BSE Website.”

“What?”

“About you and me. Tell the public that we are dating. Call?” Mabilis ang pagkakasabi noon kaya tuluyan na akong nataranta. “Call.”

“Wait, what?”

Bumungkaras ang lalaki at bahagyang ginulo ang buhok ko. “Recorded.”

Akmang magrereklamo pa lang ako noong biglang bumukas ang pinto ng rooftop at bumulaga sa amin si Cormac na madilim na ang mukha.

Aalis na sana ako sa lugar noong mabilis na higitin ni Levi ang mga braso ko at mahigpit akong niyakap. “Don’t move,” bigla nitong gagad.

Umakyat ata ang lahat ng dugo ko sa ulo nang mapag-isipan ang nangyayari. “Levi, how about you write a novel? Nag-iimbento ka pa ng kwento. This isn’t about someone you like, you–”

“Levi, Avery! Ano ba!”

Gusto ko na lang matawa sa nangyayari. Sa kung paano kami ipinaghiwalay ni Cormac gamit mismo ang mga kamay nito, gustong-gusto ko nang magpagulong-gulong sa kakatawa.

Come to think of it. . .  this is getting more interesting.

“Avery–”

Pinili kong huwag pansinin si Cormac. Hinarap ko na lang si Levi saka marahang hinalikan sa pisngi ang lalaki. “Bye, babe. I’ll see you later.”

Nagmistula akong tumatawa-tawang demonyo habang tinatahak ko ang daan papalabas at pabalik sa opisina.

Pagkatapos ng mga araw, buwan at taong hindi ko na mabilang, talagang umayon na siguro talaga sa akin ang tadhana.

Reportedly DatingWhere stories live. Discover now