Twelve: Dazed and confused

375 13 3
                                    

Pabagsak kong hinagis ang sarili sa sofa pagkadating na pagkadating sa bahay. I’ve never been this exhausted in my whole life. Ilang minute ko munang ipinikit ang mga mata bago ko marinig ang boses ni Kuya Jac.

Dahil maaga pa ako nakauwi, sigurado akong nasa nursery pa ng bahay si Jacques kasama ang tutor nito. Sa maaga kasing edad ay sinigurado na ni kuya na paonti-unti na itong natututo. Hindi niya naman magawang matutukan kaya kumuha na lang kami ng tutor na recommended din kay dad.

“You should rest, Av.”

Mabilis na nanlambot ang puso ko sa sinabing iyon ni Kuya Jac. Ever since, siya na talaga ang naging takbuhan ko sa lahat. Siya iyong kaaway ko kapag nabubwisit ako sa ibang bagay, alam niya ang lahat ng kamalditahan ko but then, he stayed with me. Hindi pa rin ito nagsasawang iparamdam na nandyan siya para sa akin.

Kailan ko nga ba siya huling kinumusta? He suffered a lot. Hindi madali ang magpalaki ng anak na walang ibang ginawa noon kundi ang hanapin ang mommy niya.

Tuwing naiisip ko ang bagay na iyon, nanakip din ang dibdib ko para kay kuya. He doesn’t deserve that.

“Anong tinitingin-tingin mo dyan?”

Imbes na mainis ay natawa na lang ako sa pagtataas niya ng kilay. Mas nanibago nga ata siya roon. “Kumain ka na ba, Kuya?”

“I should be the one asking you that. Saan ka ba nagpunta−” Hindi na niya natapos ang sinasabi dahil sa biglaan kong pagyakap.

We are the best type of siblings. Hindi naman kami iyong nag-aaway talaga. Minsan, nagkakapikunan at ako naman talaga iyong pikon. But then, I love this guy so much. Hindi ko ‘to ipagpapalit sa kahit na sino.

“Nandidiri na ako, Avery−”

“Let’s have a drink. My treat.”

***

Sa maliit na playground ni Jacques kami napadpad ni Kuya Jac. Magkatabi kami sa maliit na swing at may hawak na tig-isang beer. Hindi man ito madalas pero sobrang saya kong nagagawa pa rin namin ito.

“What’s bothering you?” Ang seryosong boses ni kuya ang senyales ko na dapat na rin talaga kaming magseryoso.

Ilang beses akong bumuntong-hininga bago magsalita, “Wala naman. I’ve been thinking about random things.”

“Random things about?”

“Life,” wala sa sarili kong sabi. Sunod-sunod lang ang naging pag-inom ko.

Actually, I feel really empty the past few days. I almost laugh when I realized I’ve been empty for several years now.

“Avery, go directly to the point–”

“What if I didn’t lose my memories?” Napansin ko agad ang pagtikhim ni kuya at pananahimik. “Paano kung hindi nangyari ‘yun at okay pa rin ako, naaalala ko ang lahat? Kuya, my life will surely become better,” dagdag ko pa.

I’ve been really empty without my memories. Nakakapagod. Nakakapagod ulit-uliting pilitin ang sarili. Nakakadismaya na bawat araw na gumigising ako, umaaasa akong baka naaalala ko na ang lahat.

Walang nagsabi sa akin kung ano ang totoong nangyari noong araw na iyon katulad ng binilin ng doktor. Makakasama pa raw iyon sa akin dahil baka pwersahang bumalik ang ala-ala ko.

But then, inuonti-unti naman na nila mommy na sagutin ang mga tanong ko sa kung saan ako nag-aral noon, kung sino-sino ang mga kaibigan ko, interests and hobbies.

Beyond that, hindi ko pa naman sila tinatanong. I tried to become contented of what I know, right now. I just can’t help but to feel empty.

Ilang taon lang iyon ng buhay ko pero pakiramdam ko, napakaraming kulang.

That accident happen, fifteen years ago, when I got hit by a car. Mayroon na akong mga flashes of that scene pero nananakit pa rin talaga ang ulo ko kapag pinipilit, or worse ay nahihimatay pa ako, kaya matagal ko na ring itinigil.

Mayroon lang talagang oras that I feel sad about it.

Ilang minutong walang nagsalita sa amin ni Kuya Jac. Halos salit-salitan lang kami sa pag-inom ng mga hawak.

The more I think about it, pakiramdam ko ay parang mas lalo akong napapagod.

Mabilis na sumagi sa isipan ko ang sitwasyon ko kanina kasama ang pamilyang Carter. My past. . . I know it’s been horrible. Hindi ko man kumpletong alam ang mga nangyari pero alam kong hindi na magandang balikan pa ‘yun.

Mommy is right. I need to ask myself, is Cormac’s past really important? Maaaring katulad din siya ng past ko na gusto ko lang ibaon sa limot.

‘Is the past really important? Paano kung he’s not the type of person who likes to dwell on the past?’ Paulit-ulit na nagpe-play ang sinabing iyan ni Mommy sa isip ko.

“Stop the project with Cormac Carter, Av.” Para bang nakikita ni Kuya Jac ang loob ng isip ko sa sinabi niyang iyon.

Madali ko siyang hinarap saka kinunutan ng noo. “Why?”

“He’s no good for the project. Ikaw at ikaw lang ang mahihirapan. Give up, now. Habang may oras pa, humanap na kayo ng iba.”

I’ve been thinking about that, too. Kaya lang, kaya pa ba naming humanap ng iba. Makakahanap pa kaya kami ng kasing interesting na tao katulad niya?

“I will help you find another person na fit for the documentary but please, Av, don’t go near the guy again.” seryosong-seryosong sabi ni kuya. Napalatak ako. Why? Kilala niya ba ang lalaki?

“Why? Do you, perhaps, know him?”

Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ni kuya and I got more curious about it. “You don’t like him, do you? Nagkita naman kayo nu’ng nakaraan at pinagtripan mo pa–”

“You need to listen, Av. Change your plans. Call Miss Cassandra na magbabago kayo ng tao. I could send him a list of persons you can ask and convince,” dali-dali nitong sabi. Visible ang pagiging restless ni Kuya Jac. Para itong nagpa-panic. “Here, I have some–”

“Kuya.”

“–Initial list that can fit for your own criteria. Lahat naman ‘yan successful at may inspiring story for AFA–”

“Kuya Jac!” Hindi ko na napiglan ang mapasigaw. “What’s with that, huh? Can you please tell me your reason? Hindi ka naman ganyan sa mga taong kinukuha namin for the interview noon.”

He hung his head low. Hindi na ako nakarinig ng mga susunod pa nitong sasabihin. Hindi pa nagtagal, walang imik na itong tumayo sa kinauupuan. “Tigilan mo na siya, Av. Find someone who can be the best for the documentary. He’s no good.”

Mabilis akong tumayo para sana sundan siya but then naisip ko kung gaano katotoo ang mga salitang iyon. Isang linggo na ang nasasayang sa oras namin at hanggang ngayon, alam ko pa ring wala kaming mapapala.

My thoughts were hindered by a sudden vibration of my phone. Tawag iyon mula kay Ma’am Cassandra.

Kapag itinigil ko ang plano kay Cormac, I will really stop seeing him. Hindi ko na rin kailangang magpanggap at magpapansin sa mga magulang niya. Maybe, we could find someone you’ll give her/himself for the documentary as well.

“Avery–”

“Ma’am Cassandra. . . We’ll give up. Humanap na lang tayo ng ibang tao, Ma’am. A person who can value us too, a person who’s willing to make an effort. . . to help us.”

Maybe, kuya is right. Kung ngayon na namin sisimulan ang paghahanap ng iba ay paniguradong hindi pa kami mahuhuli sa timeframe. Makakahabol pa kami at hindi namin kailangang magmadali kapag nagkataon.

I really felt tired about this, too. Parang wala ng pag-asa. . . Hindi ko na alam ang susunod na plano para lang mapapayag siya kaya mabuting humanap na lang kami ng iba.

“What? What happened? I just got a call from the C.C Cars! Pumapayag na sila, Avery. Pumapayag na sila for the documentary!”

Reportedly DatingWhere stories live. Discover now