Fourteen: Daddy CC

370 16 3
                                    

“Dada!” Agad na nanlaki ang mata ko nang marinig ang pagkalakas-lakas na sigaw na iyon pagkapasok na pagkapasok namin sa lugar.

Bago pa man ako makapagtanong sa kasama, dal-dali na nitong dinaluhan ang batang papalapit sa amin.

I froze right at my place. Is my intuition right all this time? May anak nga itong itinatago?

Pero bakit nasa ampunan?

“Dada, bakit ngayon ka lang ulit? Parami na po kami nang parami!” Malawak ang naging ngiti ng bata sa harap ni Cornac kaya nagmistulang nahawa rito ang lalaki at ngumiti nang pagkalaki-laki.

Natataranta kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa at pasimpleng kinuhanan ng litrato ang larawan na iyon. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa. Nangangamba lang akong baka hindi ko na ulit makita ang gano’n ngisi ni Cormac. At kung oo man, siguradong matatagalan pa.

“Really? Edi okay ‘yun. You’ll be happier,” nakangiti pa ring sambit nito.

Pilit kong ipinagsawalang-bahala ang nakikita pero hindi ko rin mapigilan ang mapangiti. May ganitong side pala ang lalaki. He’s not the stoney that I used to know.

“Sister,” narinig kong bati niya sa madreng papalapit.

Sinalubong na iyon ni Cormac saka nagmano. Walanghiya! Napakaamo ng ugali ng lalaking iyan dito pero kapag nasa opisina, akala mo manggi-giyera palagi. Nasaan ang hustisya?

Nang bumagsak sa akin ang tingin ng madre ay dali-dali rin akong lumapit dito at saka ginawa ang kaninang pagmamano ni CC.

“Kay gandang babae naman nito, C.” sabi pa niya.

Mabilis kong nilingon si Cormac saka tiningnan ito nang nagmamalaki pero ang bwisit na lalaki— tinaasan lang ako ng kilay.

“Ako po si Avery, sister.” balik ko ng atensyon sa babaeng kaharap. Kunwari ay hindi ko na lang nakita ang ginawang iyon ni Stoney.

Why can’t I fucking hit him?

Bakit hindi ko pwedeng i-untog ang ulo niya kung saan dito?

“Nako, bagay na bagay ang pangalan.” Too much compliment, I might stay here! “Halina kayo. Naghanda si Sister Flori ng pananghalian to,” malambing pang dagdag ng madre.

Mabilis naman kaming sumunod dito. Upon walking, hindi ko mapigilang ipagkumpara ng timbre ng boses naming dalawa ng babae.

Her voice was so soft. . . iyon bang para ka laging hinehele. Parang tutulo na agad ang laway mo kapag narinig mo ang boses niya—ang sarap-sarap sa tainga.

“Nako. . . bagay na bagay ang pangalan.” Ginaya-gaya ko ang babae. Sinubukan kong piliting maging mahinahon din ang boses.

“Para kang kambing.”

Halos gusto ko na lang bumulagta sa harapan nang marinig ang komentong iyon galing kay Cormac. Narinig niya pa ‘yun? Anong klaseng tainga ba ang mayroon ito?

“Kambing?” hindi makapaniwala kong gagad.

Mabilis at walang ekspresyon niya akong hinarap at walang pagdadalawang-isip na tumango.

“You son of a–”

“Magandang umaga po, Sister.”

Para akong tangang mabilis na nagtikom ng bibig nang nakita ang isa pang madre. Mabilis akong nakaramdam ng pagkahiya dahil sa lalaking ito.

Hinila na noong batang babae si Cormac patungo sa ilan pa nitong mga kaibigan kaya hindi ko na sinubukan ang humabol.

Minabuti ko na lang ang umupo sa isang tabi para sana panoorin ang mga ito mula sa malayo.

Hindi magawang tanggihan ni Cormac ang bata. They seem to be very close. Tinawag pa siya nitong ‘dada’ and that kid. . . she makes him smile.

Bahagya akong napangiti nang makitang tinuturuan ng mga batang babae si Cormac ng larong piko. Barako ang pangangatawan pero dahil hindi sanay ay ilang beses pa itong masusubsob sa daan.

Kung hindi ko lang kilala ang mga magulang ni Cormac ay siguradong iisipin kong may kakambal ito at iyon ang kasama ko ngayon.

Ibang-iba ang kilos ng lalaki. Ngunit imbis na pag-isipan nang masama ang bagay na iyon at mainis. . . I can’t help but to be happy as well.

I am happy to see him smile.

Iyong parang napakagaan niyang tao. Iyong hindi nakakatakot na boss sa opisina, hindi nakakainis na CC na palaging binubwisit si Avery.

Today, he seems pure.

Today, he seems free.

Dumapo ang palad ko sa dibdib, pinakiramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso dahil sa nakikita.

“Iyan ang dapat na nakikita ng media. . . the CC that is pure and free. . .” pakiusap ko sa sarili ko.

Alam kong hindi ako dinala ni Cormac dito para sa wala. Alam kong sa ganitong paraan, hindi niya man magawang maikwento, binibigyan na niya ako ng impormasyon tungkol sa kung anong buhay niya.

Behind all those cars. . . taliwas sa iniisip sakanya ng karamihan. . . this is Cormac Carter— the real one.

“This will become a sure hit,” bulong ko na lang sa sarili. “Bakit mo itinatago ang totong ikaw, Mr. Carter?”

Itinuloy ko ang panonood sa kanila. Paminsan-minsan akong natatawa kapag pinagkakaisahan ng nga bata si Cornac kaya wala itong ginagawa kundi ang mangamot sa batok nito.

I judge him— a big time. But then, right now, alam kong hinding-hindi ko pagsisisihan kung mas kikilanin ko pa ang lalaki.

“Napakabuti ng batang iyan. . .”

Napasinghap ako nang marinig ang malambing na boses iyon. Pasimple ko siyang binalingan saka ngumiti.

Gamay ang kilos ay tumabi ito sa akin. “Napakalapit ng loob niya sa mga bata. With them, he found comfort.”

Hindi nawawala ang ngiti naming dalawa ng madre habang pinanonood ang mga ito. Hindi ko na rin tuloy napigilan ang magtanong. “Madalas po ba siya rito?”

Humalakhak nang marahan ang babae bago magsalita, “Nako, dito na ‘yan nagbinata si Cormac. Kaya, siguradong-sigurado akong hindi niya kakayanin ang isang linggo na hindi bumibisita rito.”

Napamulagta ako sa gulat. Cormac’s been here since he was a kid? “Dito na po siya nagbinata?”

“Aba’y oo! Tandang-tanda ko pa noong unang araw niya rito, aakalain mong hindi makakabasag ng pinggan at sobrang tahimik. Nagulat nga kami noong isang araw na nakikipaglaro na rin sa mga bata. Kaya, ayan. . .  madalas kapag nagpupunta ang lalaking ‘yan dito ay nakikipaglaro pa rin talaga siya,” anas ng babaeng katabi.

Ramdam ko ang biglaang pagkabuhol-buhol ng mga salita sa utak. Hindi ko alam kung ano marahil ang una kong iisipin. “He. . . He was an orphan?”

“Nako, iha? Hindi pa ba nasasabi sa’yo ‘yan ni Cormac?” gulat na gagad ng madre. “Nako, pasensya ka na. Hindi ko alam.”

Hindi ko maintindihan ang biglaang kong panginginig. Parang biglang gusto kong umatras dahil nabuo ang hindi maipaliwanag na takot ko sa kung ano pa ang pupwedeng malaman.

Reportedly DatingWhere stories live. Discover now