CHAPTER 20: First day of school

70 19 0
                                    

WARLOCK'S POV

"Hoy, gumising ka na!"

Napaungol ako at niyakap ng mahigpit ang unan ko. Muli kong naramdaman ang paa ni Manong Bulldog na sumisipa sa katawan ko kaya naman napasinghap ako.

"Maaga pa," paungol kong anas habang nakapikit parin ang aking mata.

"Anong maaga pa? Hindi ba't papasok ka na ngayon?"

Agad na nagmulat ang mata ko nang maalala iyon. Tama. Unang araw ko sa eskwelahan ngayon!

Dali-dali akong lumabas at kumuha ng tuwalya ko. Halos liparin ko na ang daan patungo sa banyo at naligo roon. Nilinisan ko ng mabuti ang aking katawan maging ang ngipin ko upang mag mukhang presentable, teka, kailan pa ako naging ganito?

Pagkalabas ko ng banyo ay natigilan ako nang makita ang nag-iinat kong mga kasamahan.

"Oh, ang aga mo ata," wika ni Carl na kinukusot palang ang kaniyang mata.

Napatingin naman si Deñel sa wristwatch niya. "5:30 palang," anito na halos ikasalubong ng kilay ko.

"Aish!" tangi kong bulalas at sinuklay paitaas ang basa kong buhok. "Hoy, Bulldog! Bwisit ka talaga!" bulyaw ko rito at bumalik na sa kwarto. Pagkabukas ko ng pinto ay wala akong nadatnan kundi ang isang uniporme na nasa ibabaw ng kama ko. Nilapitan ko nalang iyon at nakitang may nakadikit na note roon.

'Yan ang gamitin mo. Kita nalang tayo sa school.

Muli kong tinignan ang uniporme at bumuntong-hininga. Tutal ay nakaligo na ako, isinuot ko nalang iyon. Kinuha ko narin ang bag ko at lumabas na.

"Papasok ka na?" tanong ni Eric na tinanguan ko.

"Ihahatid na kita, sandali lang," hayag naman ni Tielo na kalalabas palang ng banyo.

"Hindi na. Magbubus nalang ako."

"Bus? Malapit lang naman ang eskwelahan. Pwede namang nagjeep ka nalang o tricycle, pwede mo ring lakarin," sabat ni Gio na abala naman sa pagkain.

"Ganu'n ba," tangi kong bulalas at saktong may bumusina sa labas.

"Warlock, nandiyan 'yung girlfriend mo."

Ah tama!

"Sige, una na ako," pamamaalam ko sa mga ito at naglakad na palabas. Agaran kong nginitian si Sieena nang magtagpo ang aming mga mata.

"Ano? Ayos lang ba ang tulog mo?" tanong nito at inayos ang uniporme ko.

"Ayos naman. Medyo masakit lang ng katawan ko dahil sa pakikirambulan sa kasama ko sa kwarto," sagot ko na ikinakunot ng noo nito. "Si Manong Bulldog, 'yung guard sa school."

Tumango-tango ito at pumasok na kami sa loob ng kaniyang kotse. "Nag-agahan ka na ba?" Umiling ako. "Gusto mo bang dumaan muna tayo sa malapit na cafe?"

"Doon nalang tayo sa cafeteria ng school, mas masarap ang pagkain roon."

Tumango naman ito at umandar na ang sinasakyan namin. Nakita kong humikikab ito at mukhang kulang pa siya sa tulog kaya naman ipinasandal ko sa balikat ko ang ulo nito.

"Hindi ka nakatulog ng maayos?" tanong ko na tinanguan niya.

"Binwisit ako ng pinsan kong kauuwi lang dito sa Pilipinas kagabi, kaya hindi ako nakatulog ng maayos," sagot niya at malalim na bumuntong-hininga.

Huminto ang kotseng sinasakyan namin at napansin naming nasa tapat na kami ng eskwelahan, kaya naman lumabas na kaming dalawa.

"Bulldog!" bati ko rito pero ihinarang nito ang kamay niya sa akin. May inilabas ito sa bulsa niya at isinuot iyon sa leeg ko.

WarlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon