Twenty-two: She's Avery

333 14 2
                                    

Back to Avery Taylor’s point of view


“You don’t need to worry about the place. Kilala ko naman ang may-ari nito. Magkatabi lang ang kwarto natin and I’ll give you my keycard in case something happened—”

“Teka, teka.” Kinompronta ko ang lalaki. Kanina pa kasi ako nito hindi binabalingan ng tingin. Dere-deretso lang siya sa ginagawa hanggang sa makarating kami sa H&H Hotel. He seems to be organized about his plan samantalang ako, hindi pa mahagilap ang rason kung bakit nandito kami sa mismong lugar kung saan ako lumaki.

I trust this jerk. Kahit naman taong bato ito ay napatunayan ko na rin na hindi niya ako ipagkakanulo sa mga masasamang tao. He’s good but sometimes I just want to crush his face.

“Pwede ba paki-explain muna sa akin kung anong nangyayari at kung anong ginagawa natin dito? You see, may kompanya akong pinagtatrabahuhan, I need to report all my actions to them at may pamilya rin akong nag-aalala sa akin,” tuloy-tuloy kong sabi. Medyo napalakas pa nga iyon kaya nakuha ko ang atensyon ng iilang naroon. Idagdag pa ang mga babaeng kanina pa lumuwa ang mga mata sa lalaking kasama ko.

“I’ll explain to you later. Gusto mong makakuha ng impormasyon tungkol sa akin, ‘di ba? Find that out yourself,” hindi pa rin tumitingin sa akin niyang gagad.

Namewang ako sa harapan nito, hindi na ikinatutuwa ang mga nangyayari. Akmang magsasalita pa lang ako nang tumalikod na ang lalaki at nagsimulang maglakad papunta sa elevator.

I just hate this guy so much. Binabawi ko na ang sinabi ko kaninang pinagkakatiwalaan ko ang gagong ito.

Mabibilis ang lakad ko siyang sinundan. Nagsisimula na akong mamroblema patungkol sa mga gamit dahil wala ako ni isang dala.

Kahit pangpersonal na gamit katulad ng toothbrush ay wala ako. This is better be good. Siguraduhin lang talaga ng lalaking iyan na may mapapala ako sa pagpunta ko sa Batangas.

Nang makapaghiwalay kami dahil sa magkatabing mga kwarto, halos ihagis ko ang sarili sa kamang naroon. Purong pagod na lang ang nararamdaman ko kaya naging madali sa akin ang makatulog.

I hope all things could be done accordingly kahit matuog lang ako. I just hope na pagkagising ko ay ayos na ang lahat at ituturing na akong back-to-back winner ng AFA.

Nang sunod kong imulat ang mga mata, halos mapabalikwas na lang ako nang mapansing suot ko pa rin ang sapatos. I am out of my mind! Basta na lang ako nakatulog na parang walang iniisip.

Sinundan pa iyon ng maingay na pagkalam ng sikmura. I hurriedly get my phone para sana tawagan si Cormac at magrequest ng pagkain noong tumambad sa akin ang salitang “low battery” sa ngayon nang black-out na screen.

Laking pasasalamat ko nang may makitang charger sa bag pero halos lagutan naman ako ng hininga nang makita ang apatnapu’t dalawang missed calls na naroon; mayroong mula kay Mommy at Daddy, mayroon ding kay Ma’am Cassandra pero tatlumpu’t walo naman ang kay Kuya Jac.

Malilintikan ako. Sigurado na akong kapag ganitong klaseng numero na ang bumungad sa missed calls ko ay susuungin na ni Kuya Jac ang lahat para marating ang lugar. “Hay! I should’ve known better.”

Tinawagan ko si kuya pero siya naman ang hindi sumasagot. He’s a mad man. Hindi na basta ako magugulat kung biglang sumulpot ang nakakunot nitong noo at galit na mukha niya sa Pagkilatan.

“Gutom na ako,” bungad ko nang si Cormac naman ang tawagan. Buti na lang sumagot ito kaagad.

“Wala ako sa kwarto ko so you better stay at yours. ‘Wag kang lalabas ng wala ako. We’ll eat outside as soon as I get back,” mabilis lang nitong sabi saka ako binabaan ng telepono.

Why would I do that? In what aspect ko ba siya kailangang sundin?

Iniwan kong nagtsa-charge ang cellphone saka nagsimulang mag-ayos. Hindi naman ako lalabas dahil sa mismong hotel ako maghahanap ng makakakain.

Bumaba ang tingin ko sa dalawang keycard na nakapatong sa bedside table, Room 542 at 543. The other one’s for Cormac’s room.

Hindi ko napigilan ang magngiting-aso, “So this is what he meant when we say ‘find it out yourself’?” Impit pa akong napahagikhik doon.

“Tapos na ang maliligayang araw mo, Cormac. . .” patawa-tawa kong sabi na ginagaya-gaya pa ang linya sa isang pelikula.

Sinubukan kong hindi magmukhang-akyat bahay sa ginawang pagpasok sa kwarto pero hindi ko nagawa. Mukha akong tangang kabadong-kabado kahit pa si Cormac naman mismo ang nagbigay ng susi niya.

Nang makapasok at nakumpirmang wala nga roon ang lalaki ay daig ko pa ata ang nanalo sa lotto.

As far as I can remember, wala rin gaanong dala ang lalaki maliban sa itim nitong duffel bag. I just need to open it, maghanap  ng kahit anong posibleng makapagbigay ng impormasyon sa akin at tapos na ang trabahong ito.

Nanginginig man ang kamay dahil sa pangambang baka mahuli ng lalaki ay nangunguna pa rin sa akin ang excitement. “That guy, ano ba talaga ang tinatago niya?”

Nag-echo anglakas ng tawa ko sa buong lugar nang makitang may notebook doon. May kalumaan na ito pero mukhang naaalagaan naman nang maayos.

“Diary? Sino bang gumagamit ng diary ngayon?” bulong ko sa sarili ko habang nagmamadaling buklatin iyon.

Hindi nga ako nagkamali. It was indeed a diary. Stoney isn’t a pure stone at all. He’s a softie. Nakakatuwa na may mga drawing pa ang palibot ng notebook cover noon.

This is really it. Ramdam na ramdam ko na ang mala-MMK na kwento ni Cormac. . . ang kwentong magpapanalo sa amin sa AFA 2020.

Bumungad sa akin ang sa hinuha kong first entry sa diary na iyon. It was dated sixteen years ago. March 21, 2004.

“Dear Charo. . .” paloko ko pang sabi saka muling humagalpak. “Diary. . . “

“I’ve met a girl today. Napakaingay at kulit. Mom told me that she and I can be friends pero ayoko. I don’t need friends. I am contented of what I have right now. Friends can stab our back smoothly leaving us scars. I told her to stop following me pero hindi siya nakikinig. She keeps on telling me things I don’t care about. The things she likes, the color white as her favorite color, April eleven as her birthday. . . her favorite subject at school and her name. . . Avery.”

Wala sa sarili kong naibagsak ang notebook na hawak, nanginginig na at labis na pagsakit ng ulo ang nararamdaman. They were flashes of memories on my mind too. I. . . I know this diary. . . hindi ito ang unang beses na nabasa ko ito.

Sa tuloy-tuloy na paghulog ng notebook ay humiwalay roon ang isang larawan. Wala sa sarili ko iyong dinampot kaya bumungad sa akin ang litrato ng isang batang babae suot ang paborito niyang puting bestida. . . it was me. The photo of me in my younger years.

Ibinaliktad kong muli ang larawan at binasaa ang nakasulat sa likod noon. Katulad noong nakita kong larawan sa kwarto ng opisina ni Cormac noong nakaraang araw, the words were written with a pink ink.

Mac,
I won’t forget Macky, so you better not forget Abe! Avery!

Sa sunod na mga segundo, wala na akong naramdamn kundi ang nakakapanghinang sakit ng ulo. Pilit kong inaabot ang cellphone para sana manghingi ng tulong pero nahirapan na ako sa bagay na iyon.

I need to calm myself. . . iyon muna ang kailangan kong gawin. I need to shut my mind. Kailangan kong mag-isip ng ibang mga bagay, that’s what my mom always tells me.

Sa kakapilit ay tuluyan kong naabot ang cellphone. Una kong tinawagan si Cormac pero hindi na nito sinasagot ang mga iyon.

I force my body to go out of the room, hindi man maayos ang pakiramdam, mas tinatagan ko ang loob ko. Hindi ako makakahingi ng tulong kung mas panghihinaan ako ng loob.

Tinungo ko ang lugar ng elevator nang hindi pa rin tinitigilan ang pagtawag kay Cormac pero napatigil ako nang marinig ang isang pamilyar na boses. I knew it. Alam kong gagawa talaga ng paraan si Kuya Jac para mapuntahan ako.

“Avery’s fine without you. . . bakit ka pa bumalik?” Rinig ko ang lungkot sa boses ni Kuya Jac sa sinabi niyang iyon pero hindi nanatili roon ang isip. Mabilis kong hinalukay sa isip kung sino marahil ang kausap niya lalo pa’t sigurado akong ako ang plinano nitong puntahan rito.

Sa isang tao lang bumagsak ang lahat ng pag-iisip kong iyon.

Sa takot na baka makita ng dalawang nag-uusap ay pinili ko ang magtago. Gusto ko mang makuha na ang tulong at mapatigil ang pagsakit ng ulo ay wala akong magawa kundi ang makinig.

Siguro naman ay kaya ko pang tiisin,’ mahinang pangungumbinsi ko sa sarili.

“Fifteen years, Mac. Bakit ngayon ka pa nagpakita? Bakit ngayon ka pa ulit pumasok sa buhay ni Avery?”

Things are starting to makes sense now. Ako nga ang babaeng tinutukoy ni Cormac sa diary. Ako nga ang babaeng nangungulit at sumusunod sakanya noon.

The one who promise him that she won’t forget him yet. . . I was the one who. . .

Nakasusulasok at tuloy-tuloy na sakit na ang nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung saan  marahil kakapit kaya minabuti kong isandal ang buong bigat sa dingding ng tahimik na corridor doon.

“Kuya Jac. . . Kuya, I miss her. I miss her so much. Akala ko. . . Akala ko pagkatapos ng ilang taon, wala na pero hindi. Kuya, I’m sorry.” Narinig ko ang sunod-sunod na paghagulgol ni Cormac. Bagay na hinding-hindi ko inasahan sakanya.

Hindi ako makagalaw. Gaano ko man kagustong pagaanin ang loob ko at umiyak ay hindi ko magawa. I feel so burdened. Hindi ko pa man alam at maintindihan ang lahat, napakabigat na ng loob ko.

“Mac, tama na. We should let Avery do whatever she wants. Ibigay mo na sakanya ‘yun. Let her be free na walang ibang sakit na iniisip. You two have been through a lot of things. Sapat na ‘yun para layuan niyo na ang isa’t isa.”

My kuya. . . He knows everything about Cormac. Kaya niya ba ako pinalalayo sa lalaki?

“Kuya, tulungan natin siyang ibalik ang alaala niya. This may be the most selfish way but I want her to remember me. . .”

“‘Wag mo nang pahirapang muli ang sarili mo, Mac. Hindi na babalik sa dati ang lahat. Leave Avery alone. Hayaan mong ang kaibigan niyang si Macky na lang ang maalala niya. . . At hindi na ikaw ‘yun, Cormac.”

Sandali kong ipinikit ang mga mata, pagkatapos ay huminga nang ilan pang beses bago hinakbang ang mga paa patungo sa lugar ng mga lalaki. It feels like I heard enough but I don’t want to stop listening.

But that isn't the thing here. I need help. The pain is excruciating.

“Kuya. . .” nanghihinang sabi ko bago ko tuluyang naisuko ang lakas, bago ako tuluyang mawalan ng malay.

Reportedly Datingحيث تعيش القصص. اكتشف الآن