"Ikaw Viena, nag-apply ka na?" Tanong ni Kuya Rei. "Hindi pa po, nag-apply ako dati kaso ang sabi kailangan daw ng experience." Sagot ni Nana.

"Pero nagtatrabaho sya sa fastfood." Sabi ng mama nya. "Para hindi na hanapan ng experience." Sabi namin ni Winzie at sabay kaming tumawa.

Natapos ang kainan at kaming tatlong babae ang nag-uurong. "Babalik pa talaga si Dave?" Pabulong na tanong ni Viena. "Oo naman, gagraduate pa sya." Sagot ni Winzie.

"Eh paano yung sa kanila ni Tasha?" Tanong ulit ni Viena. "Madali na syang makakaalis."

"Bakit?" Sabay nilang tanong nang sumingit ako sa usapan nila.

"Sabihin na nating wala nang bantay si Dave. Kaso nga lang, nilalakad na yata yung kasal." Sabi ko.

"Eh di ba pwedeng kasuhan yung papa nya?" Tanong ni Nana. "Pwede naman, kaso mapera eh."

"Pero Sha, tandaan mo, sa huli ang tama ang nananalo. Hindi pwedeng hayaang mas maging masama pa yang papa ni Dave." Sabi ni Winzie.

"Tara na raw." Sabi ni Grey at tumulong sa pagliligpit ng mga plato.

Pumwesto kaming tatlo para sa bigayan ng regalo. "Alam nyo namang talagang naglalaan kami." Binigyan kami ni mama ng tig-500. "Dagdag allowance nyo."

"Eto naman." Inabutan kami ni papang tig-500 ulit. Si mama ay nagpapamigay na ng regalo at si ate rin.

"Reiza." Lumapit sya sa akin at hinawakan ni Nana ang kamay nya. "Rhea, Reiza, ano tawag nyo?" Tanong nya sa akin.

"Minsan Rhea minsan Reiza." Sagot ko.

"Tito Dave!" Agad nyang inakap si Dave. "Ay kay Dave gusto." Sabi ni Winzie.

"Dave, may ibibigay ka ba?" Tanong ni mama kay Dave. Pabulong nya lang tinanong para hindi masyadong nakakahiya.

"Ah opo." Kinuha ni Dave ang isang malaking box. Binigyan nya kami ng sabon, toothpaste at chocolate.

"Yung totoo, nagmigrate ka ba o OFW?" Nagtawanan kaming lima sa tanong ni Grey. "Parehas."

"Nagpapart time job sya minsan." Sabi ko sa kanila.

"Swerte naman ni Tasha." Ngumiti ako sa kanila. "Pinalad sa jowa."

"Lamang naman kayo madalas, nakakasama nyo eh."

"Sa ating tatlo, si Nana ang pinakamaswerte." Sabi ni Winzie. "Ako pa, syempre." Proud na sabi ni Nana.

"Eto, hindi ko alam kung kasya sa inyo pero iisang size lang kinuha ko. Di ko alam na mataba na kayong tatlo." Sabi ni Dave habang inaabot ang t-shirt.

"Grabe ah." Kinuha namin ang t-shirt na hawak nya at sinukat yun.

"W. Tecson, V. Domingo, T. Rousseff." Sabi ni Winzie habang binabasa ang nasa t-shirt namin. "G. Smith, E. Valencia." Sabi pa nya habang binabasa ang nasa t-shirt ng dalawa.

"Dave, thank you!" Sobrang effort ni Dave pagdating sa mga taong mahal nya. Talagang nagpacostumize sya ng t-shirt para sa amin.

"Magset tayo ng gala tapos isuot natin to bukas." Sabi ni Winzie. "Pwede naman, saan?" Tanong ko.

"Movie." Sabi ni Earl.

"Swimming." Sabi naman ni Grey.

"Tara sa zipline or any adventures." Sabi ni Winzie.

"Gagala ba kayo bukas?" Tanong ng tito ni Dave. "Opo." Sagot namin.

"May bagong museum kaso nga lang may kalayuan. 2 hours ang byahe, kung gusto nyong maaga 7 alis na kayo. Malaki yung museum siguro aabutin nang 3 hours para maikot kasi may tour guide bawat papasok." Sabi nya.

10 Ways How to Make Him Stayजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें