Thirty-five: Shattered

262 14 1
                                    

Avery? Dad!”

Ilang minutong walang nagsalita kahit pa tatlo na kaming nasa kwartong iyon. Kahit pa tinitingnan ko lang si Kuya Jac at daddy ay punong-puno na ng espekulasyon ang loob ko.

Hindi ako makapaniwala. Hindi ko magagawang tanggapin.

Sa ano at paanong paraan involve si daddy sa pagpatay sa mga magulang ni Cormac fifteen years ago?

“Anak. . .”

“Please don’t act like this,” deretsahan kong sabi, pinipigil ang kung ano pa mang rason ang lalabas sa bibig ni daddy. “Hindi ako iyong batang Avery na mabilis lang mauuto, Dad.”

Si Kuya Jac naman ang hinarap ko sa pagkakataong ito. Kitang-kita sa mukha niya ang pag-aalala pati na ang takot sa kung ano ang pupwede kong sabihin, gawin at maisip. “Ano ‘to? Eto ba ‘yung tinatago niyo sa akin?”

Nagkandabuhol-buhol ang mga salita sa dulo ng dila ko. I can’t seem to mutter a word. Pati na iyong mga salitang gustong-gusto kong sabihin at isigaw ay hindi mailabas.

“Kuya, Daddy, ano ‘to? Bakit ganito? Paano naging ganito?!” Naghuhuramentado ang sistema ko. Wala pa mang nakukuhang kumpirmasyon sa ginawa ng ama ay parang mas nagiging palapit ako nang palapit sa totoo.

Tuluyan na atang nasira ang ulo ko dahil sa dami nang mga hinuha. I must be dreaming! My daddy would never do that. Una sa lahat, hinding-hindi nito magagawang pumatay or even magsolicit ng murder. Pangalawa, hindi niya iyon magagawa sa mga magulang mismo ni Cormac!

“Anak–”

“Fuck, Dad! Just tell me the truth! Just spill it!” walang kontrol kong sigaw. “Tama na ang gaguhan, ang lokohan. Let’s just be honest with each other.”

“Nandoon ka ba sa scene. . . fifteen years ago?” Alam ko na ang sagot pero ginusto ko pa rin ang magtanong. Umaasang hindi, umaasang idi-deny ni daddy ang lahat.

Sa pagkakataong ito, gusto kong magalit siya sa amin at pagsisigawan kami dahil sa ginawang pagdududa sakanya. Kahit pa palayasin o hindi naman kaya sumama ang loob nito sa amin.

Mas kakayanin ko pang tanggapin iyon.

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa laylayan ng damit, nanginginig. Hindi ko alam kung ano ang una kong magiging reaksyon sa magiging sagot ng ama.

“Please let me explain–”

“JUST ANSWER MY GODDAMN QUESTION!” Kaming tatlo, kahit na ako, ay nagulat sa pagsigaw kong iyon. Nagbabaga ang pakiramdam ko at any moment now ay sasabog na lang akong bigla.

Naaalala ko na ang lahat. Iyong sitwasyong nakita ko bago ako tuluyang mabangga ng kotseng iyon. Ang natatarantang mukha ng ama sa hindi tinted na sasakyang minamaneho para tuluyang makatakas.

Pati na ang pag-arangkada ng sasakyan nito sa kabila nang pagharang ko sa daan. He did it. Talagang sinagasaan nito ang sarili niyang anak bago buwis-buhay na mag-alala para sa akin.

“Your mom and Cormac’s dad is having an affair. . . fifteen years ago.”

Laglag ang panga kong hinarap ang kapatid, naghahanap ng posibleng sagot at dahilan doon. “W-What?”

“I know that isn’t a strong reason to kill pero kinausap ko ang lalaking iyon! I did tried my best to convince him. Believe me. I told your mom as well to stop. Ilang beses ko siyang tinakot na sasabihin ko sa pamilya niya mismo pero hindi. He became more desperate na lapitan at i-stalk ang mama mo. Avery, I can’t let that happen. I had enough of it. You’re mom was very scared back then. Gusto ko lang protektahan ang pamilya ko—”

“That is why you killed him? You killed a person?” It was my Kuya Jac’s turn to speak.

“I solicited the murder! Ang ama niya lang naman ang iniutos ko but his wife became so stubborn kaya walang naging choice si Jandro–”

“Jandro. . .”

“The murderer. Hindi ba siya iyong namatay kalian lang?” Inunahan ko na si Kuya Jac sa pagtatanong. Mariin kong binalingan si dad na hindi na rin halos mapakali sa kinatatayuan.

Biglang natahimik sa kwartong iyon. Napakalakas naman ng kabog ng dibdib ko na parang lalabas iyon sa mula sa puwesto. “You killed him, right? Siya lang ang may alam nu’ng nangyari, that’s why you killed him, too–”

Ako na ang naunang umapila, “Kuya? It was a suicide!”  How dare he say that to our father. “I doubt it. ‘Di ba , dad?”

“I did! Fuck, I did kill him!” biglaan at taranta na lang nitong pagsuko.

Napapikit na lang ako roon. Pilit kong hinahayaan ang dibdib ko sa pagkalabog at ang utak sa pag-iisip ng kung ano-ano.

Wala akong kaalam-alam. Ipinangako kong gagawin ko ang lahat para mahuli ang may pakana sa pagkamatay ng mga magulang ni Cormac. Pero wala akong kaalam-alam na mismong ama ko pala ang hinahanap.

Nakakatawang talaga ang buhay. Expected the unexpected nga, sabi nila. Kung ano pa ang sa tingin ko‘y pinakamalabong mangyari, iyon pa ang nasa harapan namin ngayon.

“Leave.” Sabay na napasinghap ang dalawang lalaki sa biglaang sinabi ko. “Leave, Dad.”

Naghuhuramentado na akong hinarap ni kuya na para bang iyon na ang pinakanakakatawang sinabi ko. “Avery, are you insane?”

“What do you want, Kuya?” malakas ang naging pagsinghal ko rito. “What do you fucking want? Gusto mo bang makulong si dad? Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya para sa’yo at sa akin? Hahayaan na lang natin na makulong–”

“Pero mali ang ginawa niya, Avery!”

“Fuck that right and wrong! I won’t let my father go to that hell! Hindi ko hahayaang makulong si Daddy!”

Ang malakas na sigaw na iyon ay biglaang natigil nang makita ko si Cormac kasama ang iilang pulis na nasa labas mismo ng kwartong iyon. Deretso ang tingin niya sa mga mata ko kaya mabilis kong nakilala ang pagkadismaya nito sa ngayon-ngayon lang na narinig.

Gusto kong mabigyan ng hustiya ang mga magulang niya, iyon ang totoo. Pero hindi ko rin kakayaning ang ama ko naman ang magsakripisyo para sa bagay na iyon.

The company’s image will be ruined. My mother will become really devastated. Our lives. . . our family, paunti-onti ring maglalaho ang mga iyon.

“Cormac. . .”

Nang magawa nitong iiwas ang mga mata sa akin, ramdam kong naglaho na rin ang lahat ng pinagsamahan naming dalawa. At that split moment, he became a total stranger.

“You have the right to remain silent and refuse to answer questions. Anything you say may be used against you in a court of law. You have the right to consult an attorney before speaking to the police and to have an attorney present during questioning now or in the future. . . .”
 

Reportedly DatingWhere stories live. Discover now