CHAPTER 6: Bye, Bye, Tielo

120 27 7
                                    

WARLOCK'S POV

Kagat-kagat ko ang aking pang-ibaba labi habang mariing nakahawak sa lapis. Nakabantay sa akin sina Tielo at Erin kaya naman kailangan kong tapusin ang pagsusulat ko.

Isang tuldok nalang...

Agaran akong sumandal sa kinauupuan ko matapos mapagdugtong-dugtong ang ginawang tuldok ni Erin, ito ang naging gabay ko sa pagsusulat ng aking pangalan.

"Ano bang apelyido mo para maidugtong natin rito," hayag ni Erin habang pinagmamasdan ang sulat ko.

"Wala akong apelyido."

Natigilan ito at napatingin sa akin. Puno ng pagtataka ang mga mata niyang nakatutok sa akin pero natigil ito ng may kumatok sa pintuan.

Tumayo si Tielo at tinungo iyon, hanggang sa bumalik siyang may hawak na isang itim na rosas at isang box ng cake.

"Warlock, para sa'yo daw sabi ng nagdeliver," turan ni Tielo at inilapag sa ibabaw ng mesa iyon.

Nilapitan ko ang box at binuksan iyon. Agarang nagkislapan ang aking mga mata nang makitang cake na laman nito, at sa gilid ay may dagger.

"Kanino naman kaya galing 'yan?" untag ni Tielo na ikinahinto ko at kinuha ang dagger. Unti-unting umangat ang gilid ng aking labi nang maalala ang babaeng tumutok sa akin ng dagger.

Tama. Marahil ay sa kaniya galing ito.

"Sabihin na nating regalo 'to ng girlfriend ko," sagot ko.

Ipinunas ko sa suot kong damit ang dagger, at iyon ang ginamit na panghiwa sa cake. Akmang kukunin ko na iyon upang kainin, pero agaran akong pinigilan ng dalawa.

"Pa'no kung may gayuma 'yan?" sabay nilang sambit na ikinakunot ng noo ko.

"Gayuma agad? Hindi ba pwedeng lason ang nakalagay rito? Bakit gayuma agad ang naisip niyo?"

Nagkatinginan naman ang dalawa sa tinuran ko.

"Ah wala naman. Ang sabi mo ay regalo ng girlfriend mo? Wala naman akong kilalang babae na malapit sa'yo," sagot ni Tielo.

"Isang beses ko palang siyang nakita at hindi ko pa alam ang pangalan niya," sagot ko at kinuha ang hiniwa kong cake sabay kinain iyon.

"Isang beses mo palang nakita at hindi mo alam ang pangalan niya pero girlfriend mo na agad? Hindi ko tuloy alam kung asumero ka lang, o sadyang makapal lang talaga ang mukha mo," komento naman ni Erin, na ikinairap ko sa hangin.

"Aish, ano namang pakialam niyo sa love life ko?" reklamo ko at muling humiwa sa cake, sabay isinubo iyon.

"Teka, ano? Hoy lalaki! Ako lang naman ang tumatayong guro mo. Ang galing mong lumandi pero hindi ka naman marunong bumasa't—"

Agaran itong natahimik nang suksukan ko ng cake ang bibig niya.

Masyado siyang madaldal at maingay. Napakasakit sa tainga ang boses niya, lalo na sa tuwing idinadahilan niya na hindi ako marunong bumasa't sumulat.

"Ubusin mo na 'yan at magpatuloy sa pag-aaral mo," sita ni Tielo na tinanguan ko.

Mabilis kong inubos ang cake at dinilaan ang bawat daliri ko pero agaran akong natigilan dahil nakatingin sa akin ang dalawa.

"Bakit?"

Sabay silang umiling at nag-iwas ng tingin. Ano bang problema ng mga 'to?

Tumayo ako at nagtungo sa lababo. Hinugasan ko ang kamay ko at nilinisan rin ang mukha ko sabay bumalik sa sala.

"Nasaan na si Tielo?" untag ko kay Erin nang mapansing wala na si Tielo sa kinauupuan nito.

"May nagtext kasi sa kaniya at sinabing lumabas na ang resulta ng exam niya, pasado daw siya. Ngayon ay naghahakot na siya ng gamit niya upang maghanda," sagot nito na ikinatango ko at naupo. "Kung kumuha ka rin kaya ng exam?"

WarlockWhere stories live. Discover now