Thirty-four: Mr. Taylor

256 13 1
                                    

“Uuwi na ako,” mabilis kong gagad sa lalaki nang makaharap ko ito para sa breakfast. Ilang minuto matapos kong mabasa ang text na iyon, saka pa lang lumabas ng kwarto ang lalaki. Wala itong kalam-alam sa bago kong nalaman at kung ano man ang naiisip.

Gulat ako nitong hinarap, “What? Teka, Av, bakit?”

Lunod pa rin ang sarili ko sa pag-iisip lalo pa’t parang biglang bombang hinagis sa akin ang katotohanan. Ano ba talaga ang ibig sabihin noon? What about the watch? Ano naman ngayon kung may ganoong relo ang daddy ko noon? May alam na ba sila Cormac tungkol sa pagkakakilanlan ng kakampi ng murderer? Si kuya? Naghihinala na rin ba siya? Bakit ba nila kailangang itago sa akin ang bagay na iyon?

Si Dad, kailangan kong puntahan si Daddy.

“Avery?”

“May kailangan akong gawin sa trabaho,” sagot ko na lang. Bahala na kung ano pa man ang possible niyang isipin. Paano nila inilihim sa akin ang bagay na ito? Bakit nila itinago na patuloy pa rin sila sa pag-iimbistiga sa nangyaring insidente fifteen years ago?

“Ano? But I’ve already talked to Ma’am Cassandra about this—”

“Ano ba!” Hindi ko na napigilan ang magtaas ng boses. Walang ibang mahalaga sa akin ngayon kundi ang mapuntahan at makausap ang ama. Hindi ko rin alam kung bakit siya ang pinaghihinalaan ko.

Hindi ko man maintindihan kung bakit biglang may mga flashes of memories akong natandaan kanina. Gusto ko lang ngayon ay ang makausap si daddy at masabi niya sa aking wala siyang kinamalaman sa nangyari noon.

“Why do you have to force me to do this and that? Pwede ba, for once, ako naman ang sundin mo? I want to go home,” dagdag ko pa. Hindi ko na binawi ang timbre ng boses ko kahit pa takot ako sa magiging resulta noon.

Namataan ko ang biglang pagyuko ni Cormac, nanahimik ang lalaki habang pilit kong hinahabol ang sariling hininga. “Aalis na ako,” saad ko, kapagkuwan ay tumayo na rin.

“Ihahatid n akita, Av—”

“Kaya ko ang sarili ko.” Iyon na lang ang huli kong sinabi bago tuluyang kunin ang maliit na bag at umalis.

Gulong-gulo ang isip at natatakot ako para kay dad. Pilit ko man kasing inaalis sa isip na wala siyang kinalaman sa pangyayaring iyon, hindi ko naman magawang burahin sa utak ang maaring motibo niya sa pagpatay.

Halos ihampas ko ang ulo kung saan dahil sa mga naiisip. Imposibleng magawa iyon ni dad. Imposible rin na siya lang ang may relong katulad noon sa napakaraming tao sa Pilipinas.

Pinili ko ang magbus dahil sa mas ginusto kong makakita ng mga tao. Minsan kasi ay nakakalibang, minsan nakakawala ng mga iniisip ang ingay at pakikipagsiksikan sa mga ito.

Kita ko ang sunod-sunod na pagtawag ni Kuya Jac pero hindi ko lang iyon pinansin. Sigurado akong may alam siya. Sigurado akong natatakot din siyang malaman ang katotohanan kaya bakit niya inilihim sa akin ang bagay na ito? Paano niya magagawang pagdudahan ang sariling ama?

My dad would never do that.

Simula’t sapol alam ko sa sarili kong mabait si daddy. Mahal niya ang pamilya niya at inaalagaan niya kami sa abot ng kanyang makakaya. Malaki rin ang natutulong niya sa mga taong nangangailangan dahil na rin sa kompanya kaya, ni minsan, sigurado akong hinding-hindi nito iyon magagawa.

Naging mabilis sa akin ang halos tatlong oras dahil sa pagtulala. Hindi ko na nga napansin ang mga dinaanan at nakita ko na lang ang sariling nasa tapat na ng bahay. Just for this time, kailangan kong malinawan.

I need to find that watch. Sigurado akong naroon lang iyon sa bahay kahit pa lumipas na ang ilang taon. That will be a great alibi na hindi sira ang relo niya. It should be safe and sound. Makita ko lang iyon ay matitigil na ang lahat ng aking pag-iisip.

Dere-deretso kong pinasok ang bahay ng mga magulang. Walang katao-tao kaya mas napanatag akong maghalughog sa kwarto ni mommy at daddy. Simula pa lang ay matindi na ang panginginig ko.

“It has to be here somewhere. Imposibleng wala ang relong iyon dito. It is one of my dad’s favorite,” pagpapakalma ko sa sarili.

Inabot ako ng sampung minuto bago ko maramdaman ang pagod. Nabuksan ko na ang naglalakihang mga aparador nina mommy at daddy pero wala akong nakita. This can’t be. Kung wala ang relong iyon, hindi ako matatahimik.

Masasabing walang kinalaman ang ama ko dahil sa pagkakawala noon pero ako naman ang paniguradong hindi matatahimik. Hangga’t hindi ko nakikita ang relo, iisang tao lang ang maari kong paghinalaan.

“Big bang. . .” Kaagad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ang maliit na box na nakita ko sa alaala—iyong elegante at sopistikadong kahon na naglalaman ng mamahaling relong iyon. Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng napakalaking tinik sa lalamunan.

Mabilis ko iyong kinuha at binuksan, “Sinasabi ko na nga ba. Sinasabi ko na nga bang nandito lang ang bagay na ito—”

Pero ang pagiging kampante ay mabilis na napawi ng takot nang makita mismo ng dalawang mata ko ang halos nagkadurog-durog na salamin ng relong iyon. Wala ang iilang mga parte ng relo na parang tumama ito sa napakalas na puwersa.

Literal na naramdaman ko ang pagguho ng mundo. For the first seconds, hindi ko maintindihan kung bakit ako kinapos sa paghinga. This is just a pure mistake! A coincidence!

“Anak, nandyan ka pala? I didn’t go to work today–teka? Anong nangyari rito?”

Parang may biglang sumakal sa puso ko nang marinig ang boses na iyon ni daddy. Masigla ang boses nito katulad ng palagi niyang ginagamit. Naging duiwag man akong balingan siya ay ginamit ko ang buong lakas para harapin ang lalaki.

Halos magimbal siya nang makita ang mapupula ko na ngayong mga mata pero mas nalumo ang itsura niya nang makita ang hawak kong maliit na box ng relong iyon.

Ilang segundo lang kaming natahimik bago dumating ng hingal na hingal din mula sa pagtakbong si Kuya Jac. Sa sitwasyong ito, hindi ko na kailangang hulaan pa ang nasa isip ng kapatid. Alam na alam ko na. . . alam na alam ko na kung bakit kinailangan nilang ilihim sa akin ang lahat.

“Avery? Dad!” 

Reportedly DatingWhere stories live. Discover now