Five: His friend, Levi

435 15 1
                                    

“Ta Av!” Tinapatan ko si Jacques atsaka niyakap nang mahigpit. Gaano man ako ka-badtrip dapat hindi roon madamay ang bata.

"How’s my Jacques?” Malaki ang ngisi nitong tumango-tango at nag-okay sign. Walang sabi-sabi ko itong kinarga kaya tumawa siya nang tumawa. Iyon palagi ang gusto nito, eh.

“Itsura mo!” Awtomatiko akong bumaling kay Kuya Jac gamit ang matalim na mga mata. Nakikita na ngang badtrip mang-aasar pa. “Where’s the key, by the way?”

Hindi ako nagsasalita. Padarag kong ibinagsak sa nakabukas niyang palad ang susi.

I just can’t believe this. Gumastos ako ng thirty million ngayong araw para ma-bwisit. “Ano bang problema mo? I mean – anong pumasok sa isip mo para bumili ng thirty million sports car?”

Nginitian ko munang muli si Jacques bago ko ito ibaba. “Shut up!” nagdadabog kong sabi bago dumeretso sa sariling kwarto. Mas disappointed pa ako sa disappointed. Ngayon, ano na? Ano ng plano ko? Am I gonna sit here? Bwisit! Bwisit ka, Cormac Carter! Napakaarte mo.

Parang may bumbilyang nagliwanag sa itaas ng ulo ko nang maisip ko ang mga magulang niya. According to him, they're in abroad. Siguro naman mayroong mabait sakanila na pupwede kong makausap, hindi ba? Maybe I should ask them. Kapag pumayag sila sa alok ko tungkol sa anak nila, sila na mismo ang kukumbinsi sa Cormac na ‘yun and bingo! Wala na siyang kawala!

I knew it! How can I be this intelligent?

Kukunin ko pa lang ang cellphone ko para sana magresearch nang bumungkaras iyon sa malakas na tunog. It was Ma’am Cassandra, mangungumusta ito panigurado. “Ma’am,” bungad ko.

“How’s the encounter?” Napairap na lang ako sa kawalan bago sumagot. “I hate it.”

“Pero hindi ako titigil, ma’am. I’ll get that C.C. Ipapalabas ko sa publiko ang buhay niya. Mananalo tayo sa AFA this year.”

Mananalo kami sa AFA. . . Tama.

Kinaumagahan para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Pakiramdam ko pumutok ang mata ko sa isang oras na idlip dahil hindi ako pinatulog ng pag-iisip ng susunod na plano. At the end, wala pa rin akong naisip pero minabuti ko pa ring magpunta sa opisina nila. Bahala na kung anong makuha ko roon ngayon, mas gusto ko na lang patunayan sa lalaki na hindi ako basta-basta susuko.

“Maaga pa, ah. Sa BSE ka dederetso?” Umiling lang ako kay Kuya Jac pagkatapos ay dumeretso na kay Jacques na aliw na aliw sa kinakain. Three years old pa lang ito pero sobrang bigat na. Hindi kasi hinahayaan ni Kuya na kung ano-ano lang ang kinakain.

Simula nang mangyari ang paghihiwalay nila nu’ng fiancee ay hindi na naghanap pa ng ibang babae si Kuya. May mga kasambahay naman na siyang binibilinan patungkol Jacques. Simula rin noon, dito na talaga ako umuuwi sa bahay nila. Gusto kong makasama si Jacques pero ginusto ko ring i-monitor ang kapatid ko. Ayoko nang mapagdaanan nitong muli ang sakit na naramdaman noon kaya binabakuran ko rin mula sa mga babae.

“May kailangang asikasuhin sa C.C Cars kaya rin nando’n ako kahapon,” tapat kong sabi saka kumuha na rin ng pagkain at tinabihan si Jacques.

“Kaya ka bumili ng thirty million na sasakyan kasi nagpapabango ka sa kukunan ng information? Thirty million? Dalawampung taon mo na atang sweldo ‘yan sa BSE!” Inirapan ko na lang ang lalaki at nagtuloy sa pagkain. Paminsan-minsan ay naglalaro-laro pa kami ni Jacques katulad nang nakasanayan. Tama naman siya, walang-wala ang perang iyon sa suswelduhin ko sa BSE pero ano naman ngayon? Ang mahalaga rito mapabilib ko siya at makumbinsi. Saka ko na poproblemahin ang pera. “Cormac Carter. I’ll see him later. May ipapasabi ka ba?”

Huminga ako nang malalim, pinipilit magtimpi. Eto talagang kapatid ko, alam na alam niya kung kailan ako aasarin. “Kuya naman!”

Tumawa na ito nang tumawa kaya hinayaan ko na. Dinalian ko na lang ang pagkain at nagtuloy-tuloy sa pag-alis pagkatapos magpaalam kay Jacques.

Saktong alas otso pa lang ng umaga ay nasa parking lot na ako ng C.C Cars Main. Tingnan na lang natin kung hindi mabwisit sa akin ‘yang lalaking ‘yan. Kukulitin ko siya nang kukulitin hanggang sa mapagod na lang siya at sumuko. Then, papayag na siya. Easy! Kayang-kaya ko ‘to. Para sa AFA.

Minabuti ko munang mag-order ng kape sa kalapit na coffee shop. I’ll try to get some coffee for Jessica and Cormac. Hawak ang dalawang Jamaican Blue Mountain Coffee sa kaliwang kamay habang nasa kanan naman ang akin ay dahan-dahan kong tinungo ang loob ng lugar nang may napakalakas na pwersa ang bumundol sa likuran ko dahilan para matapon ang mga kapeng hawak sa buong dress ko. Partida, ramdam na ramdam ko ang malamig na kapeng nanuot hanggang sa panloob kong damit. I also hate that I am wearing a thin, white, flowy dress. Bumakat na agad ang suot kong bra.

Ilang beses akong bumilang sa isip ko. I need to get my shit together. Gustong-gusto ko nang sumigaw pero kailangan kong makapagproduce ng good impression sa mga taong nandito. Ang hirap no’n!

“Miss! Miss, I’m really really sorry. Are you okay?” Parang nabingi ako sandali sa sobrang lamig na nararamdaman. Mabilis na hinubad ng lalaking nakabunggo sa akin ang coat na suot at marahang ipinatong iyon sa katawan ko. Inilapit nito ang bibig sa tainga ko bago magsalita, “I know you are mad but please, can we take it inside the office?” Mahina ang naging sagot ng pagsang-ayon ko sakanya. Iginiya niya ako paakyat sa pamilyar na opisina — ang opisina ni Cormac, doon ko naisip na baka hindi empleyado rito ang lalaki.

“Pasensya ka na talaga, ha. Nagmamadali kasi ako at nakatingin sa cellphone. I know, it’s my fault and I’ll make it up to you. But first, let’s get you change.” Marahang mga hawak ang ibinigay ng lalaki sakin, iginigiya ako nito sa bawat paghakbang.

First impression? May girlfriend. Kasi alam na alam kung paano mag-aalaga ng babae at mabait. Hindi katulad ng iba dyan! Kailangan ko na lang dumistansya nang kaonti dahil ayokong makagulo.

Nang makarating kami sa pinto ng opisina ni Cormac, bahagya siyang kumatok bago binuksan ang pinto. Bumungad sa amin ang lalaking subsob na sa trabaho. Nag-angat lang ito ng tingin sa amin bago ibinalik ang tingin sa ginagawa. Hindi man lang nagulat na nandito na naman ako.

“C, I’m in trouble. Can we use your bathroom?” magalang na sabi ng lalaki. Tell you what, ang sarap pakinggan ng boses niya. Para bang lagi akong hinihele. Parang sobrang maalaga.

“Sure, no problem.” Si Cormac naman ang kabaliktaran ng lahat. Kung itong poging lalaki rito ay very gentle, si Cormac parang laging may kaaway. Bwisit!

Mabilis niya akong hinarap. Nakitaan ko pa nga siya ng pagpapanic. “Miss–”

“Avery, Avery Taylor.” Iginiya niya ako papunta sa sofa, pinaupo. “Calm down. I’m okay,” dagdag ko pa.

Finally, I saw him smile. Natawa pa nga ito nang bahagya. “Can you wait for me here? May spare shirt ako sa sasakyan, I’ll bring them here. Magpalit ka muna pansamantala so that makapunta tayo sa mall?”

“Mall?”

“Yup. I’ll buy you clothes–”

Napadarag ako sa bigla niyang sinabi. Kapag umalis ako rito, hindi ko makukumbinsi si Cormac maghapon at masasayang ang oras ko.

“Let me do this, please. . . I’m Levi, by the way. I am one of Cormac’s friends.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Levi. . . Cormac’s friend.

“Okay, fine. You didn't really have to do this but sure,” nakangising sabi ko. Napasulyap akong napatingin kay Mr. Carter na masama ang tingin sa aming dalawa.

We’ll go the mall then I’ll let the plan begins.

Reportedly DatingWhere stories live. Discover now